CHAPTER 27 -

493 20 1
                                    

JAY'S POV

Hindi pala ako nakapagbisita kay ate Arlene dahil lagi ako sa factory. Hindi naman kasi ako pwedeng umabsent. Dumirestso ako sa lugar kung saan siya naka admit.

"Musta na ho ate!??" tanong ko sa kanya.

"Okay naman na ako. Salamat Jay sa pagkumbinsi mo kay Koto na dalhin ako sa ospital."

"Wala yun teh, kung tutuisin nga eh konting tulong lang naman yun!!"

"malaki ang utang na loob namin sa yo.!!'

"Hehe salamat kung ganun!! Kailan daw kayo lalabas!?"

"Hindi ko alam pero tapos na yung blood transfusion ko nung isang gabi. Medyo maayos naman na ang pakiramdam ko. Nun kasi eh parang takot na takot ako. Feeling ko may sasaksak sa akin.!" sabi niya.

"mabuti naman!!" sabi ko pero nakakpagtataka kung saan kinuha ni Koto yung perang pinambayad nila.

Lumabas ako para hanapin ang ugok na yun.

"Oy magsabi ka nga sa akin ng totoo?? Saan ka kumuha ng pinambayad mo sa bills niyo sa ospital!!" bulyaw ko ng makit siya sa labas na nagpapahangin. Napansin ko rin na may baong damit at sapatos si Jun-jun. Abah! Bigtime naman atah to.

"Wala ka na dun.!!" nabuwisit ako sa sagot niya.

"Magsabi ka ng totoo kundi ipapakulong kita.!" banta ko.

"Basta hindi ito galing sa masama!!" diin niya.

"Nangutang ka ganun!!???"

"Bakit ka ba nakiki alam, pasalamat ka nga at ginawa ko ito eh!!"

"At anong gusto mo, luluhod ako at purihin ka sa ginawa mo. Di ba sinabi ko naman na mag bagong buhay ka na. At bakit ako magpapasalamat sa yo!?" takang tanong ko.

"Para malaman mo, mayaman kayo, mayaman ang nanay moh!! Kung hindi mo pa alam pwes, siya ang nagmamay-ari ng Germoso's Corporation.----"

BOGSHHH!!!

Isang malakas na sipa ang binigay ko. Parang siya nga ang nagsabi kay nanay na buhay ako.

"Alam ko!!!!, ganun pala ha. Ginamit mo ako??? Pinagperahan moh ako!!??" bulyaw ko.

Galit ako dahil sa ginawa niya. Ako na naman ang mapapasama nito eh. Nagpunas ito ng dugo sa labi.

"Huwag mo akong subukan at talagang papatulan kita." sabi niya at tumingin sa paligid. Buti na lang hindi masyadong matao.

"Alam ko at ayokong malaman nila pero sinira mo ang plano ko eh. Ano masaya ka ngayon na nagkapera ka. Akin na yun at ibabalik ko sa kanya!!" galit pa ring wika ko.

"Hindi pwede.! Jay, gusto kitang tulungan. Hindi ka ba natutuwa??? Dapat nga masaya ka dahil alam na nila. Oras na para harapin mo ang tunay na ikaw. Mayaman ka kaya wag mong sayangin ang pagkakataon!!" sabi niya.

"Bwisit!!! Pwes hindi ako natutuwa sa ginawa mo. Hindi tayo parehong mag-isip, kung sa tingin mo, pera ang nagpapasaya sa lahat. Nagkakamali ka!! Pagmamahal.....pagmamahal!!" bulyaw ko at lumayas sa harapan niya.

any reaction???

Wala???

Living in Different World ( COMPLETED )Where stories live. Discover now