Discrete World| 18

14 1 0
                                    

**
So, natapos na ang isang linggong bakasyon at pasukan nanaman. Maaga ako pumasok dahil kagabi ko lamang nalaman na may gagawin pala kami sa asignaturang filipino. Napagdesisyunan ng aming pangkat na ako ang gawing lider.

Inangkas ako ni kuya grey sa kaniyang motor upang ihatid sa paaralan dahil papasok naman daw siya sa kaniyang trabaho sa may mcdonalds na hindi naman gaano kalayo sa aming paaralan.

"Chesca, Bunso goodluck sa school." paalam ni kuya sa akin habang nakatingin sa akin papasok sa loob ng gate.

Nginitian ko lamang siya at kumaway bilang sagot ko. Maya't maya nang lumingon ako at nandoon parin siya nakatingin sa akin.

"Alis na." bulong ko sa kaniya habang gumagawa ng moves na parang pinapalayas ko siya.

Tumawa lang siya at sinuot na niya ang dala niyang helmet at sumakay na ito at umalis. Pagkapasok ko sa classroom. May mga nauna na sa akin kahit na alas singko palang ng umaga.

"Chesca, Tara umpisahin na natin ung gagawin sa filipino report daw
yun eh." bati sa akin ni Justine, ka grupo ko sa aking pangkat sa filipino. Kakaupo ko pa lamang ito kaagad ang bubungad sa aking umaga.

"Saglit lang justine ah kakapasok ko pa lang" sagot ko ng mahinahon habang inaayos ang aking bag at bahagyang binuksan at kumuha ng notebook at ballpen.

Habang dinidiscuss ko ang dapat nilang gawin para mamaya. Nagtext si Anne sa akin na hindi muna daw siya makakapasok dahil nasa bakasyon pa raw sila. "Hays ako nanaman mag- isa dito" reply ko.

"Sus maging friendly ka lang kaya mo yan!" reply ni anne.

Ibinulsa ko na ang aking cellphone at ipinagpatuloy ang pag gawa ng sentence para sa aming sasabihin mamaya sa report. Maka lipas ng ilang oras dumami na rin ang pumapasok kong mga kaklase at pumasok na ang aming unang guro.

**

"Hay salamat natapos narin ung report!" bati ni Justine sa akin. Gayundin ang iba pang mga kaklase ko na para bang masaya dahil natapos na ang pinaka mahirap na gawain sa school. "Oo nga eh" sagot ko habang pilit ang ngiti.

"Hindi ko akalain ang galing mong mag report chesca, sa totoo lang ikaw ang nag dala sa grupo natin" singit ni Leo. Kaklase ko na adik sa kpop at anime. At tinapik ako nito.

"hehe wala yun!" sagot ko habang nakangiti. Habang inaayos ko ang aking mga gamit sa aking desk lumapit sina Justine, Leo at Ivan sa akin at napahinto ako sa aking ginagawa.

"Chesca tara sama ka sa amin sa canteen! Gusto kitang maging ka close!" yaya ni justine habang hinihila ako. Napatawa tuloy sila Ivan at Leo. "Dahan dahan naman justine inaayos pa ni chesca ung gamit niya." dagdag ni Leo na tinutulungan ako sa pag-ayos ng aking gamit.

Nang matapos ko nang ayusin ay pumunta na kami sa canteen upang kumain ng recess dahil kailangan namin ng lakas para sa susunod na subject na "Mathematics".

**

Discrete World. [BTS FANFIC]Where stories live. Discover now