13th Entry

449 35 1
                                    


Dear Diary,
 
Wala na akong black eye, at maganda po ang gising ko kasi napanaginipan ko si Zach na siyang prinsepe ko at ako naman daw yung kabayong sinasakyan niya. Hayy naku! Nakontento na siguro talaga ako na ituring yung saliri ko na isang mababang uri ng living creature at sila na mga gwapo at magaganda ay ang superior among living and the dead.
 
Ay oo nga pala, kahapon kami nag-check ng test paper sa math at laking pasalamat ko at nakapasa sa amin si Gago. Actually muntik pa nga siyang mag-highest kasi five mistake siya but syempre, hindi naman sa pagmamayabang dahil nung nakita nila yung papel ko na nawawala daw. Ay nagtataginting na 50 over 50 yung nakuha ko. at sa mga sumunod na subject, ako lagi yung pangsampo sa bagsak.
 
Math, English at Filipino lang yung kaya kong ipagmayabang. Yang science  na yan, sa inyo na yan lalo pa at masakit yung ulo ko dyan sa mga chemistry na yan.
 
Well, sa mga lumipas na araw ay wala kaming ginawa kundi ang magpraktis ng magpraktis para sa play.
 
Napagdesisyunan naming dito na lamang sa bahay ni Ma'am magpraktis kasi baka kung ano na mang sabihin ng section A kapag nakisingit pa kami sa Auditorium.
Actually, nagustuhan ni Ma'am yung konsepto ng play namin na patungkol sa dalawang taong nag-iibigan but after the man knew who really his lover is during night, ay hindi siya nagdalawang isip na iwanan ito.
 
 
Yung main character namin sa kwentong ito ay si Valerie na gagampanan ni Bella na isa sa maganda kong kaklase na bagay na bagay yung character niya sa gagampanan niya, samantalang yung leading man naman ay si Zacharias. Na gagampanan ng gago.
 
Tanong sakin ni Ma'am bakit hindi ko daw binago yung pangalan, ang sagot ko naman, "What's for eh masyadong classical pakinggang yung pangalan niya."
 
Basta, maganda yung play namin at sana maganda rin yung outcome.
 
At isa pa pala Dear Diary, itong si Zach higit nagiging isip bata yung tipong ang rami kong ginagawa tas' siya ang gusto lagi ay inaasikaso ko siya. kahit nalang pati doon sa Dress rehearsal, gusto niya ako yung Personal Assistant niya na taga-bigay ng tubig, taga-punas ng pawis niya, taga-ayos ng damit niya at gamit at gusto niya ako magdala ng mga malalaki niyang bag na puros laman ay custom niya. Sabi pa niya sa akin sa halip na pasalamatan ako aba'y nagwikang, "mabuti at kaya mo pala maging Script wright tas' biglang magiging director tas' biglang P. A ko. Sweet mo talaga, pati ako inaasikaso mo pa!"
 
Ang pagpapasalamat ng hinayupak. Kung alam lang niyang pagod na ako, tas' gusto niya siya pa yung uunahin ko. Hay naku! Pastilan gyud uy!
 
Kung pwede lang itapon sa kanya lahat ng gamit niya kanina ko pa ginawa, kaso kapag maliit lang na bagay na hindi ko sundin, aba'y kulang nalang sirain yung play. Kaya kailangan kong tiisin ang masama niyang pag-uugali hanggang matapos tong play. Kasi sa akin naman mapupunta lahat ng magandang feedback.
 
At isa pa sa napapansin ko, kapag may mga bed scene na kunwaring makikipaghalikan siya ay naiinis siya lalo na kapag titig na titig ako.
 
Hindi ko alam kung menopausal period ba niya ngayon o ano, kasi tinutulugan ko lang nga yung iba naming kaklase na ayusin yung ibang back drafts aba'y nagagalit siya. Parang asong ulol na gusto bugbugin lahat ng kaklase naming lalapit sa akin kahit babae. Kaya ako naman tuloy ay parang outcast kasi walang gustong kumausap o lumapit sa akin.
 
Hay nakung buhay na ito. masayadong suicidal!

Ang Diary ng BaklaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora