Chapter Eleven

537 11 0
                                    

UD na ulit tayo!!! Haisstt

CHAPTER ELEVEN

AUSTIN'S POV

Umidlip muna ako dahil puyat ako sa pagrush nung trabaho ko kagabi, mamaya may imimeet pa akong client eh. Alam niyo naman kahit boss ka, may deadline ka rin kaya mahirap din ang trabaho namin kahit papaano. Laging kulang ang tulog, walang time for family kaya kawawa lang ang mga anak dahil hindi mabigyan ng atensyon. Ano bang pinag-iisip ko, ANAK??? Ni wala nga akong asawa o girlfriend, anak agad ang pumasok sa isip ko. Teka nga pala, kumustahin ko nga si Brit, tagal na akong hindi nakapag-update kung may pagbabago pa siya. Tinawagan ko si Jay.

"Hello!"

("Ah boss napatawag ho kayo!!??")

"Kukumustahin ko lang si Brit, napapa-away pa rin ba siya!!?"

("Ah, nagtataray lang pero hindi na siya ang nagsisimula ng gulo.!")

"So ibig mong sabihin, nakikipag away pa rin siya pero hindi na siya ang nag-iistart ng gulo!!"

("Parang ganun na nga sir, pero wag ho kayong mag-alala boss, hindi ko naman po nakakalimutan ang trabaho ko.")

"Okay!! Yun lang, basta may ginawa siya, report mo agad sa akin at malilintikan talaga yan!!"

("Okay boss!!")

Nakakastress talaga yang kapatid ko, first day of school may sinampal daw, ayon sa report ng bodyguard niya. Sabagay, parte yun ng pagiging estudyante, ganun din kami nung college, minsan napapa away pero okay lang dahil lalaki ako,, eh siya, kababae niyang tao, nikikipag-away.

JAY'S POV

Katatapos ko lang maka-usap si Austin kaya bumalik ulit ako sa room, lumabas lang kasi ako para sagutin yung tawag niya. Pero nagring na yung bell, next subject na pala. Pumunta ako sa next kong subject ng mapadaan ako sa bulletin board.

ATTENTION:

WHO: To all interested students.

WHAT: Selection for Basketball players and Cheerleaders.

WHERE: University Gymnasium.

WHEN: Friday, 1:00 to 5:00 pm.

Hmmm. Ano kaya kung sumali ako ng basketball, pero ang liit ko, 5'5 lang eh ang tatangkad kaya nila.  Pero kahit na, basta subukan ko lang, dagdag allowance kaya yun, dahil may allowance daw pag varsity player eh.

"Sasali ka ba jan??" biglang may nagtanong sa likod ko. Si Carlo, sa pagkaka-alam ko eh siya yung captain ball ng basketball dito.

"OO, hindi naman siguro bawal dahil to all interested students ang nakalagay dun!!" sagot ko.

"Huh, good luck.!! Wala sa itsura per!!" sabi nung isang kasama niya, napatingin ako sa nakangising si Carlo.

Umalis na ako dun bago pa may mangyaring gulo, ang yayabang naman nila, bali-balita nga na hindi sila nakakapasok sa third man lang pero kung maka asta eh kala moh kung sino. May mukha naman siya pero anng yabang nga lang. Feeling heartthrob, pero walang mga ganyan sa skul na ito, walang sikat na tulad ng ibang bansa na kung may lumabas na grupo eh tinitiliian, pero dito, wala! Lahat pantay, meron din namang sikat pero walang tilian at autograph na nagaganap. OA yung ganun! May mga naririnig akong usapan.

"Ui girl, may cheerleading competition daw sa December at kasali ang school natin." girl one.

"OO nga nabasa ko rin, binalik ulit yung cheering squad, Sali kaya tayo!!" girl 2.

"Naku, baka si Liza na naman ang leader eh ayoko pa naman sa kanya." girl 3.

"Sige tignan muna natin kung sino ang mag oorganize saka tayo sasali." girl 1.

Nasalubong ko si Brit habang papunta sa next subject ko.

"Hey, did you read that post over there!??" turo niya sa bulletin board. Tumango ako.

"I was the one who suggested na iopen uit nila ang cheering squad sa school na ito." natutuwang sabi niya.

"Bakit, marunong ka ba jan.?" tanong ko.

"Of course, I was a cheerleader before and I must do this to defeat those girls!!" inis na sabi niya.

"Sino??"

"Sino pa ba kundi sila Carla, xandra, lily!!" bulyaw nito.

"Ano ka ba, wag kang mambulyaw, nagtatanong lang ako!!"

"Sorry, nadala lang ako sa galit, hindi ko pa sila mapapatawad kaya humanda sila. I will beat 'em!!" sabi nito at kinuyom ang palad.

"Oh, relax ka jan. Yung puso moh!!"

"Hmm. Oh my gosh, I'm Late!! Bye!!" dali dali itong tumakbo sa hallway.

Napangiti na lang ako! Madali talagang magbago ang mood niya. Pumasok na rin ako sa room ko. Ayoko talaga ng course na ito. Gusto kong magshift sa Criminology dahil yun ang gusto ko. Pero wala talagang pag-asa dahil scholar lang ako. Haiisst!!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ayun hanggang jan na muna!!!! Sana nagustuhan niyo!!!! Thank you!!!!

Living in Different World ( COMPLETED )Where stories live. Discover now