ONE

8K 79 3
                                    

Saina Ariz POV

"Okay class, mag a-arange tayo ng upuan." rinig kong sabi ni Sir

Hindi kasi ako nakikinig. Ang dami ding umangal.

"Hala! Si Sir naman!”

"Sir... wag po..” sinabayan niya ng halakhak

"Sir, okay na po ito."

"Si, Sir pereng tenge..." pasimple siyang umirap, natawa ako doon.

"Sir, sa lahat ng gwapong nakilala ko ikaw lang nangibabaw kaya wag na po.”

Mga nagsasayang lang kayo ng laway mga classmate. Si Sir, pakikinggan kayo? Malabo ‘yon!

"Okay, magsitayo kayo at pumunta sa likod tatawagin ko nalang kung sino yung magkakatabi."

Argh! Okay na ako sa upuan ko katabi ko na si Peks! Tumayo ako at pumunta sa likod. Hindi ko naman hahayaan na mauna akong matawag. Kaya nagtago ako doon ako sa pinakadulo pumunta.

"Adurru,Barbara, Cayetano, Assres sa unahan. Barbara, Cayetano sa gitna kayo. Adurru and Assres sa magkabilang gilid nila"

Mabuti nalang talaga di ako natawag at buti nalang din Palmos ang epelyido ko. Aba, mahirap kaya sa unahan kapag nag count ng 1, 2 and 3 ganon ako mauuna tapos kapag nagpa-recite si Sir ako ang una. Ayoko ng ganon, Di ako natutuwa. Napatawa ako sa iniisip ko.

Luminga-linga si Sir. “Oh? Sino pa ba?”

Aba’t nakaupo na pala yung iba kong classmate. Tiningnan ko kung sino pa ba ang natitira. Lima nalang kaming natitira: Zander, Fayeleen, Jai, at Dalle.

"Sir kami pa. Kinalimutan niyo na kami!” si Fayeleen.

Okay lang naman po talaga. Sanay naman po kaming kinakalimutan, Sir. Okay lang. Joke lang!

"Oh. Lassin  Palmos, Flores, Bañia and Reyes doon kayo sa likod. Sa gitna yung tatlong babae."

Napatingin siya sa amin. “Bakit hindi kayo nagsasalita? Oh, sige, Lassin, Palmos, Flores, Bañia at Reyes doon kayo sa likod. Sa gitna yung tatlong babae!”

Ang saya saya ko! Magkatabi kaming dalawa ni Fayeleen. Katabi ko din si Zander. Buti talaga nasa hulihan kami. Naupo na din kam. Katabi ko sa magkabilang gilid si Zander at Fayeleen. Okay, napapaligiran ako ng matatalino. Matalino naman din ako. Syempre pag hindi ko alam ang sagot sa mga katanungan haharap nalang ako sa kanilang dalawa.

“Omg! Hala, Peks, alam mo ba?” biglang harap sakin ni Fayeleen.

“Hala, Leen, hindi ko alam.” sabi ko.

“Argh! Wala ka talagang alam kahit kelan. Nahihiya ako sayo, matalino ka pa naman.” Naiinis niyang sabi.

Tinawanan ko naman siya. Hindi ko naman kasi alam.

“Anak ng! May alam ba kasi ako, ah?” Itinuro ko pa pagmumukha ko.

“Ganito kasi, alam mo ‘bang may transfer sa kabilang section?” tanong niya.

Basta talaga mga chismis, alam na alam niya. Hindi na ako magtataka kung alam niya din chismis sa mga teacher; meron nga ba?

“Ay talaga? Saan galing?” pabulong kong sabi.

Hinaan ko ang boses ko dahil nagka-klase kami.

“Diyan lang sa kabilang University, Peks. Hindi ko alam name niya.” may binulong siya hindi ko nga lang narinig.

Hindi ko pinansin iyon. Sino namna kaya yung lumipat? At sa kabilang University galing.

“Wah! Peks!” sabay kalabit niya sa akin.

Sana (COMPLETED)Where stories live. Discover now