CHAPTER 46

480 13 0
                                    

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

CHAPTER  46

AUSTIN'S POV

Hindi ko maintindihan si Jay hanggag ngayon. Bakit hindi niya magawang pagbigyan ang mama niya. Dahil sa inis pinuntahan ko siya sa school. May project daw silang kailangang irush eh ayon kay tita Jenny. Pumunta ako sa school pero konti lang ang mga estudyante. Hinanap ko ang mga professor  niya at nagtanong pero ayon sa kanila, maganda naman daw ang records nito at wala na siyang  behind at kailangang i accomplish. So ang tanong?? Bakit siya nagsinungaling sa mama niya??? Teka bakit ko nga ba pinoproblema??? Di ba dapat hindi na ako nakiki alam sa kanya??? Pero hay hirap i explain. Pumunta ako sa boarding house niya. Alam kong delikado dito pero hindi ko rin alam kung anong ginagawa niya sa buhay niya.

Hindi ako nakatiis at tinawagan ko siya ng malaman kong wala siya dun sa inuupahan niya. Hindi raw umuwi ng tatlong araw.

("Hello, bakit ano naman ang problema mo. Kung si ate Anika na naman ang sasabihin mo, dinalaw ko na siya pati ang nanay niya kaya kung pwede huwag mo na akong kulitin dahil magkaiba kami ng buhay. Iba sila at iba ako.!") nabigla ako ng sigawan niya ako.

"Aww! Hindi yun ang sasabihin ko, gusto ko lang malaman kung nasaan ka at bakit hindi ka umuuwi sa boarding house mo. Jay,

Delikado ang buhay ngayon pero ikaw?? Kung saan-saan ka nagsusuot, bakit pa kasi pakipot ka at ayaw mong makitira sa mama moh." balik-sigaw ko.

("Wala kang alam kaya tumahimik, problemahin mo ang buhay mo, hindi yung nakikialam ka sa problema ng iba.!!")

"Pasalamat ka nga at inaalala kita.  Naaawa ako sa pamilya mo na lagi kang pinoproblema dahil hindi ka safe sa tinitirhan mo. Ni hindi nga nila alam kung saan ang mga lakad mo. Paano kung may nangyari sa yo, sinong binigyan moh ng problema?? Pamilya mo, di ba.?? Jay, just stop being childish and go home."

("Kung may dapat man sisihin, ikaw yun. Dahil sayo kaya hindi ako maka uwi sa amin!!) HAH??? Hindi ako makapaniwala na binabaan niya ako.

Bakit ako??? Wala naman akong ginawa ah. Anong nagawa ko Jay??? Kainis naman oh, parang hindi ako mature nito. Haisstt!!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

JAY'S POV

Bwisit na Austin yun. Hmp.. Tatawagan lang ako para sermonan. Hmppp kaasar. Edi sige umuwi na lang ako para wala ng gulo. Sige, simula ngayon. Kung anong gusto nilang gawin ko ay gagawin ko para hindi nila ako problemahin. Ganun naman ang gusto nila di bahh??? So ako, wala na akong karapatan na buhayin ang sarili ko. Eh di wala. Sige kayo na ang boss. Hintayin niyo lang na matapos ang araw ko rito sa ospital. Bahala na lang si Austin sa gusto niyang isipin. Kung gold-digger ang tingin niya sa akin, eh di GO!!! Isipin niya kung anong gusto niyang isipin. BWISIT!!!! ARRRRRGGGGHHHH!! Bakit ako lahat ang nahihirapan. Eh di sige, mukhang pera na ako kung mukhang pera. Pagpeperahan ko ang nanay ko ganun??? Hay!! Kakabaliw naman ang estado  ng buhay ko.

"Jay, I have a good news for you.! Makakalabas ka na. Pero kailangan mo ng magbayad ng bills moh." balita ni doctora Isabelle.

Napawi ang ngiti ko sa huli niyang sinabi. Saan nga pala ako kukuha?? Ay sa mama ko pala.

"Teka lang doc. May tatawagan lang ako." pagpaumanhin ko.

"Take your time. Iiwan kita pero wag mo na naman kaming takasan tulad ng ginawa mo noon."

"Hehe opo doc.! Hindi na po dahil ayokong makulong!!"

"Hello, kailangan ko po ng pera. Hindi ako nakapagbayad ng boarding house eh.  Tsaka may project pa po kami sa school. May contribution din kami kaya lang wala akong pera eh." paliwanag ko.

("Sige anak, ako na ang bahala. I withdraw mo na lang sa account moh.") halata sa boses niya ang pagkabigla.

"Salamat!! Bye."

Nagpaalam na ako at tinwagan si Erine.

("Uy girl!! Napatawag ka.")

"Uy may pera ka jan, pwedeng pahiram, lalabas na kasi ako sa ospital pero wala pa akong pambayad eh."

("Ha, magkano kailangan mo???")

"18 thousand plus ata, hindi ko alam, pero kung may twenty ka jan. Pwedeng hiramin ko muna.??" kapal naman ng mukha ko.

("Hindi ako sure kung pwede dahil, nakamonitor yung account ko, uusisain ni mommy kung saan ko dinala ang perang yun.")

"Sige, ganito na lang, pahiram ngayon dahil hindi ako makakapag withdraw, nakahilata pa ako dito eh pero pangako ko, pag labas ko ay agad kong papalitan kaya pwede mo ng ibalik, pwede na yun!?"

("Okay, kita na lang tayo jan sa ospital!!")

Hindi ko inaasahan na halos hundred thousand na pala ang laman ng account ko. Ang tindi naman ni nanay na bigyan ako ng ganung halaga. Paano kung spoil ako, di wala na, bankrupt na business niya. Haayysss ayoko sanang makitira sa  bahay ng ibang tao lalo na at nandun yung asawa ni nanay. Syempre mas gusto ko ang tatay ko no kesa sa isang yun. Baka mamaya masama pala siya. Ay hindi pala ako dapat nanghuhusga sa kapawa. Masama pala.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 hihi alam kong boring pero may next story ako.. maganda yun.. abangan.. paread din nung surrogate Child.. maganda yun.. heheh lahat na lang maganda.. kapal muks.. V

Living in Different World ( COMPLETED )Where stories live. Discover now