Discrete World| 5

329 11 2
                                    

Masigla akong pumasok sa room at pansin kong wala pa si theo sa loob, umakyat ako sa rooftop at tama ang hinala ko nandun siya. Nakatyo siya at tahimik na pinagmamasdan ang lugar ng aming school.

Biglang nag slow motion ang oras, nang pagmasdan ko siya. Ang gwapo niya talaga.. Di ko napansin nasa tabi ko na siya.

"Huy, tulala ka dyan gwapo ko kasi sorry na" saad niya habang ginugulo ang buhok ko. dahil sa hiya kinurot ko siya sa pisnge.
"Ew! ikaw pogi no way!" sagot ko.

Hinayaan niya lang ang pagkurot ko sa pisnge niya, aba hindi ba nasasakyan tong lalaki na toh? maya maya kinurot niya rin ang pisnge ko.

Masaya kaming nagkukulitan at nagaasaran hanggang sa di na namin namamalayan ang oras, dahil sa pinaggagawa namin dina namin naabutan ang first period.

Hinawakan ni theo ang kamay ko, lumakas ang tibok ng puso ko pero hindi ko muna iyon pinansin at sumunod nalang ako kay theo.

"Theo saan tayo ppunta?" tanong ko habang tumatakbo kami sa hallway.
"Tara takas tayo! magcutting tayo!" sagot niya nagulat ako sa mga pinagsasabi niya.

Pinipigilan ko siya sa pinaplano nya ngunit nadala ang aking mga paa, at tuluyang sumunod sa kalokohang gagawin ni theo.

Pinapatong ni theo ang aking paa sa kanyang balikat para maiangat ako sa gate at makatawid.

Naging matagumpay ang pagtakas namin.
May naabutan kaming nagbebenta ng ice cream, bumili si theo at ibinigay ang ice cream na binili saakin. "Chesca oh, sayo to" "Salamat po sir," tumawa lang siya.

Kung saan kami napadpad halos buong period di namin pinasukan at maghahating gabi na.

Nakahiga kami sa damuhan, at masayang naguusap.

"Theo, ang saya! "

"Masaya magcutting diba?"

"Oo pero wag naman palagi, sa sunod gawin ulit natin to."

"Oo naman, gusto kasi kita makasama ng matagal."

"Ha? ano sabi mo sorry di ko narinig." Tumagilid ako ng higa at naharap ako sa kanya. Nakita ko ang isang mata niyang naluluha.

"Umiiyak kaba theo?"

"Ah hindi napuwing lang,"

Bigla niyang kinuha ang kamay ko at ipinatong niya sa dibdib.

"This heart only beats for you.,"

Discrete World. [BTS FANFIC]Where stories live. Discover now