Lesson 33- A Secret Conversation

460 20 3
                                    

Lucille's POV

"Mama!!! Dun tayo! Gusto ko dun!!!" sigaw nang bata habang hinihila ang kanyang nanay hanggang sa malagpasan na nila kami. 

Pagkabaling ng aking mga mata sa aking gawing kanan ay nahagip ko ng aking paningin si Micah. Oo nga pala, kasama ko siya. Muntik ko na siyang makalimutan sa sobrang tahimik niya. Hindi ko alam kung wala ba siyang gana dahil naispoil ko ang date nila ng boyfriend niya o dahil ayaw lang talaga niya akong kausapin.

"Micah..." panimula ko. Pareho naman kaming nagulat nang marinig ang aking salita. First time ko ata siyang tinawag sa pangalan niya. Kung hindi ikaw, maldita, demonyita at kung anu-ano pang panlalait ang itinatawag ko sa kanya, iniisnob ko naman siya. Hindi ko alam kung bakit pero parang instincts na 'yun ng katawan ko simula noong first day na makita ko siya.

Nakatingin siya sa akin habang naghihintay ng aking susunod na sasabihin. 

"I already know the truth." sunod kong sabi. Agad naman niyang iniwas ang kanyang tingin pagkatapos ko iyong sabihin. Bahagya ko siyang sinulyapan at nakita kong kumunot ng kaunti ang kanyang noo na para bang may gusto siyang sabihin. Nagulat naman ako nang bigla siyang humarap sa akin at hinawakan ang magkabilaan kong balikat.

"I'M SORRY, LUCILLE!!" sigaw niya. Hindi agad pumasok sa isipan ko ang sinabi niya. Pero nang magising na ako sa katotohanan, napansin ko ang nangingilid na luha sa magkabilaan niyang mga mata. "Lucille, hindi ko talaga gustong lokohin ka! Matagal ko ng gustong sabihin sa'yo ang lahat!! Ang kaso..." tumulo na ang luha sa kanyang isang mata. "...ang kaso, parte yun ng plano eh. James beg to me. Hindi ko siya matanggihan eh. Hindi ko naman kayang iwan sa ere yung mahal ko... Kaya ngayon..." may gusto pa siyang sabihin pero pinigilan ko na siya.

"That's enough, Micah. After all, wala na rin namang magagawa ang sorry mo..." unti-unting lumuwag ang kanyang pagkakahawak sa akin. Lumungkot lalo ang kanyang mukha. Nagulat na lang siya ng tapikin ko ang kanyang likuran, kaya ibinalik niya ang kanyang tingin sa akin.

"...aside from the fact that now, I have forgiven you..." dagdag ko, sabay ang isang ngiti. 

"Lucille..." banggit niya sa pangalan ko na may halong pagkagulat. "Aren't you supposed to be mad at me?"

"Hmm.. I also think that way before. Pero ngayon, I've changed my mind. At least ngayon, alam ko na, na wala ng taong kinasasamaan ko ng loob."

Hindi ko naman inexpect na maiiwan sa isipan niya ang aking sinabi, kaya tinanong niya ulit ako pabalik. "So that means, hindi ka na rin galit sa kanya?"

Natigilan naman ako sa katanungan niyang iyon. Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Siya.

Sa isang banda, nakakatawang pakinggan ang sinabi ko. Pero sa kaloob-looban ko, alam kong sinabi ko lang naman ang tunay kong nararamdaman. Sa tuwing nakikita ko siya, I always make sure to make him feel how resentful I am to him. Pero siguro nga, ipinipilit ko lang talaga na magalit sa kanya, na kahit hindi pa siya humihingi ng tawad ay napatawad ko na siya. Sinasabi ko madalas na ayoko sa kanya, pero alam ko sa sarili na wala akong sinabing tama tungkol sa kanya. Ilang taon kong niloko ang sarili ko sa mga salita na hindi naman talaga sinasabi ng puso ko.

Katulad nga ng sabi ko kanina, marahil nga, wala na talaga akong kinasasamaan ng loob, dahil una pa lang naman, hindi ko talaga siya nagawang kamuhian.

"Micah... can I ask you a question?"

"Sure..."

"Did you..."

"Hm?"

Iniayos ko ang aking upo bago ko ipinagpatuloy ang aking sasabihin...

"Did you fall in love with Jaiden for real?"

My Secret RewardWhere stories live. Discover now