CHAPTER 3: MISSING

1.9K 159 31
                                    


Ethan

Hindi talaga ako mapakali. Simula nang mawala si Nina sa katawan ni Celine ay hindi pa rin siya tumatawag sa amin ni Ate Bel. Usapan namin na agad niya kaming tatawagan kapag nakabalik na siya sa kanyang katawan.

Ilang beses kong sinisipat ang cellphone ko nagbabakasakaling makatanggap ako ng message galing sa kanya pero wala.

Maaga akong bumalik sa mansyon para kausapin si Ate Bel. Gising na si Ate Bel nang pumasok ako sa kwarto ni Celine. This may be the last time na makakapasok ako sa kwartong ito.

"Ate Bel. Kinontact ka na ba ni Nina?" Bungad kong tanong sa kanya.

Umiling siya. Nakita kong nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata.

"You haven't slept?" Pag-aalala kong tanong sabay lapit sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang namumutlang pisngi.

"Hindi ako makatulog Ethan." Nanghihina niyang sagot.

Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kanyang katawan at mahigpit ko siyang niyakap. "Let's just pray she's okay. I'll be going to Baguio later."

Hindi siya sumagot. Kahit hindi niya sabihin, kahit hindi niya ipakita, alam na alam kong sobra siyang nag-aalala para kay Nina.

Hinintay ko munang magising si Celine. Curious din ako kung ano ang mangyayari paggising niya. Umupo muna ako sa veranda. Dumating si Reyden. Wala siyang kaalam-alam.

Kung pwede ko lang sabihin sa kanya ang lahat ay ginawa ko na.

Pumasok ako sa loob at umupo sa gilid ng kama ni Celine para umiwas sa mga tanong ni Reyden.

Iminulat ni Celine ang kanyang mga mata.

Tulad nang inaasahan namin ni Ate Bel, hindi kami naaalala ni Celine. Napangisi ako. She's not the friend we knew for the last 5 years. Alam kong balewalang manatili pa ako rito kaya naman nagpaalam na ako. Mabilis akong lumabas ng mansyon.

"Ethan! Balitaan mo ako kaagad." Pahabol ni Ate Bel na nakasunod pala sa akin.

"Don't worry Ate Bel, I'll call once magkita kami ni Nina." Sabi ko sabay ngiti.

Bumiyahe ako pa-Baguio. Nag-aalala ako pero mas excited akong makita siya. Looking forward akong malaman kung nakabalik na talaga siya sa kanyang katawan.

Ininda ko ang pagod at antok para lang makita siya. Hapon na nang makarating ako sa tapat ng kanyang opisina. Nararamdaman ko ang kaba sa dibdib ko; nakabalik na kaya siya o hindi pa? Pumasok ako sa loob at sinabi sa front desk na hinahanap ko si Nina.

Ilang saglit lang ay nakita ko na siyang pababa ng hagdan.

"Ethan!" Tawag niya sa akin. Abot tenga ang kanyang mga ngiti.

Napangiti ako nang malapad na malapad sabay kaway sa kanya.

"Hindi mo yata kasama si Celine at Ate Bel." Sabi niya nang makalapit sa akin.

Nabawasan ang ngiti sa aking mga labi. Oh no!

"Yeah, mag-isa lang ako. May sakit kasi si Celine." Pagdadahilan ko sa kanya.

"Really? Okay lang ba siya?" Inosente niyang tanong.

Tumango ako.

"Do you need anything?" Tanong niya.

Lumilipad ang isip ko. Nina's not yet back. Nasaan siya?

"Ethan? Are you okay? You know what, you really look so tired." Tuloy tuloy niyang sabi.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon