TWENTY FIVE

1K 18 0
                                    

Third Person POV

This is my fucking fault. Nasa labas ako ng operating room. Sinugod ko sa pinakamalapit na Hospital si Ariz. Hindi ako mapakali ngayon.

Si dad lang ang makakagawa nito sa kaniya. I hate him so much! I told him wait for me and don't hurt my Ariz and he didn't listen, ofcourse i'm just his son. Just son. Son my ass. Fuck.

"Shit! Are you okay? Si Ariz anong lagay?"

Nilingon ko si Fayeleen. Siya unang tinawagan ko.

"I don't know. This is my fault." napaupo ako sa lapag.

Kung sana mas minadali ko nalang umalis. Kasalanan ko talaga lahat.

"Hey, don't say that. She will be fine." pagpapagaan niya sa akin.

Tiningnan ko siya. "No, she will never be fine, she will never be in peace . Hanggat andito ako."

Napalingon ako sa hallway dahil narinig ko yung hiyaw ni Marzia kasunod niya si Arill.

"Klane!"

Yumuko ako dahil hindi ko na kaya. Gusto kong iiyak lahat. Bakit di ako magawang pag bigyan. Sana ako nalang si Zander. Yung malaya, walang pumipigil.

Tumingin ako sa kaniya. Nawawalan na akong pagaasa.

"I'm sorry, Marzia." hingi ko ng tawad.

"Hindi mo kasalanan. Malakas na tao si Ariz. Kakayanin niya yan." biglang sabi ni Arill.

"Kasalanan ko. Kasalanan ko. Ako lahat. Sana hindi ko nalang pinilit umuwi. Sana walang ganito. Sana hindi ito mangyayari." nagpupunas ako ng luha.

Tuloy tuloy lang ang pagiyak ko. Para akong bakla. Kalalaki kong tao di ko magawang maging matatag.

"Klane, calm down. Ariz is a brave woman. Magiging maayos ang operasyon." si Arill.

"Tell me, Arill how can I fucking calm down?" tumaas na ang boses ko.

Umiling siya sa akin parang hindi nagustuhan ang pinakita ko. Hindi ko na kaya Arill. Kung ganito lang ang mangyayari hindi ko na dapat patagalin ito. Kung gusto kong kapayapaan para kay Ariz. Ibibigay ko iyon sa kaniya.

Ibibigay ko para sa kaniya. Sana balang araw muli tayong magkita.

Saina Ariz POV

Dinilat ko yung mata ko mula sa pagkakapikit. Napatingin ako sa dextros na naka sabit at sa kamat ko.

Naaalala ko lahat ng nangyari. Napahawak ako sa tagliran ko dahil kumirot ng bahagya ang sugat ko. Hindi ko alam kung ilang araw akong tulog.

"Are you okay? I'm worried."

Tumingin ako sa gilid ko dahil narinig ko si Arill na nagsalita.

Umiling ako sa kaniya. Nanghihina padin ako. Baka kulang lang ako sa kain? Pero alam kong hindi pa ako makakain ne 'to.

"Ilang days akong tulog?" tanong ko.

Tumikhim siya "Three days."

Tumango ako. Nakita kong tulog sa folding bed si Mama. Baka nasa bahay si Papa.

"Baka mamaya andito sila, Leen." sabi niya sabay tingin sa phone niya.

Tumango ako ulit. Tumingin ako sa pintuan parang may hinhintay akong dumating. Parang imposibleng mangyari iyong hinihintay ko.

"Si Klane ba ang hinahanap mo?"

Tumingin ako kaniya. Lolokohin ko lang ang sarili ko kung magsisinungaling ako sa kaniya.

"Pumunta ba siya?" umiwas ako ng tingin. Hinawakan ko yung sugat ko dahil nakaramdam ako ng kirot.

"No."

Dismayado akong tumingin sa kaniya. Siya, siya yung nagdala sa akin. Hindi ko kayang magkamali siya yung nagdala sakin. Yung boses niya huling narinig ko. Pero bakit ganon ang sakit marinig na hindi man lang siya dumalaw sa akin. Alam ko namang bawal kelan ba magiging pwede.

"Nak ayos ka lang ba? Wala bang masakit? Sabihin mo sa akin kung may gusto kaba. Arill pinakain mo na ba siya?" tumingin ako kay Mama na dali daling pumupunta sa gawi ko.

"Medyo masakit lang yung sugat ko." Tipid akong ngumiti.

"Kumuha ng gamit si Marzia kasama ang Papa." aniya

Tumango ako sa kaniya. Pumikit ako at muling dumilat dahil naalala ko yung lalaking ngumiti sa akin. Yung lalaking sumaksak sa akin. Paano niya nagawang ngumiti?

"Ma, yung may gawa sa akin, paano niyang nagawang ngumiti." pumikit ako habang nagtatanong ako kay Mama.

Niyakap niya ako. "Shh. Hindi na mauulit yan."

Nakakaramdam ako ng pamumuo ng luha at pilit kong dinidiin yung hinalalaki ko sa hintuturo ko. Pinipigilan kong umiyak.

"Gusto mo bang kumain? Sabi naman ng doctor pwede ka namang kumain kain konti lang. Para bumalik yung lakas mo"

Tumango nalang ako. Humarap ako kay Arill na ngayon busy sa kaniyang cellphone. Tiningnan ko siya parang walang problema siyang hinaharap.

"Ang pogi ko 'no?" biglang humarap siya sa akin.

Umiwas ako ng tingin at di ko rin nagawang pigilan yung ngiti ko. Namiss ko ng makapagbonding sa kaniya. Napatingin ako sa pintuan na biglang bumukas. Si Leen kaagad ang bumungad at sumunod lahat ng kaibigan namin.

"Peks!" Aamba siyang yayakapin ako pero pinigilan ko kaagad siya.

"Di pa ako magaling." sabi ko.

Tinanong nila ako kung kamusta daw ba ako kung di na masakit yung sugat ko. Sinagot ko silang ayos lang ako at medyo kumikirot pa. Humihingi ng tawad si Mikiel sa akin at tinawanan ko lang iyon.

Nangyari na at hindi ko na din mababalik iyon.

Biglang bumukas yung pintuhan at biglang pumasok si Marzia at Zander. Hiningal pa silang dalawa. Nagtataka ako kung bakit.

"Nak, hinihingal kayo" binigyan sila ni Mama ng upuan. " Umupo muna kayo. Kukuha ko kayo ng tubig."

Tumingin ako sa kanila ng nay pagaalala. Gusto kong tanungin kung anong problema. Dahil mahahata mong may nangyaring hindi maganda. Napatingin si Marzia kay Leen. Tumingin din ako kay Leen.

May nangyari ba? Tungkol ba ito kay Klane?

"Bakit? May nangyari ba?" huminga ako ng nasabi ko na.

Inabutan sila ni Mama ng tubig, tumingin naman si Marzia kay Zander para bang humihingi siya ng tulong. Sasagot na sana siya kaso biglang nagsalita si Mikiel

"Shit, I'm sorry I had to leave. This is emergency." tumingin siya sa akin at kay Arill na ngayon nakay Zander na.

Something wrong. Tiningnan ko sila isa't isa lahat sila parang kinakabahan. Ako lang ang bukod tanging hindi ko alam ang nangyayari. Napapikit ako dahil sa kirot na naramdaman ko ulit.

Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon