9th Entry

464 31 0
                                    

Dear Diary,
 
Alam ko na ang weakness yang si Azcona, ang huwag siyang pansinin.
 
Yeah, nalaman ko yan nung kahapon lang na panay yung pagpapasikat niya sa klase namin na pagsasagot-sagot sa tanong ng guro na kala mo naman si Albert Einstein, eh hindi naman. Though mga tama nga naman talaga yung sagot niya, kaso inabot ako sa mood na huwag siyang pansinin dahil sa ginawa niya sa akin kahapon kaya hayun, I tried my very best dear diary, and believe it or not, hindi niya kinaya na hindi ko siya tingnan ayun nainis at binato ako ng chalk.
 
Yeah, war freak talaga ang gago. So ako naman , bilang taong ayaw na muling ma-bully ay naglaban, kinuha ko lahat ng notebook ko sa bag at isa-isa itong pinagbabato sa kanya. At sa halip na magkapikunan, ay higit pa kaming natuwa at panay sa pagpapatuloy ng pagbabatuhan namin ng kung ano-anong school supplies but not until nung nabato niya ako ng eraser sa blackboard.
 
 
Megad, sa karami-rami ng pwedi niyang patamaan bat mata ko pa.
Ayun tuloy dahil sa black eye na natamo ko, at sa panggugulo daw naming ginawa sa klase at pagsira ng iilang school properties, hayun bisita naman uli ako sa Guidance.
 
Actually natakot na talaga ako kasi yung in-charge ay kulang nalang magtransfrom at maging dragon at kainin ako. Pero salamat at hindi iyun naganap, dahil agad naman kaming napatawad ewan ba, basta yung nakita ko lang na ginawa ni Zach ay ang magpa-cute sa harapan nung in-charge at sa awa ng Diyos, ay napaalis kami ng maaga.
Ang sabi sa akin ng in-charge, isang pagbisita ko na lamang daw sa office niya, paniguradong masu-suspend ako ng two weeks.
 
Huwag naman sana right, Dear Diary? kasi kapag na-suspend ako, hindi ko na makikita yung garapal. Wawa naman ako, kasi hindi na nga kumpleto yung araw ko, hindi pa mabubuo yung pagkatao ko.
 
Yeah, I am falling in love to this gago nang wala manlang warning signs. Huwag sanang masaktan itong babae kong puso.
 

Ang Diary ng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon