FOUR

3.4K 67 4
                                    

Saina Ariz POV

"Sorry, ah. Sorry, talaga." inis na bulong ko sa sarili ko.

Pano ba naman kasi natapakan ni Jannah yung paa ko di man lang nag sorry. Ang sakit kaya ng pagkakatapak niya.

"Uuwi nalang nakakunot pa noo mo." sita sakin ni Leen.

Umirap muna ako bago magsalita. "Abay pano naman kasi natapakan ako ni, Jannah tapos di man lang nagsorry. Sino di maiinis don?"

"Kelan pa nagsorry 'yon. Ano resbakan naba natin?" tumawa siya.

"Tara na resbakan na natin. Joke lang." sinakyan ko siya.

Mabait naman akong bata hindi ako pumapatol sa isip bata. Pabayaan ko nalang kahit palagi naman niyang gawain iyon.

"Halika na nga." rinig kong sigaw ni Leen mula sa pinto.

"Ayan na." sumunod nalang ako sa kaniya.

Ang daming nang-yari ngayong araw. Yung nalaman ko kung sino si Lianeiry. At ang nagpapagulo ng utak ko kung sino yang si Paul na yan. Masyadong pa mysterious gwapo ba yang Paul na yan at napaka misteryoso.

"Ariz, kakain na tayo." rinig kong sigaw ni Mama mula sa kusina

"Ayan na po" sagot ko.

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at pumunta sa kusina. Ano naman kaya ulam ngayon. Sana masarap, ay, baka naman tumaba ako pag napadami kain ko. Diet day ako ngayon, e.

"Oh my God!" gulat kong sabi pagkapasok ko ng kusina "Papa!" Sabay takbo ko papunta sa kaniya. Sabay kiss sa cheeks niya at hug. "I miss you, Papa."

"I miss you too, Hija" sabay kiss niya din sakin "Nasaan ang Kuya mo?"

Asan nga ba si Kuya. Minsan na nga lang umuwi si Papa di pa kami kompleto. Nagtatrabaho kasi si Papa e. Kaya madalang siyang umuwi. Tinawag ko si Mama.

"Mama, asan daw si Kuya?" tanong ko.

"Kasama daw niya si Zander" sagot ni Mama.

Gulat ako sa narinig kay Mama. Kasama niya si Zander? Ba't naman niya kasama si Zander. Balita ko kasi madalang nalang silang magkita di na sila nagkakasama madalas.

Umupo ako sa kabilang upuan bali katabi ko si Papa. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Text ko nalang si Zander kung totoong kasama niya si Kuya

To: Zander Paul

Hi, kasama mo ba si Kuya?

Mabilis din siyang nagreply.

Zander Paul:

He's with me. Don't worry. Pakasabi narin kay Tita diyan ako kakain. Hahaha.

Napangiwi ako sa kaniya. May bahay naman siya at dito pa talaga makikikain.

To: Zander Paul

May bahay ka. Doon ka kumain.

Zander Paul:

Walang ulam. Tinext ko na si Tita na diyan ako kakain. Namiss din kaya kita.

Oo nga, pala hindi ko pa natatanong sa kaniya kung bakit siya nainis sa akin.

To: Zander Paul.

Alam ko naman na papayag si Mama. Miss mo mukha mo.

Zander Paul:

Of course. Ako pa. Malakas kaya ako kay Tita. Di mo ba ako miss? Ako kasi miss na miss kita.

Napatitig ako doon. Naghahabulan na sa pagtibok ang puso ko ngayon. Kalma, Ariz.

Sana (COMPLETED)Where stories live. Discover now