11th Entry

459 32 0
                                    


Dear Diary,
 
As I am writing the script for our play kasi nung last week pa ito pinapapasa sa akin ni Ma'am na mabuti na kamo at napaniwala ko siya sa dahilan kong," Marami po kasi kaming kailangang ipasa na requirements na may sunod-sunod na deadline kaya po hindi ko agad nagawa."
 
So far, andito ako sa table ng canteen kasama ko si Azcona na kasalukuyang bumibili ng makakain namin. Sinabay na kasi namin itong review namin sa math at pagsusulat ko ng script dito. pumayag naman siya, tas' nagpaalam na siya naman daw manlilibre sa akin.
 
While doing the writings, ay biglang may bumuhos ng juice sa buhok ko.
yeah, totally juice yung nasa baso pa and not to mention the flavor but it is pineapple.
Agad akong napatayo at napaatras nang makita ko yung babae na bumuhos sa akin.
 
She really looks so beautiful, makinis yung balat tas' makintad at mahaba yung itim nyang buhok. Nakataas yung kilay niya sabay sabing, "Layuan mo si Zach. At hindi dahil nilibre ka niya ngayon, ay may gusto siya sa iyo. Malay mo, naaawa lang siya sa iyo kasi para kang basang sisiw", tapos paalis na sana yung girl nang dugtungan pa niya ng, "By the way, I am Veronica Glitters, Zach's girlfriend."
 
Dalawang bagay yung hindi ko ma-gets, una, matagal ko nang nais layuan itong si Zach pero yung gago naman yung lapit ng lapit sa akin. Kapag, nilalayuan ko ay agad naman akong pinagbibintangan, so sinong hindi matatakot.
 
Pangalawa, bakit Glitters yung apelyedo niya eh hindi naman siya kumikinang, for the fact that, para siyang tanso na naubusan ng kinang. Siguro kung mag-crosse dress lang ako ngayon as Francesca Glitters, siguro pati siya ligwak sa ganda ko. Pero sorry siya, hindi isang tulad niya ang makakapagpalabas ng kagandahan ko because I am preparing Francesca as my only and last ace.
 
At yung gago, dumating sabay tanong nang, "Kung sinabi mo palang hindi mo iniinom ang juice at nililigo mo dapat nagpabili na lang ako ng isang container"
 
Kita mo na. Hindi ko alam kung nang-aasar o nanggood time yung gago, obviuos naman siguro nuh, na nabuhusan ako ng juice tas' iisipin niya na nililigo ko yung juice. My gad, asan na yung utak niya?
 
Anyways, ngumiti na lamang ako at nagpunas ng tissue. Nagtanong pa nga siya kung bakit ko raw niligo yung juice, ang sagot ko naman, "Wala lang. Sinubukan ko lang kung totoo ngang nakaka-refresh ang pagligo sa juice".
 
 
Aba'y hindi ko naman inaakala na macu-curious yung gago, kaya hayun sinubukang iligo yung juice na walang pagdadalawang-isip samantalang ako naman panay ang halakhak. Pero siya tuwang-tuwa na parang bata sabay sabing, "Totoo nga. Na-refresh ako!"
 
Wala na. wala na. wala nang utak si Zach! hahahaha

Ang Diary ng BaklaWhere stories live. Discover now