3rd Entry

700 31 1
                                    

Dear Diary,

 
Bukod sa hinabol ako ng aso ng kapitbahay namin, ay late na akong nakapasok sa first subject ko.
"Why are you late Mr. De Sales?", ang tanong ng guro ko na parang si Mrs. Puff sa sobrang taba.

 
 
"Sorry po Ma'am", ang agad kong paghingi ng dispensa. "Yung aso po kasi ng kapitbahay namin ay walang magawa sa buhay niya ayun nakipag-amazing race sa akin papunta ditong school mabuti na lamang po at hindi siya pinapasok ng guard kasi po kung magkaganon, baka mala-Olympic games na yung dating ng karera namin."
 

 
"Are you kidding me?"
"Ma'am masyado ka na po matanda para sa mga kidding-kidding na ganyan", ang mahinahon kong sagot tapos ilang minuto agad niya akong sinigawan ng, "Get out! You uneducated Filipino!"

 
 
Bakit naman ako naging uneducated Filipino, sinagot ko naman siya sa abot ng makakaya ko.
Bakit siya ganun, nakapa-judmental naman ni Mrs. Puff.

 
 
Naglalakad na ako sa hallway ng makita ko si Zach na nakatayo habang nasa kabilang braso niya nakasaklay yung bag niya. Niyuko ko naman yung ulo ko sa pag-asang hindi niya ako makikilala o makikita o mapapansin but I was wrong dear diary, dahil ngumisi siya sabay sabing, "Akala mo ba makakatakas ka sa akin?"

 
"E bakit naman kita tatakasan? May atraso ba ako sa iyo?", ang sagot ko sa kanyang tanong habang dahan-dahang naghahakbang palayo sa kanya, kasi ang plano ko kapag nakahanap na ako ng pagkakataong makalayo sa kanya ay tatakbo na ako ng mabilis, pero megad. Ang galing niya dahil agad niyang nabasa yung plano ko kaya agad niya akong tinakot, "Pagnagtangka kang tumakas bubugbugin kita ngayon at itatapon kita simula third floor papuntang ground floor."

 
Aba'y ako naman ay pinangunahan ng pagkakaroon ko ng bahag na buntot at agad nasindak sa pananakot ng gago. Knowing him na kamakailan lang ay nakipagbugbugan sa mga barkada, kaya wala naman sigurong masama kung magpapakauto-uto muna ako sa kanya, right?

 
Tapos tinanong niya ako, "Bakit hindi ka pumasok sa first subject natin?"

"E ikaw bakit hindi ka pumasok?", ang pangbabara ko sa kanya. Kasi naman baka pagtawanan ako nito bigla kapag sinabi kong nakipaglaro ako sa aso ng kapitbahay namin ng habol-habulan.

 
 
Tapos matalim niya akong tinignan. Yung tipong kulang nalang makasugat na nagsasabi sa akin na,
kapag hindi mo ako sinagot ng matino, ikaw ang sunod na paglalamayan.

 
 
So hayun, wala na akong nagawa kundi ang ikwento sa kanya yung race with the dog experience ko. At tulad ng inaasahan halos mamatay-matay siya kakatawa.

"Mukha ka kasing galang aso", ang pang-iinsulto niya. "Pangit ka na nga, bakla ka pa!", tapos ayun humagapak kakatawa.

 
Anong connect ng pagiging pangit ko sa pagiging bakla ko?

Bakit pati ba aso galit rin sa mga bakla?

Kasi kung ganun, aba'y ipapakatay ko sila isa-isa.

 
 
Samantalang ako, tinatanong ko yung sarili ko, kailan ako ng gago nito tatantanan?

 
Sa first subject namin, nagpapasalamat ako na na-late ako ng pasok at nasabihang get-out dahil kung hindi, hindi ko makikita yung isip-batang pagkatao ni Zach, yung tipong tumungo kaming canteen tapos tinakot niya ako na kapag hindi ko siya nilibre ay reregaluhan niya ako ng black-eye.
 
 

So ayun, wala akong nagawa kundi ubusin itong isang daan kong baon kakabili ng mga lollipop, candies at chips na gusto niya.

 
Tapos sa table, aba'y ang swapang, hindi manlang ako inalok ng chips o tinanong kong nagugutom ba ako. Basta siya, masayang-masaya habang pinapakpak lahat ng snacks sa table.

 
Hindi lang pala siya isip-bata, patay-gutom rin pala, dear Diary.

Ang Diary ng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon