CHAPTER 45

472 10 0
                                    

JAY'S POV

Final exam na namin at hindi ako matahimik sa inuupan ko. Hindi ko kasi ma-alala yung mga rinebyu ko. Parang nablock out talaga yung utak ko. Lord, I need your help, I can't do it without you . so right now, I'm asking for wisdom & Knowledge para makayanan ko lahat ng mga ito. Nanalangin ako bago mag start ang examinations. Nahirapan talaga ako sa first day ng exam namin pero umaasa pa rin ako na maganda ang result ng examination. Okay na yung kaahati ang score ko kesa naman bagsak.

Hindi ko ring maiwasang magbuhat ng mabigat na bagay kaya nag-infection yung tahi ng operation ko. Nagdugo pa ito at muntik na akong maubusan ng dugo dahil lagi akong puyat nung mga nakaraang araw. Hindi ko naman kasi pwedeng ipabuhat sa ka boardmate ko yung tubig na ginagamit ko sa tuwing ako'y maliligo. Idagdag pang sa poso pa kami kumukuha ng tubig kaya medyo hirap talaga ako.

Pagkatapos ng exam ay nagpatingin ako sa doctora. Hindi ko alam kung nakasurvive ako sa exam namin. Halos pigain ko yung utak ko na mag-isip pero wala talaga eh, may hangganan. Nag-aalala na naman ako sa pwedeng mangyari, baka mawala ang scholarship ko. 85 pa naman ang cut-off.  Ang baba no??

"I'm sorry Jay pero kailangan ka ulit na i admit, you didn't follow my instructions kaya imbes na madali ang recovery ay lalo mo lang pinalala ang sitwasyon mo." sabi nito.

Umangal man ako ay wala akong magawa. Kailangan ko ulit ma admit pero saan ako kukuha ng pambayad?? Wala akong pera. Haisst buti na lang tapos na ang final exam kaya wala na kaming pasok. Grade na lang ang hihintayin.

"Eh doc, wala ho akong pambayad. Paano po yun!?" tanong ko.

"Hindi ko alam kung saan ka kukuha pero karapatan kong iadmit ka ulit dahil ayokong mapahamak ka. Naiintindihan mo ba ako??"

"Opo doctora, bahala na lang kayo!!" inis na wika ko.

Ikaw kaya ang makulong dito sa ospital, tingnan ko lang kung kaya mong tutunganga lang at makipagtitigan sa ceiling.  Tapos wala ka pang dalaw, wala kang kausap man lang.

Ring

Ring

Ring

Sino na naman kaya ito.?

"Hello!!"

("Hello anak, dalawin mo naman kami dito oh. Pumunta ako sa inuupahan mo pero wala ka daw sabi ng landlady niyo!!") si mama pala.

"Kayo ho pala, bakit ibang number na naman ang gamit niyo??" tanong ko.

("I'm sorry about it. I need to change every after three months to avoid prank callers. That is for my safety.")

"Ganun ho ba. Ang hirap naman pala ng buhay niyo.!" nag-aalalang wika ko.

("Sanay na kami anak, pero ikaw inaalala ko. Baka kasi may nakaka alam na anak kita kaya delikado. Kaya sana Jay umuwi ka na sa atin. Saan ka ba kasi??")

"Huwag ho kayong mag-alala sa akin. Kaya ko naman po ang sarili ko. May ginagawa po pala kaming project kaya hindi ako nakauwi." pagsisinungaling ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

("I don't want to give up on you anak. I'm still hoping that someday, you will come back to me. Mag-ingat ka.! Bye.!!)

Napaluha ako sa sinabi ni mama. Hindi naman sa nagmamatigas ako pero inaalala ko rin naman ang sasabihin ng ibang tao. Lalo na kay Austin. Gustuhin ko mang makitira sa yo ma, hindi pa ngayon. Sana maintindihan niyo ako. Sanay na akong mamuhay ng simple kaya hindi pa ako handang pumasok sa isang marangyang buhay.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Living in Different World ( COMPLETED )Where stories live. Discover now