1st Entry

1.2K 37 0
                                    

Dear diary,

 
Akala ko sa kapitbahay lang namin merong gender discrimination pati rin pala dito sa school na nalipatan ko, meron rin kaso mas malala dito.

 
Yung tipong parang hindi naturuan ng magandang pag-uugali yung mga estudyante na akala mo ay nanirahan ng matagal na panahon sa jungle kaya pati ugali ng mga animal roon aba'y parang na-adapt.

 
Yeah, alam kong mayayaman sila, e mayaman rin kami ah, but I never boast to anyone or look-down upon those students who're lower than me in terms of richness.

Pero sila, may gad.
Ang aarte, yung tipong humawak lang sa kapwa kaklase ay maga-alcohol na. Tapos kung maka-english parang hindi Filipino Subject.

 
 
At tulad ng mga napapanood ko, pagkapasok ko pa lamang bilang new transferee student aba'y hindi talaga silang nagdalawang isip na kutyain akong:
BAKLA!
BAKLA!
 
 

Ako naman ay napalingon sa unang kumutya sa akin, then I realize, sayang yung pagkagwapo niya dahil higit na pinangibabawan siya ng kanyang boorish arrogance. Isama mo pa yang mga kaklase niyang nakisabayan rin sa pagtukso.

 
"Mr. De Sales you may take your sit near to Mr. Azcona", ang utos ng teacher sabay turo doon sa lalaking lakas ng confidence kung maka-bully ng kapwa.

Kung tunay lang akong lalaki, kanina ko pa ito niyaya ng suntukan pero sorry siya dahil isa akong Maria Clara kaya in the middle of my distress having them near within my radius, kailangan kong magpakadalagita, bahala na kung anong isipin nila.

 
Well, as the first day of school continues, sinubukan ko naman yung best ko na magsasasagot para kunwaring genius rin ako kahit yung teacher namin ay kulang nalang hindi na ako tawagin dahil mali-mali naman yung mga sagot ko.

 
Hindi ko na pinansin yung mga garapal na kaklase ko, alam ko naman kasing masasawa rin silang kakatukso sa akin lalo na kapag hindi ko na sila pinansin.

 
Pero honestly speaking my dear diary, kahit anong pilitin kong idisiplina itong dalawa kong mga mata, aba'y hindi ko mapigilang hindi panoorin itong si Mr. Azcona sa kanyang mga nonsensical act of vandalizing sa kanyang upuan tapos doon niya isinulat sa kanyang armchair ang katagang: BAKLA!

 
Tapos ngumisi ng nakakainsulto sabay buka ng bibig ng BAKLA KA!

 
Gwapo na sana. Makinis yung balat. Maputi at merong magandang pangangatawan, but trust me, aanhin ko naman yung maganda niyang kaanyuan kung yung internalities niya ay daig pa yung nabubulok na daga na inoood: uma-attitude rin eh.
 

At yeah, natapos yung buong araw ko na tampulan ako ng tukso sa pangunguna ni Mr. Azcona. Wala naman akong ginagawang masama, ewan ko ba kung bakit tila yatang may galit ito sa mga bakla eh.

 
Tapos bago ako tuluyang lumabas ng gate aba'y sumigaw ng: INGAT ANG MGA BAKLA! MA-GANG RAPE SANA KAYO!
 

Aba'y hindi ko talaga siya nilingon. Naiinis ako:
AAAArrrrrrrghgggg!!!!!

Curse him to the darkest abyss of Tartarus!

Ang Diary ng BaklaWhere stories live. Discover now