14th Entry

456 38 0
                                    


Dear diary,
 
Play na namin ngayon, at natapos na rin yung mala-fairytale na play ng section A na puro naman kabaduyan at kaeng-engan. Akalain mong ang prinsepi ay ginawang jelly fish, sa karami-rami ng pwede nilang ipalit sa frog ba't jelly fish pa? eh sinong magtatangkang magtanggal ng curse sa prince kung makakatihan ka naman kapag dinikit mo yung nguso mo doon?
 
Diba, mga sunga lang?
 
 
Pero infairness, ang prince nila aba'y pagkagwapo-gwapo. Actually , nung nagtapos na nga ang play ay nagtangka akong magpa-picture kaso ewan ba at bigla na lamang akong niyakap ni Zach suot yung tuxedo niya, sabay sabing, "Babe wag ka nang magpa-picture sa pangit. Mas gwapo naman ako dyan?"
 
Magre-react pa sana ako kaso inilayo niya na ako sa lalaki sabay sabing, "Kapag nakita kitang lalapit-lapit doon sa lalaking iyun, tatanggalan ko talaga iyun ng ngipin."
 
So ako naman, hindi na nga! Tas' sabi niya, "Segi na pumapayag na akong magpa-picture kasama ka"
 
 
Aba't ako naman ay napalingon, does he know what is he talking about o sadyang may sayad lang siya? as if naman sa kanya ako magpapa-picture eh sawang-sawa na nga ko sa kanyang pagmumukha.
 
But at the end ay wala akong nagawa dahil nag-smile na siya sabay tulak sa ulo ko palapit sa dibdib niya then nagulat na lamang ako ng may nagflash na.
Yung gago nag-selfie, dinamay pa ako.
Ako tuloy ay hindi nakahanda. Bahala na kung pangit ako don.
 
Then, nagsimula na yung play namin. Mula sa madilim na stage ay biglang nagka-ilaw ng biglang pumasok si Valerie, na nakasuot lamang ng maiksing short at maiksing damit habang nagsasayaw sa club. Dito ipapakita ang buhay at kung ano si Valerie tuwing gabi, at kapag umaga naman ay biglang nagiging tagalako ng bibingka't puto.
Ganun, yung buhay niya, paulit-ulit nalang.
 
Actually sa first scene, agaw eksena na dahil sa hot dance na ginawa ni Valerie na parang totoo ngang pokpok sa club kung makasayaw sa poste. Lahat ng mga lalaki ay biglang napanganga.
 
Scene two, ay naglalako siya ng bibingka ng bigla siyang natumba at tinulungan ng isang lalaki na si Zacharias (yung gago), tapos nagkahulugan sila sa mga lumipas na araw na laging magkasama. Lalo pa at mayaman dito si Zacharias kaya araw-araw ay lagi itong may dalang rosas at tsokolate para sa minamahal na babae. At doon ay dahil nagkahulugan na sila ay nangako sila sa isa't isa na kapwa sila magmamahalan.
 
Scene three, ay nagpakita ng minsan niyaya si Zacharias ng kanyang mga barkada na magsaya at tumungong night club at doon ay nakita niya ang kanyang dating ipinagmamayabang na girlfriend na kanyang mga kaibigan noong mga lumipas na araw, na kasalukuyang sumasayaw sa harapan nila na kulang nalang ay maghubad.
 
Agad naman siya nakita ni Valerie at sinundan kaso galit talaga si Zach at ikinahiya siya at ipinagtabuyan. Hanggang sa hindi na si Valerie sinipot ng lalaking minamahal.
 
Tapos nagbreak muna kami, for a while, kasi meron kaming entertainment segment para naman maka-prepare ang mga karakter sa susunod na scene. Nagalit pa nga yung iba kasi sabi nila, maganda na daw bakit pa daw naputol, pero so far nag-eenjoy naman sila kasi sa entertainment na puro kalokohan na ginagampanan ng mga kaklase naming komedyante sa pagpapatawa.
 
Magsisimula na sana yung next scene nang biglang may nagsabi sa akin na, "Val si Bella hindi namin makita", ang nag-aalalang sabi ng mga kaklase ko.
 
"Ano? Hinanap niyo na ba kung saan?", ang kinakabahan kong tanong, bawal kasing hindi matuloy yung pinaghirapan naming play.
 
"Oo. Hinanap na namin kung saan. Pumasok na nga kaming ladies room kahit alam naming sasambunutan kami doon ng mga chicks."
 
Ako naman ay kinakabahan. Though meron akong ideya pero ayokong i-share not until na dumating si Zach na kakagaling rin lang hanapin si Bella, "ititigil natin yung play o si Val yung gaganap na Valerie", ang seryoso niyang suhesyon.
 
 
Pumayag naman ang mga kaklase ko kasi para na ito sa Pre-final at final na grade kaya sayang naman kung hindi matatapos samantalang ako naman ay napatanong, "E bakit ako, marami naman diyan ibang totoong babae bakit ako pa?"
 
"Malamang kasi ikaw lang yung nakakaalam ng takbo ng kwento maging ng script", ang pagpapaliwang ni Zach.
 
"E ayaw ko nga", ang pamimilit ko pero wala na akong nagawa nang agad na akong nilagyan ng make-up ng mga kaklase kong babae at inayusan.
 
Ayokong mabuko nila ang sekreto ko, na may hidden beauty pala ako. Pero wala na dahil na-realize na nila nung magsabi ang mga kaklase ko na, "Alam mo ang ganda mo pala kapag naaayusan ka. Para ka yung si Francesca Glitters na sikat sa social media"
 
"Oo nga", ang singit naman ng isa kong kaklase. "Teka suotan ka lang namin ng-". Tas' sinuotan na nila ako ng maiksing damit at maiksing short at brown boots sabay lagay ng wig sa ulo ko.
"Girl, magkaano-ano kayo ni Francesca Glitters at magkahawig kayo?", ang sabay-sabay na tanong ng mga kaklase kong babae na nakatitig sa akin na kulang nalang ay matulala forever. But time is moving on, at kailangan nang simulang yung next scene.
 
Dear Diary, i-cheer mo naman ako.
 
Kinakabahan ako. Hinga lang Val. Kaya mo ito!
 

Ang Diary ng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon