Epilogue

665 50 6
                                    

Dear diary,
 
Last Entry ko na po ito para sa pagtatapos ng Book 1. Don't worry, magkakaroon pa naman siguro ng Book 2 kapag umabot ito ng one thousand reads and hundred comments. Kaya sana nga ay umabot.
 
 
Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa ko. Hindi ko na kasi makita yung pinagkaiba ng mali sa tama. Kasi sa totoo lang ay napapadalas yung pagbisita ni Zach sa loob ng bahay ko, at iyun nga, ginagawa namin yung usually na ginagawa ng mga mag-asawa. Actually, lininaw ko na sa kanya kung ano ba yung status namin kasi mahirap na lagi kaming nagtatalik tapos wala namang label, eh paano naman pala kapag nabuntis ako, edi na leche na.
 
 
Pero ang lagi niyang sabi, "Bakit pa kailangan ng label. Kung gusto mo na TAYO na, edi TAYO na".

 
Pero ayaw ko ng ganun, dear diary, gusto ko kasing dumaan kami sa due process na una muna sa courtship, tapos sa ewan na. hindi ko na alam ang susunod.
 
 
Alam ba niya na tuwing natatapos ang pagtatalik namin, na sa tuwing aalis na siya sa kama ay lagi akong napapa-isip, mahirap kapag sanay kana sa ganitong tagpo. Paano pala kung hindi na siya muling bumalik sa kama? Paano pala kung makahanap na siya ng ibang mapaglilibangan na maaari niyang malabasan ng init ng kanyang katawan, paano na ako?

 
Teka, pokpok na ba ako?
Kung hindi eh ano ako? Babaeng mababa ang lipad? Wait, bakla nga pala ako.
 
Revise it: Ano ako, baklang mababa ang lipad?
 
Hindi ako papayag na hanggang sex lang kami. Dapat meron akong gawin. Pero ano? Ano yung kailangan kong gawin para merong assurance na hindi niya ako biglang iiwan sa ere?
 
 
Hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya naman ay saktong nagpagawa si Ma'am sa Filipino ng literary piece at doon ko ibinuhos lahat ng gusto kong ilabas sa kanya.
At ipinasa ko na iyun kay Ma'am, without knowing na babasahin pala namin iyun mamaya sa harap ng lahat.
 
 
Seriously?
 
 
Hanggang sa ako na ang tinawag ni Ma'am, "Mr. De Sales, ang ganda ng likha mo pang rated SPG."
Ako naman ay napangiti habang pumuntang gitna at sinimulan ang pagbabasa. Alam kong masasaktan siya nito, pero bahala na:
 
Sa bawat pag-indayog ng iyong katawan ay siyang kaligayahan ang dala.
Sa bawat malagkit na halik na iyong iginuguhit sa labi ko,
ay ang siyang higit naglalabas ng pagkamatapang ko.
 
Kakayanin ko kahit masakit kasi mahal kita.
Kakayanin ko kasi ito lang ang paraan na alam ko para paligayahin ka.
 
Sa loob ng hindi mabilang na oras na ang tangi nating ginagawa ay ang pagpapakasasa sa bawat isa,
Sa ilalim ng buwan at mga tala, isa lang ang nais kung linawin,
Ano ba talaga ako sa iyo?
 
Isa ba akong condom sa iyo na matapos mong paputukan ng sumilya mo ay basta mo na lamang ako iiwan at itatapon kung saan?

O isa akong tao na dapat mong pahalagahan at mahalin, hindi lang dahil sa kaya kitang paligayahin sa kama kundi dahil rin sa ako lang ang may kakayahang intindihin itong sitwasyon nating hindi ko mawari kung isa bang biro o katotohanan o sadyang panaginip lang.
 
Lalo pa at paggising ko sa umaga ay wala ka na sa tabi ko kaya ang muli ko namang yayakapin ay ang sarili ko.
Isa lang yung nais ko bago tayo matulog muli sa kama ko ng magkasama,
linawin mo sa akin kung ano o sino ako sa buhay mo.

Pakiusap.
 
Kasi sa buhay ko, ikaw yung bagay na kumukumpleto at nagpapasaya sa akin.
Mahal kita, kaya ako nahihirapan ng ganito.
Mahal kita.

Sana bilang isang sinta ang turing mo sa pagkatao ko hindi bilang isang basura na kailangan nang isantabi balang-araw.
 
