CHAPTER 45: ERASE

1.4K 110 16
                                    

Nina

Para akong natauhan nang makitang nagsusuntukan si Gani at Reyden. Ano bang problema ng dalawang ito!

Napaatras ako nang matamaan si Reyden sa kaliwang pisngi. Gumanti siya at tinuhod si Gani sa sikmura. Napaatras din si Gani. Nagpatuloy sila sa pakikipagbuno sa isa't-isa. Tumumba si Reyden nang sunod-sunod siyang matamaan ng suntok.

Ngayon ko lang nakitang nahirapan si Reyden sa pakikipaglaban.

Susugurin pa sana siya ni Gani nang pumagitna ako at umawat.

Humihingal na tumigil si Gani sa aking harapan.

"Stop! Don't dare make another step!" Singhal ko.

Unti-unting tumayo si Reyden at hinawakan ang aking balikat.

"Move!" Inis niyang utos na parang gusto niya pa akong hawiin.

Wala ba siyang balak tumigil! Humarap ako sa kanya.

"Ikaw din, don't dare make another move!" Sigaw ko.

Tumigil sila pero masama pa rin ang titig nila sa isa't-isa.

"Who is he?" Nagtitimping tanong ni Reyden.

"Boyfriend niya ako! At ikaw sino ka sa palagay mo!" Maangas na sagot ni Gani sabay tulak sa balikat ni Reyden.

Hinawi ko si Gani palayo.

"I said stop! Don't hurt him, he's my friend!" Pigil ko.

Hindi niya ako pinakinggan. "Tara na!" Mariin niyang utos.

Napalunok ako. Umatras ako at lumapit kay Reyden.

"Kay Reyden ako sasama!" Matigas kong sagot.

"Ano bang problema mo? Ako ang boyfriend mo, kaya halika na!" Pagpupumilit niya sabay hila sa akin.

"Ikaw lang ang nagsabing boyfriend kita! Sa totoo lang hindi kita kilala!" Sagot ko sabay bawi ng aking kamay.

Humugot siya ng hangin.

"Mia, wala ka bang tiwala sa akin?" Puno ng hinanakit na tanong niya.

Tinitigan ko siya. "Wala!" Diretso kong sagot.

Totoong boyfriend siya ni Mia pero masyado siyang maraming itinatago. Anong ginagawa niya sa pantalan noong araw na mamatay ang tatay ni Mia? Paano niya nalaman kung nasaan ako noong araw na barilin niya si Berto? At ngayon na naman, paano niya nalamang nandito ako?

"Tatawagan kita kapag nahanap ko na ang ebidensya!" Sabi ko sabay hatak sa braso ni Reyden palayo sa kanya.

Ilang ulit niya pang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon.

Walang imik si Reyden hanggang sa makabalik kami sa apartment.

Agad akong kumuha ng cold pack at inilapat sa kanyang pisngi na may pasa. Magkaharap kaming nakaupo sa kusina.

"Boyfriend mo ba talaga 'yon?" Dismayado niyang tanong.

Tumango ako.

"Then why didn't you go with him?" Tanong niya.

Napabuntong hininga ako. "I can't remember him." Mahina kong sagot.

"Seems like he really likes you. Nakita mo ba yung selos sa mga mata niya kanina nang piliin mong sumama sa akin?" Muli niyang tanong.

Yumuko ako. "Alam kong mahal niya ako. I feel the same way, but my mind keeps on telling me not to trust him." Sagot ko.

Alam kong mahal ni Mia si Gani. Nararamdaman ko iyon.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon