Discrete World| 8

279 13 6
                                    

Baka sa makalawa hindi na kami magkita..
o.. bukas..
--
(While reading, play the audio below)

Walang tao sa amusement park na pinuntahan namin mala ghost town ang dating pero, masaya dahil amin lang dalawa ang moment na to at walang distorbo.

Sumakay rin kami sa ferris wheel, pati narin sa roller coaster at nag bumpcar ng libre lamang pati ang aming mga kakainin libre lamang dahil walang mga tindero at tindera ang bawat restaurant at mga food stal dito.

Oh diba masaya, with fireworks effect pa pagkatapos naming kumain ng Burger.

"Woah~" napa wow ako sa ganda dahil first time ko rin makakita ng fireworks pag bagong taon kasi lagi akong tulog kaya hindi kona naabutan ang bagong taon,

Naglaro rin kami ng claw machine para kumuha ng mga dolls at pagputok ng mga balloon para makakuha ng mga prices.

Nakuha niya ang malaking teddy bear at ibinigay ito saakin. "Oh ayan na chesca, ang galing ko diba?" bola pa nito saakin. Hays palabiro talaga tong si theo.
sabay kurot pa nito sa aking pisnge.," galit na yan, ang cute mo kasi kaya di ko mapigilang kurutin ka." dagdag nito.

nagpatuloy kami sa oaglalakad habang yakap ko ang teddy bear na hawak niya.
with may paakbay pa ito sa aking likod.
"ang bigat ng kamay mo oy!" sigaw ko. sa kanya dahil ilang minuto palang nakaakbay ang kamay niya ay nangangalay na ako.

"Chesca, Chesca Hovers bagay na bagay ah." bulong nito sa sarili at narinig ko ito at natawa nalang ako at hindi kona sinabi na narinig ang bulong niya.

"Chesca, ito na ang ating huling pagkikita.." dagdag nito. "sana makita pa kita, hindi ko alam ang gagawin kong mawawala ka sa tabi ko. You know Im crazy inlove with you since nung nagkita tayo nung bata kapa."

"Hinintay ko talaga na magkasing edad tayo, naghintay ako ng matagal at eto na ang tamang panahon na sabihin sayo na.. ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.." dagdag nito.

wala ako maisagot tanging ito lang ang aking nasabi. "you're in the future right? magugustuhan mo paba ako kahit matanda na ako sa panahon mo?"

"Oo naman, basta hihintayin kita. ano man ang mukha mo, hindi parin mababago ang feelings ko sayo."

Tumulo bigla ang aking nga luha at bigla akong kinabahan na para bang may mangyayaring hindi kaaya aya mamaya.

Napasarap kami sa usapang about our feelings to each other.

Pinunasan ni theo ang aking mata na may luha."wag kang umiyak, nandito pa naman ako lubusin muna habang magkasama pa tau kesa umiyak.let's cherish this moment."

lalong tumibok ng malakas ang puso ko, at nang biglang.

Biglang huminto si Theo sa isang gilid at hawak niya ang kanyang isang kamay na para bang may masamang nangyare sa kamay niya agad ko siyang nilapitan.

"Theo, ayos ka lang? nang makita ko ang kanang kamay niya na nag fafade na bigla akong nanghina. dahil hindi ko alam ang nangyayari kay theo.

"Theo?! ano yan... ba--at.. nagfafade yang mga kamay mo at dahan dahan na siyang nag giglitch buong katwan niya ay nag giglitch na.

Nakaramdam ako ng takot at kaba halos balutin na nga nakapaligid na puti ang kanyang katawan agad ako niya akong niyakap ng mahigpit. Tumulo na ng tuluyan ang aking luha.

"Theo wag mo kong iwanan! theo.."

nakayakap parin siya saakin ng mahigpit at ako ay walang tigil sa pagiyak. Hindi kona rin alam ang gagawin ko dahil habang tumatagal ay naglalaho na ang kanyang katawan.

"Chesca, mahal na mahal kita!"

"Theo..."

Kinain na siya ng liwanag na nakapalibot sa kanyang katawan hanggang sa tukuyan na siyang naglaho.

Ang amusement park na tahimik kanina ay biglang nagkaroon ng mga tao at naging maingay narin ang lugar habang ako ay naglulukmok sa gitna at umiiyak yakap yakap ko ang teddy bear na binigay niya saakin.

"Theo.. don't leave me please.." alam kong hindi na siya nag eexist sa mundo na ito, naglaho na talaga siya.. hindi ko kaya na mawala siya sa buhay ko. Kasi siya lang naman ang naging dahilan kung bakit kumulay muli ang malungkot kong buhay.

Nawala lamang siya ng parang bula, na kanina ay kasama ko lamang siya. Hindi ko aakalain na dito na matatapos ang kaligayahan ko. Wala na siya sa aking tabi. Nasa future world na siya.

Paano kung makakahanap na siya ng iba..

Discrete World. [BTS FANFIC]Where stories live. Discover now