SEVENTEEN

1.6K 24 1
                                    

Ariz POV

Hindi madaling magpatawad sa mga kasalanang nagawa nila or sa mga lihim na kailangan nilang gawin iyon ay para sa ikakabuti ng lahat. Ngunit hindi masamang magpatawad. Hanggat maaga kailangan ng isang tao na magpatawad. Dahil sa oras na magpatawad ka sa ginawa nila doon mo mararamdaman ang saya na mararamdaman mo.

Huminga muna ako bago ako pumasok sa gate namin. Eto na ako bumabalik na ulit kung saan yung babalikan ko handa akong ulit tanggapin kung saan kasama ko silang pinagsaluhan mga saya at luha na binuo namin. Christmas na kaya't dapat maging masaya sa darating na pasko.

Ma, Pa at Kuya, eto na ako bumabalik na ulit sa inyo handa na akong tanggapin ng buo si Ate Marzia sa pamilya natin. Miss na miss ko na po kayo.

Nagsimula na akong maglakad at dinala na ako ng mga paa ko sa harap ng pinto namin. Kakatok na sana ako kaso biglang bumukas yung pintuan namin.

Mama. Tumulo ang aking luha ng makita kong umiyak si Mama ng makita ako. Tumakbo ako palaputsa kaniya at niyakap siyang mahigpit.

"Mama, miss na miss ko po kayo." Umiiyak kong sabi.

"Anak, di mo lang alam kung gaano kita ka miss. Ang lungkot ng bahay nung wala ka dito. Im sorry, kung di namin sinabi kagad."

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Mama. Ngumiti ako sa kaniya.

"Mama, handa na akong tanggapin si Ate Marzia sa pamilya natin. Ikaw na tanggap na tanggap na si Ate Marzia dapat ako din, di'ba?" ngumiti ako sa kaniya.

"Basta lagi mong tatandaan 'nak. Mahal na mahal kita" masayang sabi ni Mama.

Inaya na ako ni Mama na pumasok sa loob ng bahay namin. Where's my Papa and my Kuya? Nilinga ko yung mata ko baka sakaling makita ko sila sa paligid. Nahagip ng mata ko si Kuya. Pagkakita ko sa kaniya dali dali akong tumakbo sa kinaroroonan niya.

"Kuya!" sabay yakap ko sa kaniya "I miss you so much"

Gulat pa siya. Sa huli niyakap niya ako.

"Ariz, you're back. I miss you too. I am so happy." Aah my big brother

Hinigpitan pa niya yung yakap sakin.

"How about me?" Can you give me a hug? Your Papa miss you so much."

Napabitaw ako kay Kuya at humarap sa nagsalita sa likod ko. Papa.

"Mawawalan ba ang pinakamamahal kong Papa sa mundo?" Sabi ko tsaka niyakap ko ng sobrang higpit.

"Papa, handa ko na pong tanggapin sa pamilya natin si Ate Marzia." sabi ko kay papa habang nakayakap sa kaniya.

Naramdaman kong nabasa yung balikat ko. Umiiyak ba si Papa?

"Papa, Are you crying?" tanong ko kay Papa.

"Tears of joy, 'nak. Masaya ako kasi tanggap mo na siya. Mahal na mahal kita tandaan mo yan." Tumango ako at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Tamang tama luto na yung pagkain na niluto ko. Kumain na tayo at paniguradong gutom na si Ariz, lalo 'nat bumyahe siya ng katanggal."

Naramdahamn kong tumunog yung tiyan ko nung sa sinabi ni Mama.

"Mabuti nga, Halika na kumain na tayo" aya ni Papa samin.

Ngumiti sakin si Kuya ngumiti din ako.

Masaya kaming nagsipuntahan sa kusina. Pwede bang huwag masira itong kasiyahan na bumabalot samin? I really love my family. Simple but nakasentro samin ang pagmamahal at alam naming si God iyon. Thank you, Lord at binigyan mo ako ng ganitong kay sayang pamilya.

Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon