CHAPTER 29 - JAY meets her MOM

533 17 0
                                    

 >Mom po ni Jay..<<< pic on the left side..

JAY'S POV

Ring

Ring

Ring

Dali-dali kong sinagot yung tawag ko.

"Oh Aling Bebang, napatawag kayo ho!??" sagot ko.

("MyYAKHUWKSOWAUSGDJKKRHHO")

"HAH??? Hindi ko po marinig!! Pakilakasan.!" sigaw ko dahil maingay nga dito sa factory.

("MAY NAG HAHANAP SAYO!!! NANAY MO RAW KAYA SINABI KONG NANDYAN KA SA TRABAHO!!") sumigaw na siya kaya narinig ko.

Toot toot tooot

Ngeks nawalan ata ng load.

"Jay, umayos ka jan. Nandito daw yung nagmamay ari ng factory, STRIKTO PA NAMAN!!" sigaw ni Jude.

Dali-dali kong tinago yung cellphone kong bulok at tinulak yung trolley. May delivery na naman ang track kaya mabilis dapat ang kilos. Nandiyan pa naman yung may-ari nito.

Iika ika kong tinulak ang trolley hanggang sa malaking track ng mabigla ako. SI MRS. GERMOSO at AUSTIN????? Ano naman kaya ang ginagawa nila dito!??? Kailangan kong magtago!! Naku, saan ba ako magtatago.

"JAY, anong ginagawa mo jan.!! Hinahanap ka ng presidente.! Kilala mo ba siya???" kunot-noong tanong ni Eddie.

"ha?? Bakit ako!!? Saan siya.?" kinakabahang sabi ko. Wala naman akong maisip na mali sa mga nagawa ko para kausapin niya ako.

"Ayun siya oh!" turo niya kay Mrs. Germoso. HAH??? SIYA??? Sila may ari nitong factory.

"Ah eh hehe sige tingnan ko lang yung bag ko!!" palusot ko. Kailangan kong tumakas dito. Bakit naman ako tatakas??? May nagawa ba akong kasalan??? Ngek!! Oo nga noh!! Tanga lang!!

"Jay!! Anong ginagawa moh dito??" biglang may nagsalita sa likod ko.

Dali-dali akong lumingon. Yikes!! Si Austin.

Dug

Dugudug

Dug

"Anoh sa tingin mo??? Syempre nagtatrabaho.!" pagtataray ko at tinulak yung walang laman na trolley.

Kunyari hindi ko nakita si mrs. Germoso. Sige, ignore mo lang sila. Walk straight.

"Jay!! Hindi kami pumunta dito para lang mag-aksaya ng oras! May gustong kuma-usap sa yo.!" si Austin.

Pahug nga!! Ngew!!! Ang landi moh eeewww no way!!

"Ahm yes madam, ano pong ma-ipaglilingkod ko sa inyo!!" hindi ko alam kung bakit ganun ang lumabas sa bibig ko. Tsaka sinamahan ko na smile pero hindi ko alam na nakangiwi pala ako sa hiya sa mga kasamahan ko. Pinagtitinginan nila kami.

"Ahm can we go somewhere else!?" sabi niya.

"Ah eh--"

"Huwag ka ng magdahilan, sa kanya ang factory kaya sundin mo na lang.!" sabad ni Austin.

Teka nga!! Hindi ko naman to kinakausap, paki alam ba niya sa akin at sa nanay ko.

"Hoy! Hindi kita kinaka-usap ha!! Kapal fezlak!!" singhal ko.

Tinitigan niya lang ako. Na conscious tuloy ako. Ahm anong meron sa mukha ko???

Sumunod lang ako sa kanila at pumunta kami sa isang restaurant. Nag order din sila ng drinks and pastries.

"May mahalaga akong sasabihin sa yo Jay.  Sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa akin!" panimula niya.

"Ano po yun!!?" painosente kong tanong.

"Naalala mo ba nung nag-usap tayo sa party nila Alia?? Yung tungkol sa anak na sinasabi ko, ikaw yun!!" prangka niya. ( ay wala bang ahm eh ah... Otor???? Wala na direct to the point agad-agad!)

"Ahm alam ko na po!!" nabigla sila sa sagot ko.

"What??? Eh bakit mo pa sila pinahirapan,.??" bigla na namang sumabad ang ugok na to.

"Wala ka na dun!! Di ba pinagbintangan mo akong gold-digger, pwes ayokong ma ulit yun kaya hindi ko na sila inistorbo!!" bulyaw ko sa mukha niya. Hindi naman ako mean girl pero bwisit kasi toh eh. Tsaka tignan ko lang kung kaya pa nila akong tanggapin kahit masama ang ugali ko.

Nabigla siya sa sinabi ko, pati ang nanay ko.

"Pasensiya na po sa pag-uugali ko. Pero hindi po ako plastik madam!!"

"mama na lang Arian." nakangiting sabi nito.

"Siyanga pala, humihingi ako ng paumanhin sa ginawa ng gagong Koto na yun!! Pinagperahan pa niya kayo!!" sincere ako dun ha.

"Okay lang, Arian. Ngayong alam mo na na anak kita, ah --" tumingin ito kay Austin.

"Siguro naman, pwede ka ng umuwi sa bahay niyo.!" si Austin ang nagsalita.

"Pasensiya na po pero hindi naman ako isang gamit na nawala at ng nahanap niyo na ay natuwa kayo ulit. Pasensiya na ho madam pero hindi ho ako sasama sa inyo. Okay naman siguro na nakilala niyo at nalaman niyong buhay ako."

Hindi siya umimik sa sinabi ko pero naging teary eyed siya. Sorry na lang pero hindi ko pa siya mapapatawad.

"Excuse me po pero kailangan ko ng umalis, wala na ho tayong dapat pag-usapan." tumayo ako at lumabas sa restaurant na pinasukan namin.

"JAY!!!! Ayusin mo nga yang ugali mo. Wala kang respeto sa magulang moh!!" sinundan niya pala ako at may gana pang hawakan ako.

"Bitiwan mo ako!!" pagpupumiglas ko.

"Not unless you apologize to your mother.!! Hindi mo ba alam kung gaano siya ng malamang buhay ka, tapos ngayon babastusin mo siya ng ganun ganun lang!!" singhal  niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkahawak sa braso ko.

"HindE!!! Paano ko malalaman yun?? Hindi ko naman siya palaging nakikita. AT Bitiwan mo ako sabi eh!!! Wala kang paki alam.!!" bulyaw ko.

"No, nakiki alam ako dahil naawa ako sa mama mo. Alam mo bang ala-ala mo ang bumubuhay sa kanya, ikaw ang inspirasyon niya araw-araw. Nakita ko kung paano siya nahirapang mabuhay dahil sa pagkawala mo. Kaya please, go home with her!!"

"Ah ganun!! At pag umuwi ako sa kanya, di parang pinamukha mo sa akin na mukhang pera na ako!!" masama ang loob na wika ko.

"Why are you so stubborn???" wika lang niya.

Inalis ko na ang braso ko sa pagkahawak niya. Tumalikod ako at nabigla ng makita si mrs. Germoso na nakatayo pala dun.

"Ako ho ay natutuwang makilala kayo pero hindi pa ho ako handang harapin kayo!!" mahinahon kong sabi at umalis.

Living in Different World ( COMPLETED )Where stories live. Discover now