CHAPTER 32 - Kulong si Jay

521 24 1
                                    

AUSTIN'S POV

Nanonood ako ng news at laking gulat ko ng makitang kamukha  ni Jay yung isa sa hinuli ng mga pulis!!! Si Jay nga ba yun!!? Binackward ko at tiningnang mabuti, umiiwas kasi siya sa camera. Pero siya talaga yun eh. Dali-dali kong tinawagan si Attorney Herrera  at pinuntahan yung presintong iyon. Hindi ko muna pina alam sa mama niya at baka mag-alala pa yun. Malamang talaga na mag-aalala yun.

"Good evening sir??? Ano pong hinahanap niyo??" pulis 1.

"I'm looking for Jay! Anong kaso niya at bakit siya nadawit sa gulo!??" galit na wika ko.

"Hindi pa rin po napapatunayan kung kasali siya sa grupo pero kung sakali Sir, illegal possession of fire arm ang kaso niya."

Napamura ako. Ano bang ginawa ni Jay.?? Si Atty. Herrera na ang nag asikaso sa bail niya. Pero ayon sa kanila kahit bayaran pa namin ngayon kailangang maghintay pa ng anim na oras bago siya lumabas. So mamayang 5:30 pa lang siya pwedeng umuwi. Sinigurado ko pa ang safety niya para hindi siya masaktan sa loob ng kulungan. Lesson din to para sa kanya para tigilan na niyang gumawa ng illegal.

Pinuntahan ko siya. Nanlaki ang mata niya ng makita ako.

"Anong ginagawa mo dito!???" inis niyang sabi pero hinihinaan ang boses para hindi magising yung iba.

Alam kong takot ito kaya hindi siya natutulog. Kumapit ito sa rehas at kahit pagod ay di niya pa rin magawang umupo man lang para umidlip.

"Ikaw ang dapat kong tanungin!??" balik-tanong ko.

"Ano ngayon, masaya ka na dahil kulong ako!!?" pasinghal niyang sabi. Nagpunas din ito ng luha.

"Pwede ba wag kang magmayabang, kung gusto mong iiyak yan, gawin mo.! Binayaran na namin ang piyansa mo pero mamayang umaga ka pa pwedeng lumabas dahil medyo mahirap ang proseso.!"

"Hindi ko kailangan ng awa moh!!! Dinagdagan mo pa ang utang ko!!"

"What is wrong with you!!??? Dapat kang magpasalamat, umamin ka nga sa akin??? Ikaw ba ang bumaril dun sa biktima or hindi??"

"Hindi mo ako papaniwalaan alam ko. Pero mamatay man ako. Wala akong kinalaman diyan sa biktima. Landlord ko siya kaya bakit ko babarilin!!."

"May iaassign ako na magbabantay sa yo kay wag na wag mong isipin na tumakas dahil madadagdagan ang kaso mo!! Babae rin siya kaya huwag kang matakot!!" bulong ko sa kanya.

"Hindi ako natatakot!!" maangas na sumbat niya.

"Huwag ka ng mag deny, halata dahil nanginginig ka.! Gamitin mo muna tong jacket ko alam kong nilalamig ka na jan!!" ini abot ko yung jacket niya pero nahihiya ata kaya tumanggi.

"Jay, huwag ngang matigas yang ulo mo!! Anong gusto mo, mamatay ka sa lamig!!?"

Pahablot na kinuha niya yung jacket at sinuot. Natawa ako dahil para siyang nalunod sa laki. Hanggang tuhod niya kasi. Syempre matanggad ako kaya malaki ang size.

After that night, lumabas na rin si Jay.

"Hangga't di pa solve ang kaso mo, sa bahay ka muna!!" sabi ko ng makalabas na kami.

"Hindi pwedeh!! Dadagdagan mo na naman ang utang-na-loob ko sa pamilya mo ganun?? Para pag may pagkakamali ako, may isusumbat ka sa akin."

"Oh my gosh Arian are you okay??? Nasaktan ka ba???" sumalubong sa amin si auntie Jenny. Napanood niya siguro sa news ang kanyang anak.

"Okay lang ho ako. Jay ho ang pangalan ko." sagot niya.

"Ahm auntie nakapag bail na po kami, may atty. Na rin siya.!!" sabi ko kay auntie.

"Thank you talaga iho. Hindi ko talaga alam kung paano ko ito harapin. Salamat sa pag-abala. !"

"Kung pwede sana sa bahay siya tumira---" hindi ko pa tapos magsalita ng sumabad si Jay.

"Sinong may sabi??? Hello??? Ayokong sumama sa inyo. Babalik ako dun noh!!"

"Arian, alam kong ayaw mo pang pumunta sa sa bahay kaya lang Austin is offering his place. Mas safe ka dun anak. Kahit hanggang matapos lang ang kaso mo na ito.!!"

"Huh!! Bakit, hindi ba kayo natatakot na baka mapatay ko kayo o baka nakawan ko pa kayo. Gusto niyo???"

"Hindi ako naniniwala na magagawa mo yun. Alam kong may galit ka sa akin at tanggap ko yun. Malaki ang naging kasalanan ko sa yo." hindi na napigilan ni auntie na umiyak.

Tumingin ako kay Jay pero inirapan niya ako. Humalukipkip ito at tumingin sa mama niya.

"Huwag na ho kayong magdrama madam. Sige dun ako titira pero huwag niya akong paki alaman. At hanggang sa susunod na linggo lang ha.??"

Natutuwang yumakap si auntie kay Jay. Si Jay naman, basta lang tumayo ng parang tuod.

++++++++++++++++++++++++++++++++++

Tanong ko lang???May mga readers pa ba ako dito o nagsawa na kayo??? Hehehe... Kakatamad na nga anoh??? pero sabi ko nga sa simula, hindi ko to sinimulan para bitinin kung sino man ang nagbabasa nito.. kung ano man yung sinimulan ko, kailangan kong tapusin kaya kahit tinatamad ako, obligasyon ko pa ring tapusin ito.. bahala na kung paano ang ending.. Hihi

Living in Different World ( COMPLETED )Where stories live. Discover now