TWENTY ONE

931 12 0
                                    

Ariz POV

Dinala ako sa isang sikat na restaurant ni Mikiel. Siya naman magbabayad kaya wala akong dapat ikabahala. Gumugulo padin sa aking isipan kung sino si Klane.

Bakit kausap ni Ate Marzia si Klane? Gulong gulo na ako. Umu-order si Mikiel ng pagkain namin. Kaya nilabas ko yung cellphone ko para i-text si Leen.

To: Fayeleen

Peks, do you know Klane?

Hindi ko na hinintay yung reply niya at tiningnan ko yung inorder ni Mikiel.

"Ang dami naman. Ikaw magbabayad niyan, ah" sita ko

Tumawa siya. "Ofcourse"

Sinimulan na namin kumain. Nasa kalagitnaan na ako ng kain ng may narinig akong familiar na boses.

"Si Elijah," Mikiel said.

Tumingin ako sa likod para makita kung tama siya. Si Elijah nga! May kasamang siyang babae. Kauuwi lang may dinadate na kagad.

"Kakauwi niyo palang, may dinadate na kagad si Elijah." Hindi sa pagrereklamo ko pero parang ganon na nga.

"Elijah will always Elijah." sabay ngisi niya.

Yeah, That's why palaging galit si Tito (Elijah dad) sa kaniya.

"Tawagan mo nga," hamon ko pero umiling lang siya.

Tumawa ako tsaka pinagpatuloy ko nalang kumain. Napapasin ko naman na panay tingin ni Mikiel sa cellphone niya. Sinong ka-text niya?

"Cr lang ako." he said.

Tumango ako sa kaniya. Uminom ako ng tubig tsaka tiningnan lang siyang tinutungo ang cr ng mga lalaki. Napatingin ako sa upuan niya. Nakita ko yung cellphone niya. Tumingin ako sa cr at inabot yung cellphone niya.

May password! Kelan pa siya naglagay ng password. Sinimulan kong hulaan kaso ayaw talaga. Ibabalik ko na sana kaso may nag pop up. Napatingin ako kaagad.

+63905*******:

You what? with Ariz? Don't make me jealous, Ramos!

What the hell? Bago isoli tinandaan ko yung number. Binalik ko na sa pagkakapwesto. Siyang dating naman ni Mikiel.

"Tagal mo, nabored tuloy ako." I lied.

"Sorry, You know when mother earth called me, that's why." explain niya.

Tumawa ako bilang sagot. Tiningnan ko siya kung paano kumunot yung noo niya habang nakatingin sa cellphone niya.

"Problem?" I asked.

Ngumiti siya. "Nothing, Let's go?"

Tumango ako at tumayo niya. Siya naman tumawag ng waiter para magbayad. Lumabas na kami ng Restaurant. Wala na din si Elijah doon sa upuan nila kanina.

Nakarating na ako sa tapat ng bahay namin. Inaya ko si Mikiel na pumasok pero tumanggi siya. Umokay nalang ako at nagpasalamat nalang din.

Naabutan ko si Mama na nasa sala. Kaya dumeretso ako doon sa kaniya at nagkiss sa pisnge niya. Tinanong niya ako kung kamusta araw ko ngayon. Sumagot lang ako ng ayos lang kahit hindi naman.

Dumeretso na ako sa kwarto ko. Nagbihis muna ako at pagkatapos humiga na at kinuha yung cellphone ko. May reply si Leen.

Leen:

Hindi, bakit mo naitanong?"

Napailing ako sa sagot niya. May kutob ako na kilala niya pero ayaw lang niyang umamin sa akin. Siguro kapag nalaman na nagkabukingan na. Doon lang sila aamin.

Naalala ko yung nagtext kay Mikiel. Buti di ko nakalimutan yung numero. I texted him or she?

To: +63905*******

Hey, Let's meet? Btw I am your friend. Haha

Naghintay ako ng minuto sa reply niya. Kinakabahan ako baka mamaya hindi siya magreply. Baka magtaka siya kung sinong friend. Sana naman hindi.

Finally!

+63905*******:

Who are you? I can't meet you. I don't know you.

Fuck. Sigurado ka bang hindi ako kilala? Ariz! Malamang sinabi mo kasi  "I am you friend". Nagreply ako. Magpapakilala akong si Leen.

Me: Lol. I am Fayeleen. Haha. Nakalimutan mo na ba ako? New number. Hahaha

Wag kana magtaka! Nahihirapan na ako. Nagreply siya kaagad.

+63905*******:

Sorry. Kala ko kasi kung sino na. Bakit gusto mo makipagkita? Kagagalitan ka lang ni Marzia!

At bakit siya papagalitan ni Ate? Ang daming alam ni Ate.

To: +63905*******

I don't care! So let's meet. SM tayo magkita. Sa sabado. 1pm. See you.

I'm so sorry, Fayeleen. Ginamit ko ang iyong pangalan. Gusto ko lang masagot yung tanong kong mahirap niyong masagot.

Magpakita ka. Huwag kang magtaka kung bakit gusto kong makipagkita sayo. I'm sure ikaw si Klane. Kailangan kong masagot yung katanungan na bumabagabag sa akin.

Sana (COMPLETED)Where stories live. Discover now