CHAPTER SIX

679 15 0
                                    

Eto na ang next chapter natin..

 

JAY'S POV

Nandito na naman ako sa park kung saan dito yung lagi kong tambayan pag nagtratrabaho ako. Nakikita ko yung isang pamilya na naglalaro kasama ang anak nilang cute na cute, kahit kailan hindi ko naranasan ang saya ng nararamdaman nila, hindi ko kasi naranasan ang pagmamahal ng isang ina, galit ako sa kanya dahil inabandona niya ako kaya hindi ko pa magawang patawarin siya, ni hindi ko nga alam kung buhay pa ba siya oh ano. Kinuwento lang ni tatay na maganda raw si nanay, beauty queen na nainlab sa isang katulad niya na hindi nag-aaral kaya nung nalaman nung papa niya, ipinagbawal na raw si tatay na dumalaw sa anak nila. Pero dahil mahal na mahal daw ni tatay si nanay ay inanakan daw niya ito kaya meron ako. Kaya lang pinamigay daw ako ni mama dahil sa kagustuhan ng ama niya. YUN AY AYON SA KWENTO NI TATAY. Hindi ko nga alam na may ina palang ganun, hindi kayang panindigan ang anak.

Ang saya talaga nila oh!! Mga bata pa ang mag-asawang toh, mga nasa 22 lang siguro yung edad nung babae tas 25 dun sa lalaki. Tapos yung anak nila ay baka dalawa lang. Ewan ko ba pero parang natutuwa ako nang makita yung babae na yakap yakap yung anak.

"Pssttt!! Uy, hoy!!! Jay!!!" biglang may yumugyog sa akin. Napatingin ako sa mukha niya, si ate Alia.

"Uy ate, kumusta, long time no see ah!! Kala ko galit ka talaga sa akin kaya hindi ka nagpapakita sa akin!!"

"Anong tinitingin - tingin mo ha???" tanong niya.

"Sus!! Wala, natutuwa lang sa mag-asawang yun dahil ang cute nung anak nila." sagot ko. Tumingin naman siya sa direksyon na tinitingnan ko.

"Teka, bakit parang si Anika yun!! Yeah, I'm right, si Anika nga!!" sabi nito.

"Ahy kilala moh!!?? Bakit ka nga pala napunta dito!!?" tanong ko.

"Wag mo akong pagtawanan sa sasabihin ko ha kundi lagot ka sa akin!!" sabi nito.

"Sige bah!! Pero may good news ako, mag-aaral na ako, sa opening mismo!!"

"Talaga!!! Congrats, pagbutihin moh ha!! May good news din ako!! I'm getting married again!!" masayang sabi niya. Yinakap ko siya.

"Wow! Congrats!! Buti talaga hindi ako tumutol nung araw na yun, sabi ko nga talaga.." masaya kong bulalas, natutuwa talaga ako para sa kanya.

"Me too and I'm inviting you to attend my wedding!!" nakangiting sabi nito, wala na akong makitang lungkot sa mukha niya. Hayy!! Salamat naman at nahanap niya ang kaligayahan niya kay Jairus.

"Talaga, pupunta ako ha pero nakaboy basta wag na wag mong pahalata na babae ako ha. Yung pangako moh ha!!" paalala ko.

"OO naman, ano ka bah!!" sinabi niya rin kung kailan at binigyan ng pambili ng tuxedo, syempre para kumportable.

"Samahan moh nga ako dun kila Anika, nahihiya akong kausapin siya eh."

Living in Different World ( COMPLETED )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang