CHAPTER 67: FAINT

1.3K 113 29
                                    

"When was the last time you visited my house?" Tanong ko kay Dave habang nagmamaneho siya.

Kasalukuyan kaming nasa highway at patungo sa bahay ni Jane na tatlong syudad ang layo mula sa sentro.

"Last time I visited was during your father's funeral." Sagot ni Dave.

"Do you think your Mom is there?" Tanong ni Ate Bel na nakaupo sa likod.

"I hope so." Sagot ko.

Kung siya talaga ang nagtangkang pumatay sa akin, dapat noong unang pagkakataon pa lang na naglaslas ako kuno ay hindi na siya nagpakita sa ospital. Parang may hindi nagtutugma; bakit siya nagpakita kung alam niyang pwede siyang paghinalaan ni Jane?

Napabuntong-hininga ako.

Kung hindi naman siya ang killer, sino?

"We're here." Sabi ni Dave sabay park sa gilid ng kalsada.

Bumaba ako ng sasakyan at iginala ang aking paningin sa paligid. Ito nga ang lugar na nakita ko sa panaginip. Dito rin sa tapat nakapark ang police car noong araw na namatay ang tatay ni Jane.

Inihakbang ko ang aking mga paa. Nakita ko ang isang malaki pero lumang bahay. Marumi ang palagid nito at kupas ang pintura na para bang matagal nang walang nakatira. Mukhang wala rito ang nanay ko.

Napatingin kami nang tumahol ang isang aso na nasa tapat mismo ng pintuan. Umiikot-ikot ito sabay kaluskos ng kuko nito sa pintuan ng bahay.

Tutuloy na sana ako sa paglapit sa bahay nang mapansin kong hindi lumabas ng sasakyan si Ate Bel.

Lumapit ako sa sasakyan at sinilip siya. Nakita ko siyang tulalang nakaupo habang yakap-yakap ang kanyang sarili. Binuksan ko ang pinto at hinawakan ang kanyang braso.

Hindi ko alam kung bakit siya nagulat nang hawakan ko siya.

Nakamulagat siyang napatingin sa akin, bakit para siyang kinakabahan?

"Nina, let's get out of here!" Parang wala sa sariling bulong niya.

Napakunot ang noo ko. Dumiretso ako nang pagkakatayo sabay galang muli ng aking mata sa paligid. Anong nakikita niya?

"Ate Bel, come on. Just stay with me." Sabi ko sa kanya.

Huminga muna siya nang malalim bago niya inabot ang nakalahad kong kamay.

"Ang daming multo rito, Nina!" Kinakabahan niyang bulong sabay pikit ng kanyang mga mata.

Napalunok ako sa sinabi niya. Kahit hindi ko sila nakikita ay tumitindig ang aking balahibo.

"The smell sucks!" Sigaw ni Dave na nasa tapat na ng pinto ng bahay.

Magkahawak kamay kaming lumapit ni Ate Bel. Napaubo kami nang malanghap namin ang nakakasulasok na amoy na nagmumula sa loob ng bahay.

Saan galing ang amoy na iyon?

Naramdaman ko ang mariing pisil ni Ate Bel sa aking palad.

"May lalaki sa bintana sa second floor." Bulong niya.

"Ate Bel, huwag mo kong takutin, please." Bulong ko rin.

"Di kita tinatakot, may dalawa pang nasa taas, isa dito sa baba, may isa pa sa garahe." Tuloy -tuloy niyang sabi.

Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan.

Malakas na kumatok si Dave sa pintuan habang nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang ilong.

"No one's here." Sabi ni Dave.

"Let's get out of here!" Yaya ni Ate Bel.

"We need to find out where that smell is coming from." Sabi ko.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon