CHAPTER 24 - JAY'S CLAN

514 15 0
                                    

yaan niyo na yung title...LOL!! hindi ako marunong magtitle eh.. chori na lang!! Magbasa kayo ha.. wag niyo iignore itech!! hoho Joke lang.. bahala kayo!! 

si Jay po yung nasa gilid.. Model po yan na si Kelly Kopen..Maganda po yun kaya siya ang gaganap na Jay..hhehe

JAY'S POV

"Ang sakit naman!! Akala ko pa naman, makakapagpaalam ako sa kanya pero bakit ganun ang bintang niya sa akin. Ano bang nagawa ko. Hindi kaya???? OH MY GOLLY!!! Kailangan kong magpaliwanag, baka na mis interpret niya yun pero pakikinggan ba niya ako???? Paniwalaan niya ba pag sinabi ko ang totoo??? Siyempre hindi!! TANGAH!!! Sirang-sira na ako sa kanya!! Sana talaga nanatiling nakatago ang lihim ko para wala ng nagbago sa samahan namin. Tumingin ako sa kabuuan ng kwartong inuupahan ko. Back to my abnormal life again!! Ang lungkot naman ng buhay ko. Nawala na ng si tatay tapos ngaun si Brit naman. Hindi man siya namatay ay napalayo naman siya sa akin, wala na akong kasama sa school. Speaking of school, kumusta na kaya ako, malamang drop na ako dahil nawala ng isang buwan. Hays!! Paano na ang pangarap ko.

Napansin kong ma alikabok ang kwarto ko  kaya naisipan kong maglinis. Nilinisan ko lahat ng sulok na pwedeng linisan. May notice nga galing sa school, nawalan na nga ako ng scholarship ay dropped na ako sa school. Tumingin ako sa picture namin ng tatay.

"Tay! Magsisimula na naman ako sa wala.  Pero wag kayong mag-alala, tutuparin ko yung pangako ko sa inyo na mag-aaral ako." bulong ko.

Pinahid ko ang luha ko. Pag may problema ako, kay tatay ko lang nilalabas.

"Tay! Kahit mahirap ang buhay natin, kakayanin ko habang akoy nabubuhay pa ako. Alam ko gagabayan ako ng Diyos sa lahat ng ginagawa ko." napaiyak na naman ako ng ma alala yung sinabi niya nuon bago niya ako iwan sa mundong ito.

Sinabi niya kasi nuon na hangga't hindi ako handang malaman ang isnag malaking sikreto ay hindi ko pa bubuksan yun. Hinayaan ko lang yun pero ngayon, gusto kong malaman. Inilabas ko yun sa pinagtaguan ko at dahan-dahang binuksan. Picture ko nung baby pa ako ang bumungad sa aki. Black and white kasi yung picture kaya hindi ko mamukhaan yung babaeng kumarga sa akin. Tapos may picture pa si tatay kasama ang isang kaedad niya, kuha pa ito nung highschool sila base sa unipormeng suot nila. Halatang mayaman yung dalaga tapos ikumpara ko ang bad boy image ni tatay, bagay naman sila.  Siyempre gwapong gwapo ang tatay ko, napangiti ako, sa kanya ako nag mana eh.! Tapos may isapang picture ng isang babaeng karga-karga ang isnag baby na ako yun. Pero teka pamilyar mukha ng babaeng to ah??? Possible kayang ito ang nanay ko.??? Hmmmm isip isisp!! Saan ko nga ba naka-usap tong babae na toh!!!

Bigla kong biniwan ang hawak ko ng ma alala siya. TOTOO???? Ang nasa litrato ay walang iba kundi si Mrs. Germoso. Pagbalibaligtarin ko man, siya talaga ito. Pero papaano??? Gulong-gulo na napatingin ako sa mga pictures. Naghalungkat pa ako ng ibang picture sa akalang baka kahawig niya lang pero hindi talaga. May nakita akong letter, sulat ito ni tatay.

Umiiyak ako habang binabasa ang nilalaman ng sulat niya. Ang nilalaman ng sulat ay tungkol sa pagkatao ko, kung gaano niya ako kamahal at kung paano siya nahirapan sa sitwasyon namin. Humihingi rin siya ng tawad dahil sa ginawa niya. Naiimagine ko pa ang mukha niya kung paano siya paulit-ulit na humihingi ng tawad. Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala akong maramdamang galit para sa kanya. Gusto ko mang maawa sa sarili ko dahil sa sinapit ko pero hindi ko siya masisi sa ginawa niya at kung bakit niya ako kinuha sa nanay ko. Hindi ko magawang magalit sa tatay ko dahil hindi kayang matumbasan ng yaman ang pagmamahal na inilaan niya sa akin. Hindi rin siya nagkulang sa pag-aaruga at pag-aalaga sa akin kahit laging nasa panganib ang buhay naming mag-ama.

Living in Different World ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon