NINETEEN

939 17 0
                                    

Ariz POV

Pagkaalis niya siyang dating naman ng mga kaibigan ko. Nagtawanan at nagkwentuhan lang kami. Masaya si Mama kasi daw nakapunta sila. Di naman din sila nagtagal dahil nagkaroon sila ng kaniya kaniyang lakad.

Naiisipan kong itext si Leen, para ikwento yung nangyari.

To: Fayeleen

Leen? Fayeleen? Gising pa ba?

Nagreply din sakin kagad si Leen.

Fayeleen

Yes, May problema ba?

Oo Leen, may problema ako. Naguguluhan ako sa inaasal ni Zan. Girlfriend niya si Ate, tapos bakit ganon yung ipinahihiwatig niya sakin. Litong lito na ako.

I replied. Sabi ko sa lunes ko nalang ikukwento.

Bagong taon na bagong taon may problema na ka agad. May kumatok sa pintuan ko at agad ko naman hiniyawan na pumasok siya.

Si Kuya lang pala.

"Kuya, anong ginagawa mo dito?" tanong ko kaagad.

Nginitian niya ako at umupo sa tabi ko. "Wala, babatiin lang naman kita ng, Happy new year. Masyadong busy ka kanina, kaya di kita nabati." sabay ngisi niya.

Nagtataka naman ako sa pagngisi ni Kuya. Pero mas lalo akong nagtataka sa sinabi niyang busy ako kanina. Andoon din siya kanina. Magkakasama kaming nagkwentuhan kasama mga kaibigan ko.

"Anong nginingisi mo diyan?" nagtataka kong tanong.

"May pa hug-hugged pang nalalaman. Tingin ka sa stars." may pangaasar sa boses ni kuya.

Napa hampas ko naman si Kuya dahil sa sinabi niya. Nakita niya yon? Nakakahiya. Sana nilapitan kami ni Kuya para di mangyari iyon.

"Kuya naman!" sabay takip ko sa mukha.

Inalis naman niya yung pagkakatakip ko sa mukha. Pero tinawanan niya ako.

"Ako nagpapunta kay kl-- Zander dito!" sagot niya tsaka ako niyakap.

"Nakakahiya, Kuya. Nakita mo kami sa ganoong posisyon!" medyo galit kong sita

Tumawa pa siya ng lalo. "Kapatid kita, bat ka mahihiya sa akin. At ako din naman nagpapunta kay Zander dito."

Umalis ako sa pagkakayakap niya at nginusuan ko siya.

"Oh bat mo ko nginungusuan?" tanong niya.

"Eh, Kuya dapat kay Marzia siya dumeretso bakit sa akin?Nakakapagtaka naman 'yon"

Nagulantang ata si Kuya sa sinabi ko kasi napaiwas siya ng tingin at may binulong.

"Oo nga 'no. Palpak." Kuya

Kinalabit ko siya. Tumingin naman siya sakin. "May binubulong ka?" diko kasi masyadong narinig.

Umiling siya sa akin at nagpaalam na. May pupuntahan pa daw siya. Mas lalo lang akong nagtaka kung bakit parang iniiwasan ni Kuya yung tanong ko.

Lunes, balik aral nanaman. Maaga akong gumayak. Maaga din akong nakapasok kaya maaga din akong chichikahin ni Leen.

"Oh my dear, Ariz. How's your vacation? Something happened? Hmmm." I told you! Maagang chika.

Inirapan ko siya. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"What?" I said.

"Don't what me, Girl! 'So ano nga chika. Tinext mo ko, huh! Diko makakalimutan 'yon."

Umirap ako dahil sa bilis niyang magsalita. Di man lang mag preno kapag magsasalita.

"Okay, okay!" nas-stress kong sabi. " Nagpakita si Zander."

Napatili siya kaya naman hinampas ko kaagad siya. Madami dami na ding mga classmate namin ang pumapasok. Napapalakas nadin boses ni Leen.

"Ingay mo!" sita ko

Hinampas niya ako. "Duh? Sinong hindi magiingay, pinuntahan ka ni papa Zander."

Nilakihan ko siyang ng mata dahil medyo napalakas yung pagkakasabi niya ng "papa Zander". At anong nakain niya tinawag niya si Zan ng with matching papa? The hell.

"Nalilito nga ako. Bakit ako yung pinuntahan niya? Hindi ko siya nakitang pinuntahan si Ate Marzia. Litong lito na ako, Peks" parang bata akong nagsusumbong.

Mukhang nagulat siya sa sinabi kong 'Ate Marzia' napatayo siya.

"Ate Marzia?" pagtatanong niya.

Oh? Hell. Wala nga pala siya nung nangyari. Kinuwento ko kaniya yung nangyari. Nagulat siya sa mga sinabi ko. Hindi niya alam na ganon nangyari nung vacation.

"Sorry to hear that. " she said.

Tumango lang ako sa kaniya. Napatingin ako sa relo ko. Wala pa kasing dumadating na teacher namin. Yung math teacher namin. Tagalan pa niya, baka naman.

"Speaking of Zander na pumunta sayo. Si Zander ba talaga 'yon. Based sa sinabi mo sayo lang pumunta. Hindi siya pumunta kay Ate, mo" natawa pa siya sa pagkakasabi niyang 'ate mo'.

"Gosh! I can't believe. Ate mo pala 'yon."

Tumawa lang ako. Kaso nabaling ulit yung isip ko dahil sa sinabi niya. Bakit parang sinasabi niya na hindi si Zander iyon? Mas lalo akong kinain ng pagtataka.

"Leen, sabi mo "Si Zander ba talaga 'yon?", what do you mean?" Seryoso kong tanong.

Napakagat siya sa labi niya. Binabasa ko yung itsura niya baka may makuha akong sagot sa kaniya. Kaso pilit niyang inaalis ang pagkabigla sa mukha niya. Ramdam ko e.

Bakit ang lakas kong makaramdam na parang may pasabog nanamang magaganap? Mas lalo akong kinakabahan.

Nakita kong tiningnan ni Leen yung phone niya may nagtext ata. Nakita ko ding pasimple siyang tumingin sa bintana na para bang may nakatingin sa amin doon. Tumingin din ako kaso parang wala namang taong nakatingin sa amin.

"Ano ka ba! I-ibig kong sabihin baka ano, you know nag bago ikot ng mundo ni Zander. Nagbago malay mo ikaw na pala yung mahal. " tumawa siya. "Wag mo isipin 'yon."

Sana (COMPLETED)Where stories live. Discover now