CHAPTER 25: Handkerchief

1.5K 107 25
                                    

Nina

Pumasok muna ako sa convenience mart na malapit sa funeral building para makapagpahinga. Bumili ako ng icecream cup at inilapat ito sa aking noo. Umupo ako sa bandang sulok at sinimulang kainin ang malamig na chocolate icecream. Nalalasahan ko pa ang konting dugo sa aking bibig dahil sa mga sapak nila.

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking daliri at nakita ang napakaraming nalagas na buhok na sumama sa aking palad. Napabuntong-hininga ako. Hindi naman ako nagsisisi na umawat ako kanina pero hindi rin biro ang sakit at hapdi na aking nararamdaman sa buo kong katawan.

Kahit ako ay hindi ko namukhaan na si tita pala ang nasa litratong nakita ko noong isang araw. Ibang-iba ang kanyang itsura. Kaya naman pala simula nang dumating siya rito ay si Reyden na lang ang bukambibig niya.

Karma na sigurong matatawag ang nangyari sa akin dahil masayado akong asyumera. Pagkamalan ko ba naman siyang mahilig sa mga batang lalaki. Nakakaloka talaga! Siya pala ang Mommy ni Reyden!

Inihilig ko ang aking ulo sa mesa sabay pikit ng aking mga mata. Wala na talaga akong energy.

"Erica." Tawag sa akin na pamilyar na boses. Si Reyden.

Bahagya kong pinaling ang aking ulo at nakita ko siyang palapit sa akin. Umupo siya sa bakanteng bangko sa aking tabi.

"Okay ka lang?" Pag-aalala niyang tanong sabay hagod sa aking likod.

Pilit na ngiti ang isinagot ko sa kanya.

Hinawi niya ang aking buhok sabay ngiwi nang makita ang mga galos sa aking mukha.

"Sit properly. Kailangan nating gamutin ang mga galos mo." Utos niya.

Pinilit kong sumunod . Humarap ako sa kanya.

Inilapag niya ang isang pouch sa mesa. Pouch ni Ate Bel iyon na naglalaman ng mga kung anu-anong pampahid at gamot.

"Buti na lang parating dala ni Ate Bel ang first aid kit niya." Pasakalye niya sabay kuha ng isang cream sa loob ng pouch.

Hindi ko na nagawang kumibo dahil sa pagod. Tulala lang akong nakatitig sa kanya.

"You should not have done that. Ano bang akala mo sa katawan mo, bato? Parati ka na lang umaawat, parati ka tuloy nasasaktan." Sermon niya habang pinapahiran ng cream ang bandang ibaba ng aking pisngi.

"Ano naman ang gusto mong gawin ko, tumunganga lang?" Nanghihina at mahina kong sagot.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.

"You should just ask for help." Sabi niya.

"Pwede ko namang gawin 'yon, pero iniisip kong mas masasaktan ang mommy mo kapag hindi ako agad umawat." Sabi ko.

Ngumisi siya. "Why do you care so much about others? It's not even your business to deal with."

"It's part of my job. Sir Art told me to take care of Tita Grace, your Mom." Sagot kong nagbabakasakaling tumigil na siya sa katatanong.

Nag-iba ang itsura niya nang banggitin ko si Dad. "Trabaho lang ba talaga?" Tanong niya.

Bahagya akong ngumiti. "Of couse not. I do things because I want to help and because you are my friend." Sagot ko.

Napatitig siya sa akin. "You keep on reminding me of someone I really admire."

Hindi ako nagsalita. Hinawakan niya ang aking kamay at ipinatong sa mesa. Nilagyan niya ng band-aid ang parteng may sugat dahil sa kalmot.

"Okay, we're done. Yung buhok mo na lang." Sabi niya sabay kuha ng maliit na suklay sa loob ng pouch.

"Pati ba naman suklay meron diyan?" Natatawa kong sabi.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon