6th Entry

512 33 0
                                    


Dear Diary,
 
Hindi ko alam pero naging bulong-bulungan sa school namin yung post ni Zach sa kanyang fb tungkol doon na babaeng nakatalikod. At kinonfrim niya talaga na babae iyun. Ako tuloy, kaka-assume ay kulang nalang hilingin sa kalupaan na kainin akong buhay dahil kasalukuyan siyang humahagapak kakatawa matapos kung magtanong kung sino yung babaeng nakatalikod sa post niya.
Ang sabi kasi niya, "Hindi mo kilala yun? Ikaw kaya iyun."
Ako naman ay na-fluttered at naniwala ng bigla niyang dagdagan na, "Ay malayong maging ikaw yun. Bakla ka pa, tapos yung ginamit ko doon ay she, malamang hindi ikaw yun. Amputa biglang nagblush yung pisngi ng bakla." tas ayun, tumawa na.
 
Anong kasalanan ko kung mag-blush ako sa paniniwalang may pag-asa na ako yung nakagtalikod sa pic niya? Masama bang mag-assume? At isa pa, sinigurado ko naman ah, kaya nga ako nagtanong sa kanya eh.
Sadya lang talagang may tupak tong gago. Megad!
 
 
Ako naman ay napatahimik, kawawa ko naman.

 
Mabuti at bigla naman siyang napatahimik nang dumating yung guro namin sa Filipino. "Okay class!", ang malakas niyang sigaw. "Gusto ko sana na sa darating na Pre-Final ay magperform kayo ng isang play. Okay?"
"Ikaw Valentine", ang pagtawag sa akin ni Ma'am. "Ikaw ang gusto kong gumawa ng script kasi batid kong ang galing mong gumawa ng mga piraso ng literatura. I really like your works, lalo na at nalaman kong isa ka pala dating writer sa school journalism niyo, ay mas lalo kitang nagustuhan. Kaya sa darating na buwan, ipamukha mo sa Section A na mas better yung play niyo kasi sila akala mo ang gagaling na, eh ang papangit naman ng mga ginawang sulatin."

 
Ako namay ay hindi ko alam ang isasagot ko, basta nakita ko lang si Zach na nakangisi sabay utos sa akin ng, "Mag-oo ka na."
 

"Ano maaasahan ba kita?", ang tanong ng guro namin.

 
"Ma'am kasi po---", hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi bigla na lamang akong inakbayan ni Zach na akala mo naman ay magtropa kami kasi kung makagulo ng buhok ko ay parang close kami.

 
Tas' ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sabay sabing, "Oo daw ma'am ang sagot ni Val. Tapos ako daw yung leading man."
Ako naman ay nagtataka pero binigyan ito ng linaw ni ma'am, "Ay oo nga pala Valentine. Ito kasi si Mr. Azcona ay ang best actor ng last year matapos manalo sa search for young actor 2018. kaya higit magiging maganda yung play kasi may magaling na writer at meron pang magaling na aktor, ang kailangan niyo na lamang ay maghanap ng iba pang karakter. Kaya Valenine kung pwede sa Friday ibigay mo na sa akin yung draft ng play niyo."
 

 
"Segi po ma'am bigay na lang sa iyo ni Valentine", aba'y siya ba si Valentine? At siya yung sumagot.

 
Tapos nang makalabas na si ma'am ay agad niya na akong itinulak palayo sa kanya sabay sabing, "Alam mo na, kailangan mong galingan yung flow ng play bilang writer, kasi ako isa akong demanding na aktor. Paghindi ko yan nagustuhan ay ipapatapon ko iyan sa basurahan, kuha mo bakla?"

 
Wala na lamang akong nasabi at napabuntong hininga. Makakaya ko bang maging playwright?

Ang Diary ng BaklaWhere stories live. Discover now