SPECIAL CHAPTER

1.5K 24 10
                                    

Zander Klane Lassin

I never imagine that I'm going to end this. Sa totoo lang hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin.

Matagal ko siyang tinitigan mula sa pwesto niya. Tanging puno lang ang naghaharang sa akin para hindi siya makita.

Zander, my twin brother knew that im here. Hindi ko sila sinundan para makigulo pa. Siguro, ito na ang huli.

Agad akong nagtago ng lumingon siya sa gawi ko. Mahal ko siya pero di ko magawang ipaglaban. Ang hirap. Ang sakit.

"Mabuti naman at pumasok kana, Zan." napatingin ako kay Fayeleen.

Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil biglang dumating si Saina Ariz.

Napatitig ako sa kaniya saglit at pasimple akong umiwas.

"Hello to you, Zan." bati niya.

Sa loob loob ko napapangiti na ako. Hindi ko na din napagilan.

Saina. "Ariz," sumilay ang ngiti ko sa labi.

Hirap akong magtago. Hirap akong magpanggap. Hirap na hirap ako. Agad ng nagaaya si Fayelee. Miss na miss ko na siya.

Kung wala lang nangyari baka ako ngayon ang kasama niya. Ako yung kasama niya hindi si Zander Paul. Hindi yung kapatid ko.

Noong gabing kumain ako sa kanila. Alam ni Tita na ako yon yung kasama nila sa hapag kainan. Zander Klane at hindi ang kapatid ko. Nagulat ako dahil andoon si Tito. Alam kong hindi siya masaya sa ginawa ko. Alam niyang ikakapahamak ng anak niya.

"Saan kaba nagpunta after samin." tanong niya. "At, bakit parang may pasa ka?"

Tahimik lang ako habang pinakikinggan ko siya. Nahalata niya palang may pasa ako. Ayoko sanang makita niya pero hindi ko maitatago. Nahuli ako. Nagalit nanaman sa akin.

Natutuwa ako sa sarili ko ng pinagpabawalan niya akong ngumiti ng ganon. Mukha akong baliw ng umuwi ako sa bahay.

Hindi ko kasalanan kung bakit ako ang naging kasama ni Marzia doon. Kung saan alam kong umiyak si Saina Ariz.

Gusto ko siyang habulin hindi ko magawa. Hinarangan ako ni Marzia. Nagalit ako non.

Ilang araw hindi pumasok si Saina. Sinasabi sa akin ni Tita. Nagtataka na siguro siya kung sino yung kausap ni Tita nung araw na tumawag ako. Alam ko yung kaba ni Tita.

Hanggang doon nalang ako. Dahil pinapabalik na si Zander Paul. Iba nanaman ang kasama niya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng naabutan niya ako sa labas ng bahay niya. Akala ko andoon na siya sa loob.

"Zander," He called my brother not me.

Tinago ko yung sakit. Hindi ko magawang magpakilala sa kaniya. Hindi ko magawang sabihin na ako ang nagmamahal sa kaniya. Ako yun, at hindi yung kapatid ko yung palagi niyang kasama.

Masyado ng malala ang nangyayari ngayon. Nakakahalata na ang pamilya namin. Huling araw ko na makikita ko si Saina. Kailangan ko ng iwasan.

Sana (COMPLETED)Where stories live. Discover now