Nanahimik ako hanggang sa maalala ko ang mga shokoy. "Ayos na ako. May pasok pa ako ng after lunch—

"Hatid na kita."

"Kasama ko tropa ko."

"I have their schedules at wala sa kanila ang oras ng pagpasok sa oras na kagaya ng sa iyo."

"Bakit mo ba ginagawa ito?"

Ngumisi lang ito sabay kindat bago magtago muli mula sa itaas. "Basta."

"Paano ako nakauwi?"

Hindi na siya nag-atubili pang sumilip bagkus ay pakanta na lamang siyang sumagot. Feel at home amputs. "Binuhat ka."

Tila ako natigilan dahil bakit ko pa nga ba natanong eh halata namang malaki ang posibilidad na ganoon ang nangyari sa akin. Nagmukha tuloy akong hindi tuwirang walang muwang.

"Anyways, is it true? Abby and Daisy did that to you?" tanong niya bago ko pa mapansing pumapanhik na siya mula sa itaas na kama. Lumapag siya sa sahig at saka inilagay ang mga kamay sa tuhod bago ako pagmasdan nang malapitan. Mas mukha pang babae sa akin ang tisoy na ito. Hindi ko man layuning magkaroon ng malaporselanang kutis ay tila naiinis na ako sa sarili ko dahil bakit hindi rin ako maaaring maging gaya ni Yel.

"Sino sila?" tanong ko para makasigurado kung ang mga palakang may susong iyon ang tinutukoy niya bago ako magsalita. Mahirap nang magkamali. Baka makasuhan pa ako ng slander diyan. Wala akong pang-areglo.

"Hindi mo kilala yung mga babaeng gumawa sa iyo niyan? Yung mga nagtulak sa iyo sa puddle? Yung nagpahiya sa iyo sa harap ng maraming tao?" nagtatakang tanong niya sa akin. Umiling nga ako.

"Ano ba ang dapat kong malaman tungkol sa kanila at bakit big deal ang pagkakakilanlan nila?"

He frowned at me and there was something that suddenly lit up in his eyes... like intrigue. "They were the Chief Justice's daughters," he spoke in a clipped tone na tila hindi siya nasisiyahan sa sinasabi niya ngunit may dahilan kung bakit niya kailangang sabihin ito nang tila siya ay may pinatutunayan.

Napatulala nga ako at saka bumangon. Hinarap ko siya at saka mayabang na tinawanan ang sinabi niya. "See? The irony! Chief Justice's daughter pero ni tila walang kamuwang-muwang sa mga karapatang pantao! Tingin mo, may panalo sila sa akin kapag ikinalat ko ang mga pinaggagagawa nila sa akin?"

He stared at me for a long time before sighing. He looked defeated and sad as he informed me, "You do not have to do that. Someone more powerful than the Supreme Court had already made them pay."

HINDI KO ALAM kung papaano ako nagawang itulak ng pinsan kong OA sa pag-aalala sa akin at ng tisoy na pinaglihi sa siopao sa likuran ng Toyota Accent niyang abuhin. Hindi ko alam kung papaano nila napapayag si lolo na ako ay ihatid na sa eskwelahan kahit pa sinabi kong hindi ko kaya (na siyang hindi totoo dahil kaya naman na ng katawan ko). Iyon nga lang ay drowsy pa rin ako at mahapdi ang talampakan, mga singit ng paa at kamay.

"Hindi niyo na ako dapat na pinapasok. Masakit pa ang paa ko!"

"Manahimik ka na lang diyan at sakyan kami," kindat na saad ni insan bago lumapit kay tisoy dahil sila ang magkatabi sa harap. Nagbulungan ang dalawa at hindi ko alam kung mapapapalakpak ako sa kanila dahil nagawa nilang hindi iparating sa akin kahit na isang salita sa kanilang bulungan. Mayamaya pa ay naghiwalay ang dalawa at saka naghalakhakan.

Biglang nag-usok ang ilong ko dahil pakiramdam ko ay ako ang pinatutungkulan nila.

"Anong pinag-uusapan ninyo?"

Silence.

"Ako?"

Silence.

"Jeya," saad ko nang may mabigat na pagbababala. "Ano iyon?"

That Boystown Girl [COMPLETE]Where stories live. Discover now