Discrete World| 1

1.1K 22 2
                                    

Alam niyo bang , palagi nalang ako magisa, walang kasabay sa paguwi, walang kaibigan at walang makausap. Ito ang lagi kong nararanasan sa labas ng aming bahay. Sa Bahay kasi, marami akong nagagawa at masaya hindi tulad sa school na puro pambubully ang aking nararanasan.

Masyado kasi akong tahimik at walang isang salita kaya akala nila mahina akong tao, pero ang totoo ayaw ko gumawa ng gulo dahil magkakaroon lang ito ng problema.

Sa 6 Taong paghihirap ko sa school na ito ay naraos ko ang mga pagsubok nang makilala ko ang taong ito.
Siya ay isang Transfer Student galing ss isang elite school. Ewan ko kung saan.

Siya ay Matangkad, Matalino, Sporty, Gwapo at talented. Halos nasa kanya na ata ang magandang katangian ng isang tao. Kahit sa isang tinginan alam muna.

Pagkapasok pa lamang niya sa room, nagtilian na ang mga babae, Ngayon lang ata sila nakakita ng gwapo. Hays Ako? marami rami na akong nakikilala diyan. Mga Main character pa nga sila eh sa Anime. Oohuh mmmyyy Ghad ang gagwapo nilaaa!! makisig at matapang.

Bumalik ako sa tamang pagiisip ko nang naanigan ko ang kanyang mukha sa aking gilid. Natulala ako nang makita kong katabi ko pala siya.
Nakaramdam kaagad ako ng lamig at kaba dahil alam kong nakatingin saakin ang mga babaeng kong kaklase. Katabi ko kasi ung Mr Right daw nila*

Tinawag ni Ma'am Delos Santos ung bagong transferee sa harap para magpakilala.

Pumunta siya sa harap at nagpakilala.

"Hello, I am Theodore Hovers. Just call me Theo for short. and I am 16 years old and Hope you guys will be my friends soon." Sabay bow.

At saka umupo. Ngumiti siya saakin at bumulong " AYOS LANG BA INTRODUCTION KO?." Bumilis ang tibok ng aking puso ung parang may magandang nangyare sayo. Okay Okay ! First time ko kasi maexperience na kinausap ako ng ka seatmate ko or we can also called it as classmate.

As in first time ko lang! Sumagot ako " OO, NAMAN AYOS! Mukhang sosyal nga lang ng kaunti kasi english." Natawa siya bigla sa sinabi ko at ewan ko kung bakit may mali ba sa sinabi ko?. "BAKIT KA NATATAWA HEHE-?" Tanong ko.

"NAMUMULA KA KASI EH,HAHA,." Pinalo ko siya sa braso ng mahina dahil inaasar niya ako. Tong Transferee nato napaka FC.
Tumingin nalang ako kay ma'am at nakinig.

Maya maya may naagilap akong kamay galing sa aking gilid at may iniwan na maliit na papel sa aking desk. Binuksan ko ng pasekreto ang papel na iyon. Ang nakasulat ay :

"Sorry kanina, btw anong pangalan mo?"

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko, ngayon lang kasi ako nakaranas na may humihingi ng pangalan ko. Nalalaman lang kasi nila pangalan ko kapag tnatawag ako ni ma'am pero ngayon siya talaga ang humihingi. Nakakatuwa naman.

Agad kong inabot sa kanya ang papel. Rinig ko ang pabulong niyang sabi.
"Hmm. cheska.." Napangiti lamang ako dahil may nagsasabi narin sa tunay kong pangalan.

Pagkatapos ng 3 Subject Yes! recess na, Syempre balik sa dating gawi. Magisa nanaman ako kakain sa rooftop. Umupo ako sa may bubungan. Masarap kasi ang hangin kapag dito ka nakatambay.

Tahimik, Walang ingay , Mapayapa. Solo mo ang lugar.

Habang nakain ako ng sandwich, nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at pagyapak. Nagulantang kaagad ako at nagtago baka kasi guard iyon, Nawala ang kaba ko nang makita ko ang mukha niya.

"SI, SI.. THEODOR-, THEO?"

