4th Entry

597 34 0
                                    

Dear diary,

 
"Mr. De Sales!", ang pagtawag ng guro sa pangalan ko, na siyang ikinalingon sa akin ng lahat ng kaklase ko. At ako naman ay napatayo sabay tanong, "Ano ho sir?"
 

 
"Alam mo Mr. De Sales, pansin ko na magaling ka sa math", ang pagpupuna niya sa mga scores ko sa kanyang mga quizes.

Well, sunod-sunod kasing perfect at one mistake yung nakukuha ko sa kanya.

Not to brag pero love ko lang yung math, kaya sa subject lang na ito ako nage-excel.

 
 
"Thank you po sir!", ang sabi kong ganyan tapos uupo na sana ako ng bigla siyang nagwika. "Gusto kong turuan mo si Mr. Azcona. Kasi sa mga quizes ko, kung ikaw ay sunod-sunod ang pagkapasa, siya naman ay sunod-sunod ang pagkabagsak, teka. Asan ba ngayon yun?

 
Magdadalawang-araw na kasi na hindi pumapasok sa eskwelahan si Zach kaya ako naman, hindi naman sa nami-miss ko siya, pero masasabi kong parang hindi kumpleto yung araw ko na hindi ko naririnig yung mga pang-iinsulto niya sa akin.

 
After class namin sa araw na ito, agad na akong umuwi ng bahay, sabay higa sa kama at nagfacebook.


 
Well, hindi ko hilig gamitin yung offical kong account dahil prefer kong gamitin yung fake account ko bilang si Francesca Glitters. Yeah, isa  sa mga sekreto ko kasi ay ang pagco-cross dress ko.


 
Wala lang hilig ko lang kasi yung pagsuot ng mga damit at gamit pambabae kasi higit kong nafe-feel na babae ako lalo na kapag total make-over yung ginagawa sa akin.


 
At isa pa Dear Diary, may sarili kasi akong make-up artist, hair stylist at dress maker. Yung tatlo kong pinsan na bakla na nasa ibang bansa pa at nag-aaral. Tuwing uuwi kasi sila ay may dala silang mga pambabaeng damit para sa akin, at dahil dito sa bahay ay dalawa lang kami; ako at si yaya ay ginagawa na nila lahat ng pwede nilang gawin upang ilabas ang babaeng gandang itinatago ko. That is the reason kung bakit mahaba yung buhok ko, because my cousins told me na huwag ko raw ito ipaputol kung ayaw kong mamatay ng maaga.

 
Agad na akong nakipag-VC sa mga pinsan ko ng kung ano-anong mga bagay at nakakamiss ang ganito naming mga usapan. Actually, umabot ng dalawa't kalahating oras bago tuluyang matapos yung video call naming apat at natapos nga sa isang halakhak.

 
But things change when I switched my account into Valentine De Sales (Official account), dahil nakita ko yung friend request sa akin ni Zach. Ayaw ko sanang i-accept pero tinakot naman niya ako through messenger na kapag hindi ko raw ginawang i-accept siya ay sisirain daw niya ang social reputation ko sa social media gamit yung mga pictures ko na stolen shots niya.


 
Dear Diary, Mabuti sana kung maganda naman ako doon, e saktong haggard ako don at pangit, so hayun, wala akong magawa kundi i-accept yung friend request niya. In the very first place, hindi naman ako mamamatay right kapag in-accept ko siya. At para narin ito sa ikakaganda ng profile picture ko at mga post na puros edited.


 
Akala ko hanggang sa pag-accept lang, hindi ko inaakalang inutusan pa niya ako na i-like ko raw lahat ng mga post niya. Ayun, wala akong ulit magawa kundi sundin yung pinag-uutos niya.

 
As I reviewied all of his posts doon ko nalaman na nag-out of town pala sila ng pamilya niya sa isang resort.

Sana naman forever na siya doon nang sa ganon, muli ko naman mararamdaman ang bully-free kahit one day extension lang please.


 
At hindi ko ma-gets kung bakit kailangan ko pang i-like, e kung tutuusin halos ay umabot ng one mllion likes itong gagong ito, dahil sa sobrang pagka-photogenic ng garapal. Megad, ang gwapo niya no wonder kung bakit marami siyang likers. Napaisip tuloy ako kung ipinamumukha niya lang sa akin na mas famous siya kaysa sa akin.
O segi na. aaminin ko na, PEYMUS YUNG GAGO!

 
Eh famous naman ako ah, kaso sa account lang ni Francesca Glitters, hanggang doon lang.
As I manually liked each of his pics, isa sa mga post niya yung umagaw ng atensyon ko.


 
Yung selfie niya sa canteen kasama yung mga foods na inilibre ko sa kanya tapos ako nakatalikod. Well, hindi ko sure kung ako nga iyun kasi parang babae naman talaga pero may kutob ako na ako iyun kasi ako manlang yung kasama niya sa mesang iyan nung nagpalibre siya.


 
Pero alam mo dear diary, hiling ko talaga sana ako yung nakatalikod sa picture na iyun at hindi lang sa kutob, kasi yung caption niya don ay:

I am starting to fall in love to the girl behind me.

Ang Diary ng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon