10th Entry

461 29 0
                                    


Dear Diary,
 
Hindi ko alam KUNG BAKIT pero tumungo sa araw na ito si Zach sa bahay ko.

 
Sa totoong usapan ay hindi ko siya ini-expect na pupunta rito. Tas' pagkapasok nga niya ay agad niyang kinuha yung first aid kit at ginamot itong black eye ko. well, hindi ko naman siya masisisi kasi nag-enjoy naman ako sa batuhan namin kahapon ng gamit.

And this time, nakita ko yung side niya as thoughtful living creature na akala ko ay hindi na nag-exist sa biology yung gago na biglang naging maalalahanin.

 
Alam mo dear diary, tahimik lang siya habang ginagamot niya yung pasa ko. Tapos doon ko naman muling nakita yung pagmumukha niya. Yung mukhang nag-aaalala tapos seryoso. Ang galing nga at higit siyang gumagwapo diyan. Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking ito, yung tipong gagawa ng bagay na ikakpahamak ko tas' at the end of the day ay siya rin lang naman pala yung tutulong sa akin.

 
Minsan napapaisip ako, nakahithit ba ang lalaking ito? bakit siya ganyan. I never oblige him to do things like this but still he's doing it out of his own initiative.

 
Tapos nang nagamot niya na ako ay aalis na sana siya pero hindi ko ba alam kung bakit ko siya niyayang mag: "Gusto mong manuod ng Netflix? May popcorn ako sa kitchen."

 
I don't know what's with me, at hindi ko rin alam kung anong dahilan niya kung bakit siya pumayag sa alok ko after he simply said, "Yes".
 

So hayun, siya yung nag-prepare ng popcorn at ako nama yung ang set-up ng sala, yung sofa ay nilagyan ko ng maraming unan at blanket sabay turn-on ng T.V.

 
Isa sa nakaka-bored na bagay sa mundo ay ang manirahan sa malaking bahay na bato na mag-isa at walang kasama. Yet, kung isang Zach na habulin ng mga babae ang makakasama mo sa batong bahay na ito, trust me, mas pipiliin mo na lamang na ma-lock dito forever nang sa ganun ay magkasama pa kayo ng matagal.

 
And we enjoy our short evening watching movies together, with me lying on his chest. While him, embracing me tightly as if I didn't noticed it at all. Especially that, there are moments I caught him staring at me, and me doing the same thing to him.

 
Yeah, it sounds like a stupid childish game, but who cares, I am enjoying this game lalo na at siya ang kalaro ko.

Dear Diary, kinikilig ako. Wag ko na lamang kaya siya pauwiin, what do you think?

Ang Diary ng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon