Lesson 36- Decision

485 19 10
                                    

"Jaiden..." isang beses ko lamang tinawag ang kanyang pangalan ngunit kanina pa man na hindi pa siya dumadating ay paulit-ulit ko ng isinisigaw ang pangalan niya sa isipan ko.


Panandalian niya akong tiningnan ngunit mabilis niyang inalis ang kanyang tingin ng mahagip na ng kanyang mga mata si Tito Steve sa tabi ko.


"Dad..." lumapit siya kay Tito at hinila ang braso nito. "Dad, what happened? Ano'ng nangyari kay Mom? Dad..." kitang-kita sa kanya ang pag-aalala kay Mama Aimee. Parang ano mang oras ay lalabas na sa dibdib niya ang puso niya sa sobrang hingal. Marahil ay nagmadali talaga siyang pumunta rito.


"Jaide, anak..." marahang tinapik ni Tito Steve ang balikat ni Jaiden. "Your mom's health is..." tumigil ng bahagya si Tito Steve, parang ayaw niyang banggitin ang susunod niyang sasabihin.


"Dad!" pagmamakaawa ni Jaiden. "Tell me... Is it... Is it back?" may halong pagkabigla ang tono ng pananalita ni Jaiden. Si Tito Steve naman ay inalis ang tingin sa mga mata ng kanyang anak. Parang hindi niya kayang sagutin ang tinatanong sa kanya nito.


"Hmm." mahinang sagot ni Tito Steve habang siya ay tumango. Unti-unting nanghina si Jaiden sa narinig niya hanggang sa mapaupo na lang siya sa sahig. Agad naman siyang inalalayan ni Tito. Gustuhin ko man na tumayo at tulungan siya, parang ubos na ubos na ang lakas ko sa mga panahong ito.


Wala akong ideya o nalalaman sa mga sinasabi nila, basta ang alam ko lang ay mayroong nangyayari na hindi ko magugustuhan kung malaman ko man iyon. And worse, mayroon na akong hinala kung ano man iyon.


"Tito..." tawag ko na agad namang ikinagulat ni Tito Steve pati na rin ni Jaiden, na ngayon ay nakaupo na sa kabilang tabi ni Tito Steve. Parehas nila akong nilingon na para bang ngayon lang nagsink-in sa utak nila na nandito ako at naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila. "May alam ba kayo na hindi ko alam? How's Mama Aimee? Is she... Is she sick? Is her condition worsening now?!"


Tiningnan nila ako ng matagal bago sila unti-unting nagsipag-iwasan ng tingin. "Now what?! Bakit hindi kayo makasagot? Tito, ano?! Isa na naman ba 'to sa mga pakulo mo? Dinadamay mo na ba ngayon pati si Mama Aimee?!! Ano, para na naman ba 'to sa pansariling kagustuhan mo, niyo?!" Tuloy-tuloy ko iyong sinabi na walang preno. Pakiramdam ko kasi ay ano mang oras ay mauutal na ako kung hindi ko pa iyon sabihin agad-agad. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko pero isinantabi ko iyon at patuloy na nagsalita.


"Ano?! Bakit hindi kayo makasagot? Itatago niyo na naman ba 'to sakin kahit ngayong nabuko ko na kayo? Ganun ba? Lahat ba ng ipinakita niyo sa akin, lahat puro pangloloko lang? Lahat panggag*go lang?! Ni kahit yung kabaitan na ipinapakita sa akin ngayon ni Mama Aimee, kasama ba yun sa pakulo niyo?! HA?!!"


"SHUT UP!!" kasabay ng sigaw na iyon ay ang malakas na pagtama ng isang palad sa aking kaliwang pisngi. It was Jaiden. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya sa harapan ko.


"JAIDEN!" mabilis na hinawi ni Tito Steve ang kamay ni Jaiden na noong mga panahong iyon ay para namang nagising mula sa isang masamang panaginip. Lumapit sa akin si Tito at marahang hinawakan ang mga pisngi ko na noong mga panahong iyon ay parang namamanhid na sa sobrang sakit. Nagkatinginan kaming dalawa at bakas sa mukha niya na pati siya ay hindi makapaniwala sa nagawa niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Secret RewardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon