8th Entry

474 31 0
                                    


Dear Diary,

 
Hindi ko ba alam kung totoo yung naganap na paghalik niya sa akin o nage-imagine na naman ako.

 
Alam mo bang ang bagay na iyun yung dahilan kung bakit kasalukuyan akong naglalakad na tulala dito sa corridor. Para akong zombie sa laki ng eyebags ko, isama mo na ang pamumutla ng balat ko dahil sa hindi nakakain at nakainom ng tama, eh paanong hindi ako magkakaganito, ikaw kaya, gapusin yung kamay mo ng gwapong lalaki na kinaiinisan mo tas' bigla kang hahalikan, sinong hindi magiging zombie bigla?
 
 
As I already entered inside our classroom ay agad nagulat ang mga kaklase ko kasi akala nila zombie. May isa pa nga akong kaklase na tumalon sa bintana sa pag-aakalang nagsimula nang ma-invade ng zombies yung mundo. But then, they stopped when they realized na ako lang pala iyun.

 
Kaya agad naman akong tinanong ni Ma'am, "Zombie este Mr. De Sales, are you okay? Gusto mo bang uminom ng antidote para mawala ang pagka-zombie mo ngayong araw?"

 
Ako naman ay matamlay na tinungo ang upuan sabay pangalumbaba. Not until someone throw a piece of paper on me. Agad ko naman tinignan kung sino yung bumato at nakita ko siya, yung lalaking gumawa sa akin ng pagkalito sa isipan. Andito siya sa katabi ko, nakangiti ng matamis sabay sabing, : Buksan mo yung papel at basahin mo kung anong nakasulat.

 
Ako naman bilang isang dakilang sunga ay sinunod yung gusto niya pero ng binuksan ko na, wala akong makitang iba kundi yung piraso ng bubble gum na nginuya niya. Tapos siya biglang sumigaw ng, "Ma'am si Valentine po pala yung naglalagay ng gum kung saan-saan"

 
 
Samantalang ako naman ay binuhusan ng malamig na tubig at biglang nagising sa katotohanan, "Seriously?"

 
Defenseless mga beshie. Wala akong nagawa kundi ang tumungo sa Guidance Office, at ayaw akong palabasin nung in-charge hangga't hindi ko inaako yung kasalanang hindi ko naman ginawa. So, hayun. Inako ko na lamang nang matapos na.

 
 
Basta yung lesson: huwag magpapadala sa karisma ng Azcona na yan.

Ang Diary ng BaklaWhere stories live. Discover now