 
Matapos ko iyun basahin ay hindi ko na namanlayan na lumuha na pala ako. At nakita ito ni Ma'am sabay hawi sa mahaba kong buhok at tsaka nagsabi, "Ito ba ay basi sa iyong karanasan?"
 
 
Agad ko namang itinanggi, sabay sabing, "Ma'am naman hindi pa po nagagalaw yung mahiwaga kong biyas."
 
Tapos nagtawanan sila. Pero si Zach ay nanatiling seryoso.
At sa paghahanap ni Ma'am ng nagustuhan niyang likha ay sinunod niyang tinawag si Zach. "Ito maganda kasi parang karugtong lang ng piece ni Mr. De Sales."
 
Tapos tahimik at seryosong binasa ito ni Zach na sa akin lang nakatingin.
 
Huwag mag-alinlangan, aking sinta.
Sa tala naisulat ko na, ang katangang ikaw lang ay akin.

At handa kitang ipagdamot sa iba, dahil ako lang ang nagmamay-ari sa iyo at wala nang iba.

Habang sa kama tayo ay magkatabi, sa isipan ko ay sumasagi,
 
Pwede bang hindi muna ang araw ay sumikat, kasi ayaw ko pang malayo naman sa kanya.
 
Yung tipong sa kama, ang sweet natin. Pero sa loob ng apat na sulok ng silid na ito ay para tayong hindi magkakilala.

Na kung ngumiti sa isa't isa ay tipid at kung magkatinginan tayo sa bawat isa ay ilang.

Mahal naman kita. Yan yung lagi ko sa iyo ipinapaalala.

Mahal kita hindi lang sa kama.
Mahal kita at ewan ba ba't hindi mo iyun makita.

Kaya kitang ipagtanggol sa lahat,
Hinihintay lang kita na magdeklara sa lahat na TAYO NA.
 
Kung sa palagay mo ay ibabasura kita,
Ngayon ko na sa iyo sinasabi:
Wala kang puwang sa basurahan pero ang malaking bahagi ng puso ko ay bakante sakaling gusto mo nang tumuloy.

Sana dumating ang araw, na pumasok ka na sa puso ko ng kusa kasi napapagod na akong hintayin kang kumatok, kaya heto binuksan ko, para anytime ay makapasok ka na.

Sabi mo nga diba, gago ako. Tarantado ako at garapal ako.

Kaya ba't hindi mo hayaan na ang isang gago, tarantado at garapal na tulad ko ay ipadama yung pagmamahal sa iyo, hindi lang sa kama kundi kahit saan man tayo mapunta.

Pero, hindi ko magawa kasi hindi ko alam kong magugustuhan mo rin ba.

Kung gusto mo rin ba ako,
O sadyang ako lang talaga ang nag-iisip na gusto mo ako.

Kaya kung mahal mo ako, isigaw mo ang pangalan ko ngayon.

At ngayon sa katapusan ng sulat kong ito, ay isisigaw ko rin ang pangalan mo.
 
 
 
 
 
At ilang sandali ay…
 
masaya siya sa akin tumitig sabay sigaw ng:
VALENTINE DE SALES, MAHAL NA MAHAL KITA!
 
Nawindang naman ang lahat kahit si Ma'am.
 
Pero tarantado nga siya at hindi manlang nahiya sa ginawa. Higit pa siyang lumapit sa akin sabay tanong, "Mahal mo rin ba ako?"
 
 
Ayun na, ayaw ko nang palampasina ng pagkakataong ito kaya heto, nilakasan ko na ang loob ko.
"OO!", Ang malakas kong sigaw. "ZACHARIAS AZCONA, MAHAL NA MAHAL KI---"
Hindi ko na naituloy dahil bigla na lamang niyang idinampi yung labi niya sa labi ko at tsaka nagtanong, "So, tayo na officially?"

 
Dear diary, ang saya-saya ko, sa sobrang saya ko ay hindi ko nagawang mag-oo basta tumango lang ako at sinunggaban siya ng malumanay na halik sa labi. Bahala na kung andyan sila ma'am at ang mga kaklase kong naghihiyawan, basta ako mahal ko siya at kailangan ko siyang mayakap ng mahigpit at mahalikan.




 
Dear Diary, Ending na ito. Salamat sa 24/7 free service mo sa pakikinig at pagtatago ng mga sekreto ko. Salamat talaga dahil kung hindi ko nilikha itong Dairy ng Bakla, wala sana akong love story kagaya nila Eya at Dana.
 
Kaya ngayon, quits na kaming tatlo. Achieve ko rin ang ganda nila mga beshie.
 
 

Ang Diary ng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon