EIGHTEEN

985 20 0
                                    

Ariz POV

"Merry christmas and happy birthday, Lord." taimtim na sabi ko habang nakatitig sa poon na nasa harap ko.

Lahat kami nagsimba, kasama din namin si Ate Marzia. Hindi padin ako sanay na tawagin siyang Ate Marzia pero kinakaya ko naman.

"Are you happy, Ariz?" Kuya asked me.

Masaya ba ako? Oo naman super happy. Humarap ako sa kaniya at ngumiti.

"Oo naman kuya, sobrang saya ko."

Palabas na kami ng simbahan, Tapos na kasi ang misa. Umuwi din kami kagad at sabay sabay na nag noche buena, hindi nanamin nahintay ang 12am dahil inaantok na daw si Papa kaya ayon.

Kwentuhan, asaran at kung ano ano pa ginawa namin habang kumakain.

Nagdaan ang ilang araw at sumalubong naman ang bagong taon. Bumaba na ako para tingnan kung ano yung niluluto ni Mama para mamaya.

Naabutan ko si Ate Marzia sa sala na may kausap sa cellphone niya.

Napatigil soya nung nakita niya ako kaya ngumiti siya sakin. May kaonting awkward padin akong nararamdaman.

"Ariz." rinig kong tawag niya.

Nagalerto naman ako. "Po?"

Tumawa siya sakin. "Masyado kang pormal. Pakisabi kay Tita na aalis muna ako. Puntahan ko lang si Zander."

Tumango ako sa kaniya. "Sige."

Nagtataka naman siyang tumingin sakin kaya tumalikod nalang ako. Weird. Bat wala akong nararamdamang inis? Anong nangyayari? I know I like Zander but I told to my self that he's taken. He is Ate Marzia's boyfriend.

Mas mabuting ganoon nalang ang nangyari. Walang halong ibang nararamdaman.

Nakarating akong kusina at doon nakita si Mama na aligagang aligaga sa niluluto niya. Gusto niya kasi yung bongga niyang sasalubungin ang bagong taon. Wala naman kaming magagawa si Mama iyan 'e.

"Oh! Ang Ate nasaan?" tanong niya.

Ngumuso ako "Pinuntahan daw niya si Zander, Ma."

Kumuha ako ng kutsara tsaka tinikman ang luto niya.

"Walang lasa." saad ko.

Tumawa si Mama. " 'Nak wala pang lasa talaga 'yan at dahil hindi pa tapos yan."

Napa "oh" nalang ako.

"Papuntahin mo mga kaibigan mo dito?"

Napahinto ako at napaisip. "Ma, baka di makapunta yon, may mga handa sila."

Tinitigan ako ni Mama. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Ariz, kung inisiip mo yung nangyari noong nakalipas na araw kalimutan mo na iyon. Di mo rin sila masisisi kung itinago nila sayo. Okay." sabi ni Mama tsaka ngumiti.

Nakalimutan ko na iyon. Kaso naalala ko padin kung bakit hindi nila iyon naiikuwento sa akin? Bakit parang ang dami kong hindi alam. Baka wala nga lang talaga at ako itong nagiisip ng kung ano ano.

"Im gonna text them, Mama. If they want to celebrate New Year with us." I said.

Tumawa lang si Mama. Tinaboy na niya ako kasi daw naiistorbo ko na siya sa pagluluto. Ang excited talaga.

Tinext ko sila kung gusto nila hinihintay ko nalang mga reply nila.

Mga bandang gabi na din. Nakatanggap ako ng text sa kanila. Pupunta nalang daw sila dito after nilang kumain sa kani kanilang pamilya. Nag okay ako sa kanila.

'Happy New Year' bulong ko sa sarili ko at tiningnan ko ng masaya yung fireworks.

Tumingin ako sa mga pamilya kong nandito. Dumating din yung iba naming mga kamag-anak kaya maligaya ngayon itong bagong taon namin. Dati kasi sa abroad sila nagcecelebrate pero nagulat ako nung nagsidatingan sila.

"Lieanne, please be careful. Wala tayo sa bahay natin ah." My Tita said to her daughter. Tumango naman ito

Ngumiti ako kasi ang cute cute talaga ng anak niya. Nahuli naman ako ni Tita na nakangiti ako sa anak niya. Ngumiti siya sakin. Lumapit ako at umupo para magkasing tangkad kami ni Lieanne.

"Hello, Lieanne. How old are you?" nakangiti kong tanong.

"I'm four years old po." she said.

Hinagkan ko siya at ngumiti sa kaniya. "Go! Makipaglaro ka sa iba mo pang pinsan. Be careful, baby."

Tumayo na ako at pumasok na sa loob ng bahay. Naabutan ko silang nagkukwentuhan lahat. Nagtatawanan. Nakita ko si Ate Marzia kausap yung ibang mga pinsan namin. Ang close niya sa mga pinsan ko. Siguro ganon talaga tanggap siya ng nga pamilya namin.

"Oh ayan na pala si Ariz. Kagandang bata talaga. Manang mana sa Mama."

Tumawa naman ako. "Bolera mo talaga, Tita!"

Naisipan kong mamaya nalang ako kumain. Di pa naman din ako nagugutom. Pumunta nalang ako sa garden area namin. Para magpahangin. Humupa nadin naman ang putukan. Kaya safe nadin.

Panibagong taon nanaman ito. Sana maging maganda ito sakin. Sana.

"Mag-isa ka lang?"

Napailing ako dahil sa narinig kong boses. Guni guni ko lang siguro iyon.

"Ariz." sabay kalabit.

Imposibleng nandito si Zander sa likod ko. Wala naman siya kanina sa loob dahil hindi ko siya nakikita na kasama ni Ate. Tumalikod ako para masiguro ko.

Tama nga, si Zander.

"Anong ginagawa mo dito?" walang pagaalinlangan kong tanong ka agad.

Tumingin siya sakin. "Nakita kita dito. Mag-isa. Naiisipan kong puntahan ka dito. " paliwanag niya.

Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Hindi naman kita nakita kanina? O kadadating mo lang?" tanong ko

Tumingala siya na para bang nagiisip. Tumalikod ako sa kaniya. Dahil kinakabahan ako. Bakit ganon? Bakit ako kinakabahan at the same time parang safe na safe ako kapag malapit siya.

"Look at the stars. They are so beautiful. " he said

Sinunod ko naman siya. Ang ganda nga. Ngumiti ako habang nakatingin sa kalangitan na puno ng mga bituin. Tinaas ko ang dalawa kong kamay at kunwaring abot ko ang langit.

I'm just going to said something to him but word can't come out in my mouth. What's wrong with me?

And fuck, he just fucking hugged me from the back.

"Zander, what are you doing?" kinakabahan kong tanong.

"Shh. 5 minutes."

Kinakabahan akong tumango sa kaniya. Dinama ko nalang ang kanyang yakap.

"Everytime I looked up in the sky I always saw a beautiful lady. Her eyes full of sadness and looking for something. I wish that I can make her happy and tell her that I love her and I miss her so much, but the world can't allowed me." he said.

Pinunas ko yung luhang tumagas sa mata ko at humarap sa kaniya. Bago pa niya ako makapagsalita nauna na siya.

"Damn. I can't take it anymore! " naiirita niyang sabi. " Happy new year, baby. Goodbye."

And then he left me with full of curiosity.

Sana (COMPLETED)Where stories live. Discover now