SIX

2.6K 50 1
                                    

Saina Ariz POV

"Ariz, mag pakita ka..." boses ni Fayeleen iyon.

Hanggang ngayon kasi nandito pa din kami ni Zander natutulog pa din siya. Zander naman kasi bakit ba puyat ka? Inalog ko si Zander sa balikat para magising siya kaso ayaw padin niyang magising.

"Zan." sabi ko ulit pero ayaw padin niyang gumising

"Zander Paul Lassin!" sigaw ko sa buong pangalan niya pero mahina naman yung siya lang nakakarinig ng sigaw ko.

Nung sumigaw ako doon nagising siya. Ang hirap din niyang gisingin.

"Bakit?" sambit niya.

"Anong bakit ka diyan? Anong oras na? Tumayo nga diyan!" tinulak ko siya kaso mabigat siya kaya hindi nawala sa pagkakahiga.

Hindi parin kasi siya umaalis sa pagkakahiga. Gising siya pero nakahiga padin. Mahuhuli kami ni Fayeleen.

"Five minutes." niyakap niya pa ako.

Nagbilang ako one to five. Ako nahihirap sa ginagawa niya. Nakayakap na siya tapos ako itong mag aadjust.

"Ariz naman e, second yan di minutes." reklamo niya

"Dami mong reklamo. Tumayo kana diyan. Sige kapag naabutan tayo ni Leen lalagyan nanaman niya ng malisya to." sabi ko

Pagkasabi ko 'non tumayo na siya. Saka pinapag yung damit niya may dumi siguro. Tumayo na din ako at pinagpag yung puwet ko kasi nga ako yung nakaupo na pinaghigaan niya.

"Ta--" naputol yung sasabihin niya

"Tada! Andiyan lang pala kayo. Opps.. Andiyan lang pala walang kayo nga pala. Hehe" nag peace sign siya.

Baliw, 'to. Kanina lang ang sama ng galit sa mundo tapos ngayon nagmukhang anghel?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Ano pa ba edi sinusundo ka?" umirap siya.

Ah ganon. Ang bait ngayon ng bestfriend ko. Hindi na ata mawawala sa kaniya ang pagirap.

Parang ang saya niya may nalaganap tong balita kaya ganiyan yan, dati naman kasi di niya kami sinusundan dito maiinis pa nga yan kapag di kami kagad bumalik sa room ngayon parang wala lang sa kaniya.

"May nalaganap kang balita kaya't masaya ka?" tanong ko.

Tumawa siya "Nadali mo. I love you na talaga."

Nilambing pa ako.

"Ariz mauna na ako sa Canteen sunod nalang kayo ni Fayeleen." sambit ni Zander sakin. Tumingin ako sa kaniya at tumango

"Duh! Ang pangit pakinggan yung Fayeleen, Zander Paul. Leen nalang kasi ane be?" pabebe pa niyang sabi.

"Landi mo, ah." asar ko

"Don't call me Zander Paul were not close Leen." balik ni Zander.

"Aba!" nang iinit na mukha ni Leen. Eto nanaman po. "Ede, Dont call me Leen were not close din."

"Talaga! Kelan tayo naging close?" sagot pa ni Zan.

Ayoko magkaroon ng gulo. Sana hinayaan nalang ni Zander. Alam naman niyang ganito si Fayeleen. Makakakita pa ako ng World War 3.

"Fvk you!" sabi nalang ni Leen, panigurado kumukulo na dugo ne'to "Layas na nga. Tsupi.." sabay tulak kay Zan.

Natawa ako. "Bye, Zan. Reserve mo nalang ako ng upuan."

Tumango lang siya. Lumingon ako kay Leen ngayon.

"Oh ano na? May balak ka pa bang mag kwento?" tanong ko tsaka nagumpisang maglakad na.

"Wait lang naman." sumunod lang siya sakin maglakad.

"Kasi yung kanina nga." sambit niya

"Oh anong meron kanina?"

"Si Lianeiry kasi, alam mo ba, ha ha ha." nauna pa yung tawa

"Hindi, hindi ko alam." may diin na pagkakasabi ko.

"Alam ko na hindi mo alam kaya nga ikukukwento ko, e."

"Duh! Malamang ikukukwento mo pano kong malalaman." sagot ko pabalik, kala mo, ah.

"Eto na. Pilosopohin mo pa ako." sabay irap niya tinawanan ko lang siya

"Diba umalis kayo kanina ni Zan. Alam mo yung itsura ni Lianeiry nung makita niya na hawak ka ni Zan sa kamay, grabe parang mangangain ng hayop. Parang ngang nagseselos e. Di pa ganon kapag nagseselos, yung parang pinatay mo na yung babae sa isip mo. Ganon yung itsura ni Lianeiry kanina." ngumisi pa siya.

"So yan lang pala ikukukwento mo. Kala ko pa naman maganda." sabi ko

"Oy, diba maganda?" tumawa siya sa sinabi niya.

"Paano mo naman nasabi na parang nagseselos siya? Bakit meron bang sila ni Zander na hindi natin alam?" nagiisip na sabi ko.

"Oo nga 'no?" napakamot siya ng ulo.

Bakit naman? Pano kaya kung ako yung nasa room kanina at hindi si Leen yung nakakita ng kung pano maka tingin si Lianeiry samin kanina ni Zan. Maiisip ko kayang nagseselos siya?

Sana mali itong iniisip ko..

Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon