CHAPTER 76: FACE TO FACE

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang tattoo sa kanilang mga kamay, iyon ang patunay na tatay ko ang nasa aking harapan. Ang number 1 na tattoo sa pagitan ng kanyang hinlalaki at hintuturo ang nakita ko sa panaginip, ang taong kinamayan ni Dave sa burol at ang taong nasa aking harapan ay iisa.

Ang number 2 tattoo ay pagmamay-ari ni Uncle Shann; simbolo na siya ang mas nakababata sa kanilang magkapatid; at siya ang sunog na bangkay. Kaya hindi nagpakita si Uncle Shann sa burol ay dahil siya pala mismo ang pinaglalamayan.

Dahil sadyang magkamukha silang dalawa ay inagaw ng tatay ko ang katauhan ni Uncle Shann pagkatapos niya itong patayin.

Kaya hindi siya umuuwi sa mag-asawang nag-ampon sa kanya ay dahil malalaman ng mga ito na hindi siya ang ampon nilang anak. Kaya walang mga pictures sa bahay ay dahil parating kasama si Uncle Shann sa mga litrato at makikita roon ang pinagkaiba nilang dalawa.

Tumawa siya.

"You're smarter than I thought, baby!" Sabi niya habang naglalakad para makalapit sa akin.

"Don't call me baby, it's disgusting!" Nandidiri kong sumbat sa kanya.

Sumeryoso ang kanyang mukha pagkarinig sa sinabi ko.

"I'll make sure to shut your fucking mouth!" Bulyaw niya sabay takbo para abutan ako.

Mabilis akong tumakbo palayo at inikutan ang isang sasakyan para hindi niya ako mahuli.

"I'm not here to play tug; I'm here to negotiate!" Sigaw ko habang patuloy na tinatantya ang kanyang mga kilos.

"I just want to kill you!" Sigaw niya sabay ikot muli para habulin ako.

Muli akong umiwas.

Kinuha ko ang sobre sa aking bulsa. Inilapag ko ito sa hood ng sasakyan.

"The money is yours! You can have everything! You can live your life the way you want it to be! You can be Shann Rogers forever! No one knows about your secret except me! I just want you to leave me alone!" Pagsisinungaling ko.

Sumilay ang malademonyong ngisi sa kanyang labi. Lumayo ako sa hood at umikot sa kabilang direksyon. Tumungo siya kung saan ko ipinatong ang sobre. Binuksan niya ito at nang makita ang cheke sa loob ay muli siyang tumawa.

"Not enough, Jane!" Sigaw niya.

Napakunot ang noo ko. Ganoon ba talaga siya kaganid at inaayawan niya ang perang nasa kanyang harapan?

"You had enough. Mom already gave you everything she had!" Patuloy ko.

"Ah, ah, ah! I haven't got yours!" Nakakaloko niyang sabi sabay tapon sa cheke na pumailalim sa isang lumang suv.

"Then I'll give the money equivalent to my insurances!" Panggugulo ko sa isip niya.

"Tsk, tsk tsk, do you really think I'm after the money?" Nakangisi niyang tanong.

"Then what are you after at?" Lakas loob kong tanong.

"I just want you dead!" Nakamulagat niyang sigaw.

"Why? I am your daughter! Kade is your son and Mom is your wife!" Ganti kong sigaw.

"Don't be silly, Jane! I am not your father! Your father is dead! Shann is dead!" Muli niyang bulyaw sabay habol na naman sa akin.

Mabilis akong umikot at humihingal na tumigil nang makita kong tumigil din siya.

"What do you mean by that?" Gulat kong tanong.

Tumawa siya.

"I'll tell you; you're gonna be dead anyway!" Sagot niya.

Umupo siya sa hood ng isang sasakyan at nagsimulang magkwento.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon