Discrete World| 15

65 3 0
                                    

OMG I'M  SO SORRY PO KUNG MEDYO NATAGALAN ANG PAG UPDATE WELL ALAM NIYO BA NASA #16 PO ANG DISCRETE WORLD SA #TIMEMANCHINE story tags!  MARAMING MARAMING SALAMAT SA PATULOY NIYONG PAGBABASA AT PAG PAGSUPORTA SA AKING STORY!  DON'T WORRY PO I'LL DO MY BEST PO PA
SARANGHAE 💗

**

New casts:

Zachy As Jin (pinsan ni anne)
Harold as jungkook (Katropa ni Grey)
Vincent as jhope (Katropa ni grey)
Flynn as Jimin (May gusto kay Chesca na katropa ni kuya grey nya)
Wayne as Rapmon (Kuya ni Anne)

May naamoy akong mabango sa loob ng aking kwarto kaya lalong napasarap ang aking tulog ngunit may tumapik sa aking pisnge at ito ang naging sanhi kung bakit ako ay nagising.  Nagulantang ako nang kaharap ko sa higaan si kuya grey. Gulat na gulat ako nang makita ko siya.  Kinuha ko kaagad ang aking kumot at nagtago.  Sabay sermon sa kanya "Kuya naman eh bakit andito ka!? " sabay takip ng mukha

"Wala Lang masama bang gulatin ang kapatid ko?  Haha" at tsaka tumayo at umalis "nga pala umalis si mama ngayon mga 1 week siyang mawawala.  Bumaba ka pagkatapos mo mag ayos. Magsaing ka. " dagdag nito.

"oo! " pasigaw kong sagot. Tumayo na ako at inayos ang sarili. Dumeresto muna ako ng palikuran para makapag toothbrush at maghilamos at tsaka nagsaing.  Habang nanonood ako ng tv sa sala napansin ko si kuya grey na may kausap sa phone. Tinignan niya ako at sabay patay ng phone.

"kuya sino kausap mo? " tanong ko habang nanonood. "ah wala si mama lang kinakamusta nya lang tayo" . Sabay punta sa kusina "ah..  Bakit nga pala mawawala si mama ng 1 week? " dagdag ko. Kumukunot na ang noo ni kuya ng tinanong ko ito. "daming tanong ano ba yan kasi nga mag rereunion sila ng mga ka highschool friends nya."
Pagkatapos nun hindi na ako umimik.

Maya't maya narinig kona ung alarm na nagsisignal na luto na ang kanin.
May nilabas si kuya Sa ref at pinaalis ako at manatili lamang ako sa sala dahil magluluto daw siya ng ulam ayaw niya kase ng may kasamang pangit baka daw masira ung ulam.

"Dang sama naman netong shokoy! " ganti ko at bumalik sa aking kinauupuan at nanood nalang ng tv.  Pagkatapos ng ilang oras tinawag ako ni kuya na kakain na daw kami.

Nang pumunta ako sa lamesa muntikan na matuluan ng laway ang plato ko dahil isang tinginan pa lamang mukhang masarap na ang kanyang niluto.

Habang sarap na sarap ako nguyain ang nilutong adobo ni kuya napatitig siya saakin ako naman naiilang kaya nagsalita na ako "ano meron?  Kanina kapa nakatitig sa mukha ko? " natawa sya ng sabihin ko iyon.  "may kanin ka sa bandang gilid ng bibig mo" sabay tawa ulit.  Kinuha ko kaagad ang butil ng kanin at saka nagpatuloy muli kumain kunyare walang nangyari.

Nang tapos na kami kumain humingi ako ng permiso kay kung pwede akong pumunta kila anne dahil wala namang pasok at foundation day lamang sa school wala masyadong ginagawa.  Umoo naman si kuya.

Naligo,  nagbihis at inayos ko ang aking sarili at pagkatapos non ay pumunta na ako kila anne. Nang makarating ako sa street nila nakita ko si anne na nagwawalis sa harapan nila plano ko sana itong gulatin ngunit napansin din ako.

"oh napadaan ka dito ano sadya mo? haha" sabay bukas ng gate nila "wala naman bored sa bahay eh tsaka wala si Mama" at pinapasok ako sa loob nila.

Pagpasok ko sa sala nila nagulat ako sa laki ng bahay nila. Mala mansion ang dating.  May Nadatnan akong lalaki sa bahay nila.  Tinanong ko kay anne na sino iyon.  "ah pinsan ko yan si Zachy.

Lumingon ung zachy saamin at agad itong tumayo at umupo sa kusina.  Pinaupo ako ni Anne at nagsimula na kami magkwentuhan sa mga bagay bagay kung saan same kami ng interest. Bigla akong napatawa ng malakas sa sinabi ni Anne nang bumungad ang isang lalaki sa aming harapan.

Napahinto ako sa katatawa dahil sa kahihiyan.
"Anne asan ung charger? "tanong nito kay anne. Itinuro ni anne ung bagay na hinahanap nito. Umalis ang lalaki at tumabi sa isang lalaki na nakaupo rin sa kusina .

"Sino naman yun? " tanong ko habang nakatingin doon sa lalaki. "ah kuya ko yan haha nakakatakot noh?" biro nito at napahalakhak (natatawa). Nagkwentuhan kami tungkol sa mga buhay namin,mga hobby, at sa mga bagay kung saan kami magaling.

Makalipas ng ilang oras nakaramdam kami ng pagkaboring. Tumayo si anne at kumuha ng walang laman na bote at lumapit sa akin.
Hinawakan nya ako sa kamay at pumunta sa kusina. "mga kuya ko!  Tara truth or dare tayo! " bangit nito sa mga Kuya niya na busy na busy sa paglalaro ng ML.

Sumang ayon naman ang mga ito. At sinimulan na namin ang Truth or dare. "Ano ang parusa pag hindi ginawa ang truth? " tanong ko.  Nagsalita ang Pinssan ni anne na si kuya Zachy "Susulatan sa mukha HAHAHA" sagot nito at tumawa ang kuya ni Anne "Nagsalita ung Duwag dyan oh!  HAHAHA" Napangiti nalang ako dahil ang saya sa pamilya ni Anne. Hindi katulad sa bahay na medyo Tahimik at nakaka istressed.

Nakaturo sa akin ang Bote "Hala Chesca its your turn! "sigaw ni Anne habang pumapalakpak. Kinakabahan ako baka hindi ko masagot ang mga tanong na inihanda nila para saakin. "Sino First Love mo?" nang marinig ko ang tanong na iyon may biglang nagpakitang imahe sa aking isipan hindi ko mawari kung sino ito kaya binale wala ko lamang ito.

**

Discrete World. [BTS FANFIC]Where stories live. Discover now