Tumitingin siya sa paligid hanggang sa nakita niya akong nakaupo sa bubungan sa isang maliit na room doon. Kumaway siya tas ngumiti at saka Umakyat at tinabihan ako.

"BAKIT MAGISA KA LANG DITO? Tanong niya. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko, First time ko nanaman makaranas na may nagtatanong kung bakit mag isa ako rito. May nakakakita rin saakin minsan na kaklase ko kaso wala silang pake. Pero tong lalaki nato kakaiba.

"AH, ALLERGIC KASI AKO SA MGA TAO.." Sagot ko nang malungkot. At sabay mahinang tawa.

Nakatitig lang siya saakin at ngumiti. Huh? Mukhang adik to ah. "UHM.. BAKIT NAKATINGIN KA?" Tanong ko nakakailang na kasi kanina pa kasi siya nakatitig sa akin.

"HINDI KA NAGSASABI NG TOTOO.. KUNG WALA KANG KAIBIGAN, I CAN BE YOUR FRIEND."

Pagkatapos niya sabihin yon. Bigla nalang may lumitaw na bulaklak sa kanyang paligid dagdag pa ang slow motion . Bumilis ulit ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang init ng aking katawan hanggang sa hindi ko namamalayang nasa pisnge ko na ang kanyang magandang palad.

"OH, ANG INIT MO KANINA KAPA NAMUMULA MAY SAKIT KABA?" Tanong niya habang nakapatong ang palad niya sa may noo ko. Nanlaki ang mga mata ko at nagsimulang mamula ang aking Pisnge

Tinanggal ko kaagad ang nakapatong niyang palad sa noo ko at nagmadaling bumaba at dumeresto sa room. Hays ang tanga mo cheska, Iniwan mo siya magisa doon."

Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko, masyado kasi ako kinilig, Shet!!!. Agad ako umupo sa aking upuan at doon nalang tumambay.

Ilang saglit lamang,May pumasok na magbabarkada sa loob, at nilapitan nila ako. Saka hinila ang aking ribon at sapilitan nila ako pinalabas ng room.

"HAYS, ITO NANAMAN MANGANGAMOY PATIS ULIT AKO.. "

Halos sanay na akong magulpi, masabunutan at pagkatuwaan ng MAG babarkadang ito. Wala naman kasing napigil sa kanila sa tuwing nakikita nila akong hawak hawak nila. Wala kasi silang pake saakin.

Dinala nila ako sa likod ng mainbuilding,Hawak ako ng Apat na babae at ung leader nila at nasa unahan ko. Binlind fold nila ako at pinatayo sa isang sulok. Dahil sa takot na gulpuhin nila ako. Sinunod ko nalang sila.

"Cheskie, Tanggalin muna." Pagkatanggal ko ng tela sa aking mata agad nila ako binatuhan ng putik. At saka tinapunan nila ako ng Patis. At saka iniwan.

Wala akong NAGAWA. Kundi Umiyak lamang ang aking kayang gawin. Pumunta ako sa shower room, at doon naglinis, Kumuha rin ako ng extra clothes sa locker.

Pagkapasok ko sa room, Nagtinginan ang lahat ng kaklase ko pati narin si Theo. Pati narin ung teacher namin sa Math. Dumeresto ako sa upuan ko at walang reaction.

"Woy naamoy mo un? parang patis."

"Ang baho naman ni Cheska."

Kinalabit ako ng katabi kong babae sa kabilang side, at sinabihan niya akong umusog dahil nangangamoy daw. Umusog ako ng kaunti. Tinignan ko si Theo kasi katabi ko rin sya sa kabilang side baka kasi hindi niya kayanin ang amoy.

"Uhm.. theo ayos ka lang-"

Umoo lang siya at ngumiti. Nagulat ako nang tawagin ni Ma'am ang apliyedo ko. Agad ako tumayo.

"Yes ma'am?"

"Pumunta ka sa office mamaya okay?"

"Osige po."

Pagkatapos nun umupo na ako at Maya maya at nakarinig ako ng bulong sa aking gilid.

"Mamaya, Sa gate hihintayin kita.. may itatanong lang ako sayo."

Discrete World. [BTS FANFIC]Where stories live. Discover now