CHAPTER 58

478 11 0
                                    

AUSTIN'S POV

"Jay, can I court you?" tanong ko ng talikuran niya ako.

Bigla itong tumigil at galit na tumingin sa akin.

"Nyetang lalaki ka, porke nakita mo yung picture n a yun tapos ngayon yan ang sasabihin mo sa akin.? Ganyan ba talaga ang nature niyong mga lalaki, may karelasyon na kayo pero nagawa niyo pang makipaglandian sa iba..?" nag-aalab ang matang sumbat niya.

"Jay, look? I accidentally saw your phone and even if I didn't saw that picture, I will still ask you that question."

"Huwag mo akong mainglis inglish jan. Akina ang cp ko at lumayas ka dito." galit na tinulak niya ako.

"Not until you hear me." hindi pa rin sumusukong wika ko.

"Alam mo, kahit may gusto man ako sayo, hindi kita papatulan dahil alam kong may Lae ka. At hindi ako bulag para maniwal sa sinasabi mo. Ang ganda niya tapos ipapalit mo siya sa akin. At sino ba namang lalaki na may aral ang pwedeng magkagusto sa tulad kong babaeng galaw at boses lalaki? Kaya utang na loob, umalis ka na." nanghihinang sabi niya at umupo sa sahig.

"Ako. I care for you because I've been inlove with you. Lae is not my girlfriend. May boyfriend na yun. And I swear, kahit kailan hindi ako na attract sa kanya." paliwanag ko.

"Bakit ba ang hirap mong kausapin? Sa tingin mo ba magsasayang ako ng oras na suyuin ka kung hindi kita mahal. Ang dami kong dapat gawin sa mga oras na ito pero nandito sa harapan mo ngayon na walang kasiguraduhan kung sasagutin mo ako." pagapatuloy ko.

Natamemeng napatingin lang siya sa akin. Maya-maya

"Ayokong maniwala sayo."nagcover ito ng tainga. Pero inalis ko at pinaharap siya sa akin.

"Hindi ko naman pinipilit na paniwalaan mo ako, but I will prove you na hindi ako nagkikipaglokohan. I'm serious and I don't easily give up." sabi ko at iniwan siya. Fine, I'll give you time to think.

JAY'S POV

Ilang linggo rin ang lumipas ng mangyari yung "pag-amin" niya pero ni anino ni Austin, wala akong makita. Naiinis tuloy ako sa sarili ko kung bakit pa nag-iinarte ako nun. Hays hindi naman pala niya girlfriend si Ms. Lae nagselos pa ako. Kakainis talagah.

"Jay, may bisita ka." si auntie Carol.

Parang nabuhayan ako ng loob. Baka si Austin na yan, sabi naman niya sa akin, hindi siya madaling mag-give up.

"Happy Birthday ARIAN JAY!" pagbukas na pagbukas ko ng pintuan sa kwarto ko ay yan agad ang bumungad sa akin.

Sa kaiisip kay Austin, nakalimutan kong 20th birthday ko pala ngayon.  Isa isang yumakap sila sa akin. Si mama, si ate, kuya, tito, Jazz, Erine at yung ibang mga pinsan kasama yung mga kapatid ni mama. Yung ibang pinsan ko, di ko pa nnameet pero masaya naman silang bumati sa akin.

"Wow, thank you sa inyo ha. Nakalimutan ko palang birthday ko ngayon." ani ko.

"Sis, akala ko sini secret ma na naman sa akin, talaga palang nakkalimutan mo." nakatawang sabi ni ate.

Bumaba kami at tumambad sa akin ang isang giant cake, wow ha. Kami-kami lang pero ang laki ng cake tapos madaming food, sinong kakain sa mga tira. Picture din dito picture dun. Nakalimutan ko ring magpalit ng kahit man lang panlakad pero naisipan kong huwag na lang, tinatamad akong bumalik sa kwarto, okay na tong jersey shorts at hardrock shirt na bigay ni ate Anika.

"Happy birthday to you! 2x.......

...........

............" kinantahan nila ako. Nacocornihan ako pero ayokong kontrahin si mama.

"Thank you. Parang birthday ng bata." tumatawang sabi ko. Nakilala ko yung ibang pinasan ko at akoy natutuwa na tanggap naman nila ako. Mga baliw at childish silang lahat pati si mama at tito. Ang saya-saya dahil feel at home ang feeling ko, masayang masaya ako na nahanap ko sila dahil kung hindi, baka nasa kalye ako sa mga oras na ito. Hindi ko maiwasang mapaluha sa atensiyon na binibigay nilang lahat sa akin.

"Uy, bakit ka umiiyak, hindi mo ba nagustuhan?" nag-aalalang tanong nila ng mapansing umiiyak ako.

"Ang saya saya ko kasi dahil nahanap ko kayo. Hindi ko inaasahan na ganito pala kasaya na maging parte ng pamilyang ito."

"GROUP HUG!" sigaw na namman ni Jazz. Natatawang nag group hug kami ng mga pinsan ko. Malambing sila sa akin at parang binebayby pa nila kami ni Jazz kung minsan.

"Late na ba kami?" napalingon kaming lahat sa pintuan.

"Ate Alia? Kuya Jairus.! Kumusta?" napatakbo ako sa kanila.

"Uy di na teen ang kaibigan ko." sabi ni ate Alia sa akin.

Kulang na lang si Austin at Brit, sana nan dito sila. Pero kahit wala sila, best birthday ko ito. Wala na akong mahihiling pa.

WEH? WALA na nga ba?" tanong ng kabilang utak ko.

"Boyfriend." bulong ko. Ngek saan naman galing yun.

"May surprise pa kami sa yo" sigaw nila. Matapos nilang ibigay lahat ng gift nila sa akin. Ewan ko kung magagamit ko silang lahat, baka hindi pa magkasya sa kwarto ko  dahil sa dami.

"Lagi naman." sabi ko.

"ONE, TWO, THREE." sabay sabay nilang bilang bago binuksan ang pintuan.

Living in Different World ( COMPLETED )Where stories live. Discover now