Lesson 31- Little Visitor

664 24 12
                                    

“Baba na.” napalingon ako sa tabihan ko nang maalala kong papunta na nga pala kami ngayon sa XLU. Masyado akong abala sa pag-aayos ng gamit kaya naman hindi ko napansin ang sunod-sunod na pagtawag sa akin ni Lance dahil nasa tapat na kami ng aking paaralan.

“Sorry.” agad kong kinuha ang aking gamit at marahang bumaba kasabay ng pagsara ko ng pinto. Wala namang imik si Lance hanggang sa nagpatuloy nang umandar ang sasakyan at tuluyan na silang nawala sa aking paningin. Hindi ko alam kung bakit ngunit simula ng Birthday Party ni Jaiden sa aming bahay ay malimit na akong kausapin ng kapatid ko. Kapag tinatanong ko naman siya ay hindi siya umiimik. Ilang beses ko man banggitin at isampal ang pangalan ni Jaiden sa harapan niya ay wala pa rin siyang imik, na mas lalong nakapagtataka. Pakiramdam ko ay may nalalaman siyang isang bagay ngunit ayaw niya itong ipaalam sa akin. But one thing about Lance: Hindi siya magaling magsinungaling. Sa ngayon, hahayaan ko na muna siya at aasa na lang na sana… maisipan niyang sabihin sa akin kung ano ang problema niya.

Agad akong naglakad papunta sa classroom ng una kong klase, ang klase na kinamumuhian ni Ash dahil una sa lahat ay English ang subject. At pangalawa ay dahil si Alzach “Zach” Ford Rivera slash Ashlei’s suitor, ang professor namin. Mabagal akong naglakad, kumpara sa mabibilis ko laging hakbang kapag papunta ako sa aking klase. Hindi ko kasi mapigilang pagmasdan at obserbahan ang mga tao sa aking paligid. Lahat sila nakangiti, naghihintay sa kanilang mga kanya-kanyang guro. Karamihan sa kanila ay ‘kinikilig’ at excited nang makita ang kanilang mga iniidolo. Kung mayroon man sigurong nagbago sa aking paaralan, marahil yun ay ang estado lang ng relasyon sa pagitan namin nina Jaiden at Luke.

“Yo.” Nakaramdam ako ng pagdampi ng daliri sa aking gawing kanang pisngi. Malamig ang kamay niya kaya naman napaurong ako sa unang segundo na nagdikit ang aming mga balat. “Morning.” Bati niya sa akin.

“Luke.” Sambit ko habang hinihimas ang aking pisngi. “Tch. Bakit ang lamig ng kamay mo?” napangiti lang siya sa aking reaksiyon at agad niyang ginulo ang buhok ko. 

“Pasensiya na po, Ma’am. Hindi na po mauulit.” At ngumiti siya ng nakakaloko at ang sunod niyang ginawa ay kinurot niya ang magkabilaan kong pisngi at hinila ito sa magkahiwalay na direksiyon.

“R---Ru---ke!!! Arrrr---nor—ra??!!” pinagpapalo ko ang kamay niya pero hindi niya pa rin tinigilan ang panggigigil sa pisngi ko. Ang sama talaga niya. Ugh!

Para sa mga hindi nakakaalam, ang Luke ngayon ay ang Luke sa New York noong mga panahong magkasama kami. Hindi ko rin alam pero unti-unti na lang siyang naging masayahin, madaldal, at kung minsan pa nga ay pilyo. Madalas niya akong paiyakin, pero kapag umiiyak naman na ako ay mabilis rin niya akong patatahanin. At ngayon, masaya ako at nakikita ko na ulit yun sa kanya. Nakikita ko na ulit siyang ngumiti, at sapat na rin yun para mapangiti niya ako.

Binitawan na niya ang aking mga pisngi na noong mga panahong iyon ay namumula na. “Mukha ka ng kalabasa, Lucille. Pfft~!” hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at maya-maya ay humagalpak na siya sa pagtawa. Agad namang nagtinginan ang mga estudyante na noong mga panahong iyon ay nasa corridor rin habang naghihintay mag-umpisa ang kanilang klase. May iba sa kanilang namumula habang pinagmamasdan nila ang tuwang-tuwang mukha ni Luke. May iba rin na mukhang takang-taka na ang isang masungit at snob na professor tulad ni Luke ay tumatawa ngayon na para bang wala ng bukas. Ngunit karamihan sa kanila ay bumabaling ng tingin sa akin at kahit hindi na nila sabihin ay alam ko na sa sarili ko na hindi sila makapaniwala na ang Ms. Sungit at Snob ang naging rason para mapatawa ang Mr. Sungit at Snob na si Terrence Luke Dominguez.

Naputol lamang ang nagaganap na komosyon nang maramdaman kong mayroon akong nabangga mula sa likuran sa pagtatangka kong tumakas sa mga mata ng mga nangchichismis sa aming mga estudyante. Narinig ko ang kanyang mahinang ungol dahil sa pagkabuwal niya sa sahig habang ako naman ay hinawakang mabuti ni Luke sa aking mga balikat. Agad akong lumingon para tignan ang kalagayan ng nabangga ko ngunit nanlaki ang mata ko sa aking nakita, “B---bat—bata?” hindi lamang ako ngunit pati na si Luke at ang iba pang mga estudyanteng nakapaligid sa amin ay nagulat rin at nagtataka kung paano may naligaw na isang bata sa isang High School tulad ng XLU.

My Secret RewardWhere stories live. Discover now