Discrete World| 14

111 4 3
                                    

At ayon nga nagising ako sa klase. Hindi ko mapaliwanag ang aking naramdam kung matutuwa ba ako o magiging malungkot.

"Akala ko nagkita na kami.."bulong ko sa aking sarili. Pagtingin ko sa aking paligid nakatingin lahat saakin ang aking mga kaklase. Lumapit si Ma'am Sarreal saakin teacher namin sa English.

"Hey! How dare you to sleep in my class?" sigaw nito saakin habang nakataas ang isang kilay nito saakin. Aba tinatarayan ako nito ah.
Tumayo ako at humingi ng pasensya. Imbes na pagsabihan ako hiningi nito ang aking kamay at sabay palo nito ng pamaypay.

Tumahimik ang klase matapos gawin ni Ma'am Sarreal iyon saakin. At pagkatapos nun ay umupo na ako at nakinig nalang sa klase. Pagkatapos ng ilang subjects break time na. Hindi na ako pumunta sa canteen dahil sa nangyari kanina nawalan tuloy ako ng gana kumain.

Maya't maya tumunog ang phone ko, pagkatingin ko.

"Nagtext si Kuya Grey? Bakit kaya. " binuksan ko ang message nya saakin.

"Cess bunso, diresto ka sa mcdo pagkauwi mo ah. Treat kita. "

"hala kuya bakit ano meron? Nakakupit ka nanaman kay mama no? "reply ko.

"grabe ka naman.. Hindi ah unang sweldo ko to sa pinagtatrabahuan ko. "

"hahahaha oo na po, sige kuya tapos na break time namin mamaya nalang bye po. " reply ko pagkatapos tinago ko na ulit sa bulsa ung cp.
May kumalabit saakin napalingon naman ako

"Uy Hi Anne! Bakit nga pala? " tanong ko habang nscoconfused na ewan. Ngayon lang kasi ako kinausap ni anne.
Ngumiti lang sya " Uhm Wala naman gusto ko. Lang makipag kaibigan pwede ba? Since magkaklase naman tayo since grade 7."

"hmm ganon ba sige pwede naman hehe." sagot ko habang pilit ang ngiti. Kase naman sa buong highschool life ngayon lang ako pinansin yang si Anne dati kasi ako talaga ang lumalapit pero lumalayo naman sya. Ang weird lang.

Si Anne ay isa sa mga magagdang studyante sa school namin, famous sya, matalino at mabait. Maraming tumatangkilik sa kanya kaya nung minsan iniidolo ko rin sya kasi hindi sya kagaya ng iba na mayabang.

Tumabi sya saakin at nagsimula na kami magkwentuhan. Sinabi niya saakin na Matagal niya akong gustong kausapin kaso Sinasabihan sya ng kanyang mga kaibigan na huwag kumaibigan saakin dahil kung makikipag kaibigan sya saakin. Gagawin din nila ung mga gingawang pang aabuso saakin sa kanya. Natakot siya kaya hindi nya magawang makausap ako at kaibiganin.

"Alam mo mabait ka talaga chesca, Nakikita ko na isa kang mabuting kaibigan. "

Maya'y maya nagsipasukan na ang ibang estyudyante sa kani kanilang room. at naputol ang aming paguusap. Oo nga pala Tapos na ang break time. "Chesca sabay tayo umuwi ah marami akong ikukwento sayo. " tumango lang ako " sige. "

Pagkatapos ng apat na oras, dismissal na ng klase.nauna akong lumabas at Hinintay sa labas ng room si Anne, dahil nga cleaners sya ngayon. Tuwang tuwa siya nang makita ako sa labas ng room. Pagkalabas niya sa room agad akong niyakap at nagpagulong kami sa sahig " Ano ba yan anne sabog ka haha." ngumiti lang siya saakin at tinulungan ako sa pagtayo. Gumaan bigla ang loob ko nang nakasama ko sya.
"Uy, bakit ka umiiyak cheska.."

Ngumiti lamang ako at hindi sinagot ang tanong na iyon. Tumawa ako ng malakas para mabago ang topic. (umiiyak ako dahil sa saya.. Na may makakasama ulit ako sa tuwing paguwi at gumawa ng memories tulad na ginawa namin ni.. Theo.) Nang tignan ko ang reaksyon ni anne hindi ko mawari kung naweweirduhan sya saakin o Hindi, makikita mo kasi sa kanyang mukha na naguguluhan.
Hinila ko sya at niyaya na pumunta mcdo kung saan niyaya ako ni kuya.

Habang naglalakad kami, napasarap ang aming kwentuhan. Sa sarap ng usapan hindi namin namalayan na lagpas na pala kami sa mcdo at hindi namin napansin si kuya na naka abang sa kanto.

Nang bumalik kami andon si Kuya grey kumukunot na ang nuo. "ey, ikaw talaga tinataguan moko no? Teka sino-" naputol ang kanyang sasabihin nang mapansin niya si Anne. At agad niya itong tinuro at itinanong kung sino sya. Ako naman pinakilala ko siya. "ah siya nga pala si Anne Kaibigan ko" kumaway naman si anne at ngumiti "Hello po nice to meet you."

Niyaya kami ni kuya na pumasok at pinaupo sa dulong upuan at pinaintay dahil itreat daw niya kami ng McFrice, McFloat at McChicken.
Kabog pala si Kuya eh. Habang nagiintay napansin ko si Anne na nakatulala kay kuya.

Nang guluhin ko siya doon lamang niya ako napansin. "uy gusto mo si kuya noh? " tanong ko dito. Ngumiti lang siya at napailing at sabay hibla ng kanyang buhok. "crush lang naman. " sabay tawa at tapik sa aking braso.
Napatawa na lamang ako at maya maya dumating na si Kuya.

"Oh heto na ung McFrice, McFloat at McChicken nyo enjoy."

"Salamat po kuya Grey. "

Pagkatapos ng ilang oras, umuwi narin kami at hinatid pa ni kuya Grey si Anne dahil madilim na rin sa oras na iyon at maraming mga tambay at masasamang loob ang pwedeng maabutan ni anne kung siya lamang ang magisa.
**

Discrete World. [BTS FANFIC]Where stories live. Discover now