15th Entry

482 33 0
                                    


Dear Diary,
 
Fourth Scene:
Pumasok na ako sa stage, at nakita ko ang liwanag ng spotlight na siyang nakatutok sa akin. Rinig na bulung-bulungan ng mga manonood ay: bakit andito si Francesca Glitters?
 
 
Rinig ko pa doon sa hindi kalayuan na: totoo pala siya. sabi sa comments hindi daw totoo siya.
"Pre ang ganda pala niya sa personal."
"Oo nga pre. Mas hot pa siya sa kanyang mga post."
 
Agad ko nang nilingon si Zach na nakatulala at nakatitig sa akin. Hindi ko alam pero bigla ko na lamang siyang nilapitan at tsaka sinampal ng pagkalakas-lakas. Actually wala yun sa script na sinulat ko, galit lang talaga ako sa kanya at ngayon ko iyun ibubuhos.
 
"Bakit mo ako sinampal?!", ang naiinis at nagtataka niyang tanong.
"Matapos mo akong talikuran at ikahiya nang malaman mong isa akong mananayaw ng club, ngayon limot ka na sa akin?", well, wala na yun sa script. Impromtu na kumbaga pero I am making sure na nasa flow parin kami. "After four years na iniyakan kita tapos ikaw wala lang sa iyo. Anong klaseng lalaki ka?! Sagot! Sagot!", yung malakas kong sigaw na naiiyak habang pinagpapalo-palo siya sa kanyang dibdib.
 
"Pasyensya na pero naduwag ako noon", ang simple niyang pagpapatigil sa akin at tsaka binigyan ako ng yakap.
 
"Gago ka, garapal ka tarantado ka!", yun yung sunod-sunod kong panunumbat sa kanya. "I thought love conquers all sabi mo dati sa akin Zach. Pero nalaman ko na lamang na tumungo ka na pala sa States at hindi manlang nilinaw, kung may TAYO pa ba. Lhat ba ng lalaki tarantado, gago at garapal? Yung may nakita lang na bagay na ikatu-turn off nila ay hindi na magpapakita ng walang formal break up?"
 
"Patawarin mo ako. At maniwala ka sa akin dahil hanggang ngayon mahal parin kita", yun yung linya niyang binitiwan, na dapat wakas na pero ewan ko ba kung bakit hinalikan pa niya ako in real. Sa harap ng lahat, at kinabahan talaga ako. Pero natagpuan ko na lamang ang sarili ko na kahalikan siya. Pero agad ko nang itinigil ang kahibangang ito, "Yun na ang huli nating pagkikita. Isang huling halik sa dating minamahal. paalam", at inumpisahan ko na ang paglalakad palayo sa kanya.
 
At narinig ko na lamang ang iyakan ng iilan. Pero akala ko yung kwento yung iniiyakan ng ibang manonood kundi yung, "Bakit si Zach pa ang nakahalik kay Francesca, eh crush ko rin yun eh."
At nang narating ko na ang backstage ay laking tuwa ng mga kaklase ko at nagpa-picture sila sa akin sabay puri na maganda daw ako.
 
Syempre mga beshie, na-fluttered ako at nag-thank you!
 
Dear diary, nagtapos ang araw na ito na maganda yung mood ko, dahil bilang pasasalamat sa akin ng gago ay naki-overnight Siya sa bahay namin, I mean natin pala. Tapos take note; tinabihan niya ako sa kama at natulog na naka-boxer lang.
 
At tulad ng inaasahan ko, meron nang makamundong naganap pero to clarify things ha, hindi ako nagpapasok ng pagkalalaki niya. Ang sabi kasi niya kong ayaw ko daw ay wala siyang magagawa kaya hayun, puro lang kami halikan. Halikan to the max.
 
Dalawa yung wish ko:
 
Una, sana hindi na magtapos ang gabing ito.

At pangalawa, if ever na magtapos nga, sana tuloy-tuloy na ito.

Ang Diary ng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon