SEVEN

2.7K 48 2
                                    

Saina Ariz POV

Baka nga nagseselos siya. Wag mo na nga isipin yan Ariz, wag ka ngang makielam sa problema niya.

"Tara na nga sa canteen. Mamaya tigang na si Zander doon kakahintay satin." aya ko kay Leen. Tumango nalang siya at nagsimulang naglakad na.

Kanina pa nga pala nandoon si Zan, baka masakit na puwet non kakahintay sisihin nanaman niya ako.

"Ariz, dito." tawag ni Zan nung nakita niya kami sa pinto ng canteen

"Leen, tara." tawag ko kay Leen, linga ng linga kasi.

Nauna akong naglakad patungo kay Zan nasa likod ko lang si Leen sinusundan ako. Pagkalapit ko umupo na ako ganon din yung ginawa ni Leen. Kinuha ko yung isang plato na may laman na pagkain.

Gising-gising at Sisig yung inorder ni Zander para saming lahat. Nagsimula na akong sumubo ganon din yung ginawa nila.

"Ariz, pano na yan dika nakakuha ng exam?" tanong sakin ni Leen sa kalagitnaan ng kain namin.

Tinapos ko muna yung kinakain ko bago ako ng salita.

"Dating gawi. Diba, Zan?" sabay tingin ko kay Zan.

"Yap." sagot niya

Tumango tango nalang si Leen.

Napansin ko lang ang tahimik ni Zander. tatanungin ko sana siya kung bakit kaya lang napansin kong napaka seryoso niya habang kumakain siya kaya hindi ko nalang tinuloy.

Pagkatapos namin kumain nakayayaan na kami pumasok ulit sa klase.

So usual pagkapasok namin ulit sa klase nagtatanong tanong nanaman mga kaklase namin kung bakit wala kami kanina. Mga hindi na nasanay. Naninibago ba sila? Madalas naman naming gawin yon ni Zander kapag talaga inaantok o sa bored o sa ayaw lang niya mag take ng exam.

"Ba't wala nanaman kayo kanina?" Tanong ni Therielle

"Nag date nanaman kayo ha'no?" Si Melody

"Pano na yan di kayo naka kuha ng exam kay sir?" Zhari said

Huminga ako ng malalim at sinagot ko yung mga tanong nila

"Dating gawi ulit." sagot ko, gets na nila yon.

Uupo na sana ako sa upuan ko kasi kanina pa kami nakatayo dito ganon din si Zander. Ewan ko ba bat hindi pa siya umupo kagad.

"Ariz, San---."

Si Lianeiry na yung magtatanong ngunit hindi na niya nayari yung sasabihin niya kasi sumingit bigla si Leen na ang alam ko ay nakaupo na siya pero hindi pa pala.

"Tama na ang tanong. Kanina pa kami nakatayo dito kapapasok palang namin niratratan niyo na sila ng bala kagad. Hindi na kayo nasanay. All of you go back in your seat" hinihingal na natapos na nagsalita si Leen tsaka dali daling pumunta sa upuan niya.

"Tsk." si Zan.

Umiling nalang ako tsaka umupo nalang sa upuan. President nga pala si Leen kaya ganon nalang sumunod sila kanina. After nung magsalita ni Leen sa harap ni Lianeiry.inirapan lang siya ni Lianeiry tsaka umupo nalang din sa upuan.

After na napaka habang klase namin sa hapon natapos din buti na lang di nag pa exam dahil wala akong review yung pang umaga lang may review ako.

Naglalakad na ako palabas ng school diko alam kung asan si Leen bigla nalang nawala kagad di man lang nagpaalam sakin na kung mauuna siya. Naisipan kong itext si Leen kung asana siya.

To: Fayeleen

San ka?

Nagreply naman kagad si Leen.

Fayeleen

Secret hehe. Btw sorry kung di ako nakapagpaalam na di ako sasabay sayo. Love you.

Hindi nalang ako nagreply. Nilagay ko na sa bulsa ko yung phone ko. Habang naglalakad ako naramdaman kong may umakbay sakin kaya napalingon ako sa gilid ko si Zander lang pala.

"Kala ko nauna kana?" tanong ko sa kaniya.

"May dinaanan lang ako" sagot niya tsaka siya ngumiti.

Ayoko sa lahat yung ngumiti siya. Ang gwapo kasi niya kapag ngumingiti. Bagay na bagay sa kaniya.

"Don't smile." I said to him

"Why?" tanong niya

"Basta!" sagot ko

"Eh sa gusto kong ngumiti. Palag ka?" sabi niya.

"Bahala ka nga dyan"

Tinanggal ko yung pagkaaakbay niya sakin. Kasi naman ayaw ko talaga na ngumingiti siya gusto ko kapag ngingiti siya yung ako lang makakakita sa ngiti niya.

"Fuck, Ariz wag mo akong iwan." tawag niya.

Hindi ko siya pinansin nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Hindi na talaga ako ngingiti. Pansinin mo na ako" sabi niya.

Diko padin pinasin.

"Ariz please,"

Huminto nalang ako tsaka hinintay siya.

"Hihinto naman pala" alam kong nakangiti siya.

"Wag kana kasi ngumiti ulit" sabi ko.

"Yes, baby. You're the boss." sabi niya.

Natulala ako dahil sa tinawag niya. Di ako makahinga. Okay, Ariz, calm your heart.

"Wag moko tawagin na baby di moko baby." seryoso kong sabi.

"Sungit naman ne'to. Minsan na lang kita tawagin ng ganiyan."

"Ayaw ko nga."

"Okay, suko na. Hindi na. " tinaas pa niya kamay niya. Natawa nalang ako.

Tipid ko siyang binigyan ng ngiti.

Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon