Lesson 35- The First Call & Doubts

418 17 3
                                    

Jaiden's POV

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik ng isang tao sa aking balikat.

"Sir Jaiden.... gising na po..." marahan niyang inuga ang aking katawan at sunod kong narinig ay ang mga baso na kanyang inililigpit mula sa mesa na hindi naman kalayuan mula sa aking hinihigaan.

Paksh*t. Nakatulog pala ako sa sala.

'Yun ang pinakaunang pumasok sa isipan ko nang subukan kong tumayo mula sa aking pagkakahiga sa sofa.

"Arrr...aaayy..." kasunod noon ay bigla na lamang umikot ang aking paningin at maya-maya pa ay naramdaman ko na ang sakit sa aking ulo.

Shet. Ang sakit ng ulo ko...

Sinubukan kong isipin kung gaano karami ang nainom ko kagabi pero habang nag-iisip ako ay mas lalo pang tumitindi ang sakit sa ulo ko.

"Heto po, Sir Jaiden..." narinig kong muli ang boses ng isa sa aming mga house maids habang iniaabot sa akin ang isang baso ng tubig.

"Thanks." sagot ko, at pilit inabot ang baso gamit ang aking isang kamay, habang ang isa naman ay ginamit kong pangsuporta sa pakiramdam ko'y napakabigat kong ulo.

Ngumiti naman siya sa akin at bahagyang yumuko bilang sagot, at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

"Ya, alam mo ba kung gaano karami ang nainom ko kagabi?" tanong ko habang inilalapag ang wala ng laman na baso sa mesa sa aking harapan. "Ang sakit talaga ng ulo ko..."

Natawa naman siya ng bahagya sa reaksiyon ko. "Sa totoo lang po Sir Jaiden, sa tuwing kasama niyo naman po sila Sir Zach, lagi naman pong ganito ang nagiging resulta..." nagdalawang-isip siya sa kanyang susunod na sasabihin bago niya ito ipinagpatuloy. "Lagi po talaga kayong nalalasing..."

Ngayong naisip ko na, oo nga. Sa tuwing kasama ko yung mga loko na 'yun, lahat ng bagay na sa pananaw ko ay mali, bigla na lang nagiging tama.

Napangiti naman ako habang iniisip ang mga bagay-bagay, hanggang sa maramdaman ko na naman ang isang matinding sakit sa aking ulo.

Agad naman akong napabalik sa pagkakahiga habang parang tanga na pinipigilan ang sakit ng aking ulo. Damn hangover. Shit.

"Sige po sir. Ikukuha ko na lang po kayo ng gamot para sa sakit ng ulo. Ililigpit ko lang po ito ng sandali sa kusina. Babalik rin po ako..." pagpapaalam niya sa akin at mabilis siyang umalis ng sala.

Maya-maya ay bumalik na rin siya dala ang gamot na kanyang ipinangako at mabilis ko naman itong kinuha. Pagkatapos ko itong mainom ay muli na siyang bumalik sa kusina para maglinis habang ako naman ay bumalik ulit sa pagkakahiga sa sofa.

Parang hinahampas ng martilyo ang ulo ko sa sobrang kirot at pakiramdam ko'y ano mang oras ay isusuka ko na lahat ng nainom ko kagabi. Sh*t.

Ipinuwesto ko ang katawan ko para muling makatulog nang marinig kong nagvvibrate ang cellphone ko. Kinapa-kapa ko ang mesa na malapit sa akin habang nakapikit at nang ito'y aking mahawakan, unti-unti kong iminulat ang aking mata para silipin kung sino ang nagtext.

Agad akong pumunta sa inbox ko at dito ay nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

(Baby Aimee: Uy, gising ka na ba?)

Parang nawala lahat ng kalasingan sa katawan ko dahil mabilis akong napabangon sa sofa habang mabilis na kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o ito na yung sinasabi nilang excitement.

Iniscroll ko ng paulit-ulit ang message niya at doon ko lang napansin na hindi lang pala 'yun ang tinext niya.

(Baby Aimee: Hey.)

My Secret Rewardحيث تعيش القصص. اكتشف الآن