CHAPTER 10:TELLING REYDEN THE TRUTH

1.6K 154 32
                                    

Reyden

Tumungo kami ni Ethan sa kitchen at nadatnan kong nagluluto si Ate Bel at ang isang babaeng nakatalikod. Humarap ang babaeng pamilyar ang balingkinitang hubog ng katawan. Magkasingtangkad sila ni Ate Bel. Hanggang balikat ang maiksi niyang itim na itim na buhok.

Sa pangalawang pagkakataon ay nakita kong muli ang kakaibang mga titig niya sa akin at ang pamilyar na kislap sa kanyang mga mata.

Nakacast ang kaliwa niyang braso. Siya ang babaeng marungis at ang babaeng dinala ni Ethan sa ospital. Napangisi ako, bakit siya nandito? Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pilit niyang pag-angkin sa kwintas na ibinigay ko kay Nina.

Naalala kong muli ang kwintas, lalo akong napangisi nang bumalik sa aking isipan na naitapon ko ito nang hindi ko naman talaga sinasadya.

"Why is she here?" Seryoso kong tanong kay Ethan.

Panandaliang natigilan si Ethan. "She's my guest." Sagot niya.

Hindi ako nagsalita. Lumapit ako kay Ate Bel.

"Need help Ate Bel?" Magiliw kong tanong sabay sulyap sa babaeng tahimik lang na nakatingin sa amin.

"Sige ba." Nakangiting sagot ni Ate Bel sabay abot sa akin ng kutsilyo.

Patapos na kaming magluto nang marinig namin ang patakbong pagpasok ni Jenny.

"Ate Nina! Ate Nina!" Sigaw niyang maririnig sa buong bahay.

Napakunot ang noo ko. Napatingin kaming lahat sa kanya. Natameme siyang bigla nang makita ako. Napakamot siya ng ulo.

"Sorry." Nahihiya niyang hingi ng paumanhin. Tipid siyang ngumiti at lumapit sa babae. Hinawakan niya ito sa kamay at hinila palabas ng kitchen.

Mukhang pati si Jenny ay hinahanap-hanap si Nina.

"What's her name again Ate Bel?" Tanong ko dahil hindi ko talaga maalala ang sinabing pangalan ni Ethan sa ospital.

"Sino?" Balik na tanong sa akin ni Ate Bel.

"Yung bestfriend mo Ate Bel." Sagot ko.

"Ahhh, siya." Sabi niyang parang nag-aalinlangan.

"Erica!" Sabat na sagot ni Ethan.

"Oo, Erica pangalan niya." Segunda ni Ate Bel na parang hindi siya sigurado.

"Okay. Bakit siya nandito?" Ulit kong tanong kay Ethan.

"She's staying here for a while habang nagpapagaling." Sagot niya.

"Really? Seems like masyado talaga kayong close to let her stay here." Sabi ko.

"Yeah, the three of us are really close." Sagot ni Ethan.

Inihanda namin ang mesa at inilapag ang mga nalutong pagkain. Tinawag na ni Ethan si Erica at si Jenny. Sabay sabay kaming kumain sa hapag-kainan. Nagbukas ng wine si Ethan at nagsalin sa wine glass, pareho ito sa paboritong wine ni Nina.

Inabot niya ito kay Erica. Sa unang pagkakataon ay nakita kong ngumiti si Erica. Maganda naman pala siya kapag nakangiti. Napangisi ako. Bakit ko ba siya pinapansin?

"Thank you!" Sabi niya kay Ethan.

Di naglaon ay natapos kaming kumain.

"Jenny, I need to give you something." Sabi ni Ethan sabay tayo at hila kay Jenny. "Excuse lang, balik ako agad." Dugtong niya bago sila tuluyang umalis.

"Ako din, check ko lang yung gas range, hindi ko yata naisara." Sabi ni Ate Bel sabay tungo sa kitchen.

Magkaharap kaming naiwan ni Erica sa hapag-kainan. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nagsalin ako ng wine sa baso ko.

I AM NINA: Saving LivesWhere stories live. Discover now