Discrete World| 16

88 1 0
                                    

(Narrators Pov; Theo's timeline)

[PS: Nasa taas po ung music na pinapakinggan nya. BTS - Butterfly. ]

Nakasandal sa isang tabi ang binata habang nakikinig ng kanta gamit ang suot niyang malaking headset sa kanyang tenga. Nakatitig lamang ito sa bintana. Pawang hinihintay ang pagtatapos ng klase. Nang tumunog ang School Bell ito ay nag sisignal na uwian na o tinatawag nilang dismissal na.

Habang naglalakad si Theo papunta sa ipinaradang scooter sa likuran ng school may sumunod sa kanyang babae. Siya ay kaparehong grade ni Theo. Nang makatyempo ang dalaga agad itong niyakap ang likod ni Theo.

"I miss you." bulong ng dalaga.

Nagulat si theo at agad nitong tinggal ang mga brasong nakapulupot sa kanyang harapan.
"Diba matagal ko ng sinabi na wala na tayo? "
At nagpatuloy ito sa paglalakad. Hindi niya pinansin ang hiyaw ng babae at pinaandar ang scooter at tuluyan ng umalis ng paaralan.

Naiwan ang babaeng luhaan at walang tigil na paghagulgol. (pagiiyak)

Nang makarating sa kanilang Tahanan si Theo ipinark muna niya ang ang kanyang scooter sa harap at dumaan muna ito sa isang bakanteng lote na hindi kalayuan sa kanilang bahay. Dito kase itinapon at isinira ng magulang ni Theo ang ginawa niyang Time Machine.

Lumuhod si Theo sa damuhan at emosyunal na pinagmamasdan ang mga pirapirasong mga wires at mga kagamitan na ginamit niya upang buuhin ang isang time machine isang bagay na makakatulong na ika'y pwedeng makapunta sa ibang timeline o era.

Tumayo si Theo at pumasok sa loob nito at habang tinitignan niya ang kanyang ibinuong machine may naalala siya sa tuwing gagamitin niya ito. Siya ay isang babae na galing sa kasalukuyan. Nakilala niya ito nung bata pa lamang siya. Sa Edad na 5 years old nakilala niya ang dalaga na nagngangalang Chesca.
To the point na nahimatay ang Mama ni Theo sa kalsada ang tanging tumulong lamang sa kanila ay ang dalagang ito na si Chesca.

Kaya ganito na lamang ang kanyang trato kay Chesca. Gumawa siya ng bagay na kung saan mas makikilala niya ang taong unang nagpatibok ng kanyang puso. Hanggang sa ito ay nagbinata hindi niya parin malimot ang mukha ng dalagang tumulong sa kanila noon. Kaya napagdisisyunan niyang puntahan iyon sa kaniyang panahon at magpasalamat ng maayos at bigyang kapalit ang kabutihang ginawa nito.

"Hintayin moko chesca. magkikita pa tayo."

**

Discrete World. [BTS FANFIC]Where stories live. Discover now