"Uhh...hello." alanganing bati niya sa akin.

Itinaas ko ang kamay ko at kumaway ng bahagya. "Hello! Marami pa bang katulad mo sa lugar na 'to? Kanina pa kasi ako nagbibilang at nakakarami na ang mga mata ko eh. May papel at ballpen ka ba?"

Sunod-sunod siyang napakurap na para bang hindi niya magawang ma-proseso ang sunod-sunod na sinabi ko. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero walang lumabas na kahit na ano 'ron. Nanatili akong nakatingin sa kaniya at naghihintay sa gagawin niya pero nang hindi pa rin siya kumilos ay muli akong kumaway sa direksyon niya.

Napapitlag siya sa ginawa ko at para bang walang kontrol sa katawan na lumapit siya sa isang bahagi ng lugar at may kinuha do'n. Pagkaraan ay naglakad siya palapit sa akin at huminto siya sa tapat ko. Nag-aalangang inabot niya sakin iyon at nakangiting kinuha ko naman ang notepad na may tatak pa ng Dagger Security and Investigation.

"Ballpen meron?" tanong ko at inilahad ko ang kamay ko.

Nahihiwagahang may kinuha siya sa bulsa ng suot niyang suit at inabot sa akin ang hinihingi ko. Kinuha ko sa kaniya iyon at binigyan ko pa siya ng thumbs up bago ko itinuon ang atensyon ko sa notepad at nagsimulang magsulat.

Inilista ko ang mga naaalala ng utak ko na deskripsyon ng mga lalaking pinagpala ang mga mata ko kanina dahil sa pagdaan-daan nila.

Ngingiti-ngiting pinagpatuloy ko ang pagsusulat ko kahit pa nararamdaman ko ang tingin sa akin ng lalaking nakatayo pa rin sa harapan ko. Hindi ako pwedeng magsayang ng oras dahil baka ito na ang sign na pwede na akong magsulat ng romance. Isang bagay na hindi ko magawa-gawa noon. I need to venture out dahil kailangan ko ng back-up incase mapulbos na ang career ko sa pagsusulat sa genre ko ngayon. Anak naman kasi ng tutubing kapatid ni Jabee ang killer na 'yon. Lagi naman kasing nakalagay sa mga libro ko na pawang kathang-isip at hindi maaaring gawin sa totoong buhay ang mga nababasa roon. Saka sino bang matinong tao ang gagawa ng gano'ng mga bagay? Sinong makakaatim na gawin iyon sa totoong taong may pakiramdam at may pamilyang naghihintay?

I write gory stuff because I love playing with words. More than the other genre I tried, gore descriptions requires ton of imagination and play of creative words. Pakiramdam ko may challenge sa sinusulat ko at hindi ako naiinip. Gano'n pa man ay lagi kong sinisiguro na ang wakas ng mga sinusulat ko ay mag-iiwan ng tamang konklusyon.

Though my books are written mostly with the point of view of the killer, it doesn't mean that I'm portraying what he's doing to be right. Dahil sa pagtatapos ng mga libro ko ay laging nareresolba ang mga pangyayari sa paraan na mapupuksa ang kasamaan na dulot ng partikular na karakter.

"M-Miss, ano 'yang ginagawa mo?"

Saglit na nilagay ko ang hintuturo ko sa tapat ng ilong ko bago muling nagsulat. "Wag ka munang magulo diyan. Sinusulat ko pa ang mga inspirasyon ko. 'Wag kang mag-alala kasi isasama kita sa mga magiging future characters ko."

"By any chance, are you Lucienne Simons?"

Napaangat ako ng tingin sa narinig kong pagsasalita ng lalaki. Hindi pa rin kasi talaga ako sanay na may bumabanggit ng totoo kong pangalan. Ang tagal na panahon ko na rin kasing nakakubli sa likod ni Lush Fox. "Oo. Ako nga."

Sa pagkagulat ko ay bila na lang niyang hinablot sa akin ang papel na sinusulatan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang tangka niyang pagpunit doon at kaagad akong tumayo para agawin iyon sa kaniya.

"Anong ginagawa mo sa obra ko?!"

"You're that killer writer!"

Napasinghap ako at kinipkip ko sa tapat ng puso ko ang notepad. "Hoy paninirang puri na 'yan! Ipis lang ang kaya kong patayin kaya 'wag mo akong pinagbibintangan diyan! Kanina pa kayo ah!"

Dagger Series #1: UnwrittenWhere stories live. Discover now